CHAPTER 35 ♥

295 12 1
                                    

this is a flashback. Wag malito. Though this one doesn't explain all the secrets of Kazer pero gusto ko lang makita niyo ang background. Lol backgroud. Whut? Haha basta!-s

CHAPTER 35

KAZER ANDREI'S POV!

"Wag ka ngang kumapit." Iritado kong sabi kay Marcus kasi sabit nang sabit ng kamay sa balikat ko.

Ang init kasi dito sa pesteng Gym na 'to. Gusto ko nang maglaro ng computer pero gusto kong panuorin yung gagong si Denver. Kasali kasi siya sa Quiz Bee na pakulo netong school. Mayroon kasing supercamps.

Sa aming magkakaibigan si Denver 'yung medyo matino ang utak. Kaya siya ang napiling representative sa section namin na puro walang utak ang studyante.

Matalino naman ako. Tamad lang. Bakit ko pa sasayangin ang oras ko sa pag aaral ng mabuti sa High school? Nasa college ang future kaya doon ako babawi. Kaya ngayon chillin' lang.

"GO PARE KAYA MO YAN! HAHAHA!" sigaw pa ni Froy na kaibigan ko rin.

"Sssshhhh!" Saway sa kanya nung isang teacher dahil rinig sa buong gym. Tss

Sumimangot ako kasi ang tagal mag umpisa. Nakatayo lang kami dito sa gilid gilid. Kating kati na ang mga daliri kong umattack.

Aalis din ako mamaya pagkatapos neto.

Nagsiupuan na ang mga kasali sa contest. Naipon silang lahat sa gitna ng gym. Meron pa yatang taga ibang school. At oo kanina pa ako nag titingin ng chix.

Bawal kaming manuod pero kaonti lang naman kami kaya pinayagan na. Baka raw kasi madistract ang mga kasali.

"Bakit wala pa si Ms. Santos?" Alalang tanong ng isang teacher na malapit sa amin. Bakante pa 'tong upuan na nasa harapan ko. Bale nasa gilid ako. Pero may upuan sa harap ko. Ah basta!

May babaeng dumating na pawis na pawis.

"Nandito na po ako, ma'am. Sorry po." Sabi niya sabay upo doon sa upuan na nasa harap ko.

"Muntik ka nang madisqualify." Nilapag na nung teacher sa desk nung babae yung maliit na white board at marker.

"Sorry ma'am. May emergency lang." Sabi niya sabay punas ng panyo sa noo at mukha.

Siniko ako ni Marcus.

"Ganda, master." Bulong niya.

Tinitigan ko yung babae. Maputi, mahaba ang buhok, plain, medyo chubby, pink yung labi at singkit ang mata. Maganda nga.

"According to Newton, for every action, there is an equal and opposite reaction. What law is this?" Tanong ng nagtatanong sa harap.

Ah alam ko yan!

Napatingin ako sa babae na nakatulala. Nag iisip ng sagot.

"Third law of motion." Sabi ko.

Bigla siyang tumingin sa akin. Damnnn!! Man! Tumingin siya sa akin! Third law of motion nga.

"Sshh.." sabi niya at nagsulat na sa white board na gamit niya. Galing ko. Pero alam naman yata niya ang sagot. Tss

Tinignan ko lang siya hanggang sa nakaabot siya sa Difficult na round. Wow. Talino. Lilima na lang sila na natira. At wala na yung si Denver. Easy pa lang natanggal na.

"Tara na nga Master. Gutom na ako." Sabi ni Angelo na hinihimas ang tiyan.

"Tsk. Mamaya pa. Pagkatapos neto." Meron akong tinitignan kaya wag kayong storbo.

"Gutom na gutom na ako."

"Kung gusto niyo mauna na kayong kumain." Sabi ko na naman.

At yon nga, 'Yon ang umpisa ng pagsunod sunod ko kay Jasmine nang hindi niya alam. Simula nung nakita ko siya sa Quiz bee na yon lagi ko na siyang tinitignan.

Never Fall Inlove With A Bad BoyWhere stories live. Discover now