CHAPTER 34 ♥

302 10 2
                                    

CHAPTER 34

Jasmine's POV

Iyak lang ako nang iyak sa kwarto. Nilock ko rin ang pinto. Ang sakit lang kasi nung mga sinabi ni lola.

Paano niya nasabi agad na buntis ako? Porque ako ang nandoon at yung pregnancy strip akin na agad? Bakit siya nagconclude agad? Ganon ba kababaw ang tingin niya sa akin? Puro kalandian lang ang alam ko?

Bakit feeling ko ayaw na ayaw niya sa akin? Ayaw kong magkumpara kasi mali, pero di ko maiwasan. Feeling ko mas mahal niya si ate.

Mas lalo akong naiyak.

Kumakatok si ate pero di ko pinagbuksan. Naiinis din ako sa kanya. Bakit siya nagpabuntis? Bakit ang tanga niya? Pati ako nadadamay.

Hindi rin ako kumain ng dinner. Ayokong makita ang pagmumukha ni lola. Gusto ko lang magkulong dito hanggang bukas.

Hindi ko na talaga matanggap ang ginagawa niya. Nagsasawa na ako sa pagtitiis sa ugali niya. Kung nandito lang sana si papa at mama hindi ganito ang buhay ko. Malaya ako. Masaya. Hindi ganito! Kung nandito lang sana sila. Basta hahanapin ko sila pagdating ng panahon.

Nakatulog ako ng konti.

Nagising lang ako nung may nagv-vibrate ang phone ko sa tabi. Kinuha ko agad kasi alam ko kung sino ang tumatawag.

("Hello..") boses ni Kazer ang tumambad sa tenga ko.

"Kazer.."

("Ayaw mo raw kumain?") Sabi niya.

So sinabi sa kanya ni ate na ayaw kong kumain. Ginagamit niya ba si Kazer para pakainin ako?

"Ayoko pang kumain. Di ako gutom." Pero ang totoo gutom na gutom na ako.

("Kumain ka na nga.")

"Sige mamaya kakain ako. Kakagising ko lang."

("Sabihin mo sa akin ang problema mo. I'll listen.")

Di ko na kailangang sabihin sa'yo. I need your comfort. Comfort is what I need right now.

"May misunderstanding lang kami ni lola. Pero aayusin ko naman na."

("Dahil ba.. sa akin?") He asked. Kaya siguro nag aalala siya ngayon?

"No. Family issue lang. Hindi niya malalaman ang tungkol sa atin. Don't worry."

("What do you want me to do?")

Gusto kitang makita. Pero paano ako makakalabas dito sa bahay?

"Wala.. pero.. uhm.."

("Ano?")

"Gusto kong lumabas. Ayoko muna rito sa bahay." Sabi ko.

("Pero gabi na. But if you really want to go out then I'll fetch you and let's go somewhere.")

"Sige. Mamaya. Antayin mo ang text ko kasi mahirap tumakas." Kasi siguradong nasa sala pa si lola ngayon.

Si ate naman hindi ko nararamdaman. Baka umalis siya? Baka di na sila magkasundo ni lola kaya umalis siya. Syempre sino ba ang hindi magagalit sa sitwasyon niya ngayon.

Binaba ko na ang tawag ni Kazer. Pumunta na lang ako sa banyo para magbihis. Para ready na ako mamaya.

Nakita ko sa salamin na namumula ang mukha ko. Bumakat yata yung kamay ni Lola. Damn!

Sobrang singkit pa ng mata ko dahil sa pagiyak kanina. Natuyuan kasi ng luha. Baka tawanan ako ni Kazer kapag nakita niya ang itsura ko!

Nagpalit ako ng damit. Nagsuot din ako ng sweatshirt at shorts.

Never Fall Inlove With A Bad BoyWhere stories live. Discover now