CHAPTER 30 ♥

280 9 0
                                    

CHAPTER 30

JASMINE'S POV

"Ako yung?" Tanong ko kay Kazer.

"Wala. Sabi ko, malayo ka. Akala ko noon off limits ka. Pero di naman pala."

Ano raw? ako off limits? Paano niya nasabi? Sabagay, off limits naman talaga ako dahil sa lola kong baliw.

"So nakikita mo na ako noon pa?" I asked.

"Parehas tayo ng school pa'nong di kita nakikita? Tss."

Oo nga. Tanga ko naman.

"Ah ok. Pero hindi ako off limits. Baka intimidated lang yung iba sa akin kaya ganun ang tingin mo."

"Siguro nga." Aniya tsaka ginalaw galaw ang kamay ko sa dibdib niya. Ang hilig niya talaga sa kamay ko. Malambot siguro.

Natahimik na naman kaming dalawa. How I wish I could stay with him longer. How I wish this moment won't end. If this will end, I want to do this again with him.

Dinala niya ang kamay ko sa mukha niya. Medyo mainit ang mukha niya. May sakit daw kasi siya. Hinaplos ko na lang ang mukha niya. Tapos bigla niyang kinagat ang pinky finger ko nung dumapo sa bibig niya.

Tinampal ko nga! Parang inaatake ng insekto ang tiyan ko dahil doon. Yung lips niya! Yung lips niya damn!! Too much Kazer Andrei in my system tonight.

Tumawa siya tsaka dinala ulit ang kamay ko sa dibdib niya. I will never get tired hearing that laugh.

Inenjoy ko lang ang bawat sandali hanggang sa sumapit ang alas otso ng gabi. Pumunta na kami sa kotse niyang itim at hinatid na ako.

"Ihinto mo diyan. Wag sa tapat ng bahay." Utos ko sa kanya nung nakarating sa street namin. Baka kasi may makakita sa amin. Natatakot ako. Machugi na ako ng tuluyan.

"Ok." Sabi naman niya.

Sinunod niya ang sinabi ko. Hininto niya yung kotse malayo sa bahay.

Huminga ako ng malalim.

"Uhm, sige. Lalabas na ako. Mag.. ingat ka." Sabi ko. Ayoko pang umalis dito sa kotse niya! Kung pwede lang sana na i-extend ang oras para makasama pa siya ng matagal.

Tumango lang siya sa akin.

"Thank you din sa mcdo. At.." dagdag ko. Tumingin ako sa mukha niya.

"At?"

Hindi ko alam ang nakain ko o pumasok sa utak ko pero naglean ako sa kanya at hinalikan ko siya sa pisngi. Dumagundong ang puso ko na parang kulog. Parang nakikipagkarera na sa sobrang bilis.

Nagulat naman siya.

"At kanina. Nag enjoy ako.. uhm, babye!" Agad akong bumaba sa kotse niya dahil sa kahihiyan.

Mygahd myghad myghasss!! Gusto kong tumili tili habang naghahalf run palayo sa kanya.

Ngumiti na lang ako na parang tanga. Hindi ko na siya nilingon. Sobrang saya ko ngayong gabi. Walang wala sa pinaka masayang pangyayari na nangyari sa akin noon. Basta.

Hay nako, Jasmine! Nakakaleche ka. Lamunin na ako ng kalsada ngayon please.

Nasense ko agad si lola pagkaapak ko sa gate ng bahay. Nakabukas naman ang pinto.

Pumasok naman ako. Naabutan ko si Lola na nanunuod ng drama sa TV.

"Magandang gabi, la." Sabi ko. Napatingin naman siya sa akin mula ulo hanggang paa.

"Oh masaya ba?" Tanong niya. Di siya galit? O sarcastic lang talaga siya?

"Opo." Sagot ko na lang.

Never Fall Inlove With A Bad BoyWhere stories live. Discover now