CHAPTER 23 ♥

281 8 0
                                    

CHAPTER 23

Jasmine's POV!!!

Napa-facepalm na lang ako sa mga sinabi ni Nikki. Patay talaga sa akin 'tong babaeng 'to mamaya! Grrrrrr!!!!! Lagi na lang akong pinapahamak!

"Wag kang maniwala sa kanya." Mahinahon kong sabi kay Kazer para di magmukhang defensive.

Natatawa tawa na lang si Nikki. Sabunutan ko 'to eh!

"Ahhh 'yon pala ang dahilan kung bakit hindi kita maintindihan kahapon." Ani Kazer. Parang nakakaloko pa.

"Hindi ah!"

Padabog akong umupo para ipagpatuloy ko ang pagkain. Pero pano pa kaya ako makakakain kung nandito na 'tong asungot na 'to?

"Ganyan 'yan kapag nagseselos. Nagagalit. Laging nakasimangot." Sinamaan ko ng tingin si Nikki dahil sa sinabi.

"Ganito naman ang mukha ko palagi? Tumigil ka Nikki ha. Ikaw Kazer, umalis ka na nga. Kumakain ako. 'Wag kang storbo." masungit kong sabi.

"Mag usap tayo mamaya." Sabi niya tapos umalis na siya.

Ok? At ano naman ang pag uusapan namin? Mag eexplain siya? Di na niya kailangan na mag explain kasi hindi naman kami..

Eh basta! Malabo ang status naming dalawa! Hindi ko pa rin alam.

"Grrr!" umamba ako na sasaksakin ng tinidor si Nikki. Bwiset talaga 'tong babaeng 'to! Dapat pala di ko na lang sinabi sa kanya 'yung problema ko!

"Oh ano? Totoo naman ang sinabi ko na nagseselos ka. Gusto mo na siya di mo lang i-admit. Yeiiii!!" Asar niya.

I rolled my eyes. "Ewan ko sa'yo, Nikki! Hindi ko siya gusto! Panget siya at jejemon!"

Tinapos ko agad ang pagkain dahil sa inis. Marami pa akong gagawin. May klase pa kami mamaya tapos dederetso pa ako sa music room para bantayan ang mga gagamit ng instruments. May mga nagpapractice na kasi. Baka masira nila 'yung drums at piano.
Ang mahal kaya nun.

Papunta na ako ngayon sa student's council dahil may meeting kaming mga taga-science club. At ako ang President. Magtatayo raw kasi kami ng booth. Bawat club kasi may booth. Syempre may plus kami sa grades!

Kailangan ko talaga ng mataas na grade para di ako bumaba. Kailangan maging active ako sa mga organizations. Marami pa akong gagawin at sa sobrang dami parang pati yata kati ko di ko na makakamot.

Nae-stress na ako! Dumadagdag pa 'yang Kazer Andrei na 'yan sa iniisip ko. Bahala siya. Si Nikki naman kasali sa dance troupe kaya iniwan ko siya dahil may practice raw sila.

Wala pa 'yung mga kasama sa club kaya umupo muna ako sa isang monoblock. Binuksan ko ang phone ko kasi kanina pa nagv-vibrate sa bulsa ko.

Text nang text si Kazer!

From: Kazer Andrei
Selosa ka pala

From: Kazer Andrei
Hihintayin kita sa gate mamaya

From: Kazer Andrei
'Wag kang tatakas!

From: Kazer Andrei
Sorry kung storbo ako

From: Kazer Andrei
Wag kang masyadong magpapakapagod. Sabihin mo sa akin kapag uuwi ka na

At marami pa siyang text. Derederetso yata siyang nagtype. Nagreply ako.

To: Kazer Andrei
K.

Nagreply siya agad.

From: Kazer Andrei
Dami kong sinabi tapos yan lang ang reply mo

To: Kazer Andrei
Di ko naman sinabi na itext mo 'ko! Wag mo na akong itext. Busy ako

Never Fall Inlove With A Bad BoyDove le storie prendono vita. Scoprilo ora