CHAPTER 27 ♥

323 11 0
                                    

CHAPTER 27

Jasmine's POV

"What do you mean?" Tanong ko kay Kazer.

"Masaya nga ako." sagot niya.

Hindi yan ang inaasahan kong sagot! Hinalikan niya pa ako sa pisngi ah. Parang iba tuloy ang circulation ng dugo ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Para akong lalagnatin!

Nag titigan lang kaming dalawa. Ang lapit ng mukha niya sa akin. Kitang kita ko ang kulay almond niyang mata dahil sa sinag ng araw na tumatama. Pababa na yung araw.

Huminga ako ng malalim at nag iwas ng tingin.

"Makakahanap ka talaga ng kasiyahan sa mga simpleng bagay." Sabi ko na lang.

Di pa rin maalis sa isip ko yung sinabi niya kanina.

"Masaya ako kasi nakuha ko na ang gusto ko." Hindi ko siya maintindihan!

Napapasaya ko ba siya? Siguro. Masaya rin ako na napapasaya ko siya. Hindi pilit. Parang proud pa ako sa sarili ko kasi napapangiti ko siya.

Pagkatapos ng dalawang ikot sa ferris wheel, nakakababa na kami.

Inakbayan niya ako habang naglalakad. Uuwi na ako. Back to reality na pagkauwi ko sa bahay. Sana maulit 'to! Parang nawala ang mga stress ko sa buhay.

"Masyado na yata akong clingy." sabi niya habang naglalakad kami.

"Kung diyan ka masaya eh di ok. Wag lang masyado sa public.. kasi.. uh.. alam mo na."

Baka machugi ako kapag may nakakita ko. Gusto ko sekreto lang kung ano ang meron sa amin.

"I'm not usually like this. Ayoko nga sa clingy na babae eh. Sabihin mo lang sa akin kapag naiirita ka."

Tumawa ako sa sinabi niya. Hindi naman ako maiirita. Ok lang naman sa akin. Para malaman ko na may pake talaga siya sa akin..

"Bakit may naging ex ka na ba?" I asked.

"Uhm.. Oo."

Hindi na ako nagulat! Sa gwapo niyang ito imposibleng wala pa siyang ex. Sino kaya yon? Sino ang mga 'yon? Parang naging interesado ako bigla sa lovelife niya.

"Ilan?"

"Dunno. At di ko na sila matandaan. Basta. Ewan ko."

"Bakit di mo matandaan? Playboy ka!"

"Di ko na nga matandaan eh. Tsaka di naman ako nanliligaw. Basta magkakaroon na lang ako ng girlfriend bigla. Tapos mawawala rin."

So ganon din ako? Biglaan din na naging kami eh. Di rin niya ako niligawan.

Sumikip bigla ang dibdib ko. Siguro kapag nagsawa siya sa akin, itatapon niya lang din ako tapos di na makikilala tulad ng mga ex na sinasabi niya.

"Playboy." Bulong ko. "Ako? Wala pa akong nagiging boyfriend. Good girl ako eh." Dugtong ko pa.

"Ako ang una."

Una kong magiging ex.

Nung nakarating ako sa bahay, agad akong umakyat sa kwarto at nagbihis. Tapos sinabi ko kay Kazer na nakauwi na ako. Nag thank you pa ako sa kanya.

Inipit ko yung stub namin sa journal ko. Naisipan kong gumawa ng journal. Wala lang. Trip ko lang.

Niyakap ko yung ulo ni Mickey mouse tsaka ko binuksan ang gallery ko para tignan yung picture naming dalawa kanina.

Napapangiti ako. Tama nga yung sinabi ni Nikki. Masaya ngang magkaroon ng... lovelife? Lovelife ba 'to? Ah basta. Masayang kiligin.

Masyado akong tutok sa pag aaral kaya di ko pa nararanasan na kiligin. Ganito pala ang feeling. Laging excited. Laging masaya. Hindi ko ma-explain!

Never Fall Inlove With A Bad BoyWhere stories live. Discover now