CHAPTER 32.5 (OUR PARENTS???)

Magsimula sa umpisa
                                    

Wait nga!

Ano na status namin ngayon???

"Hintayin mo ako sa bleachers, maliligo lang ako."

"May pupuntahan ba tayo?" I asked. 

"Just wait for me." He winked while smiling tapos tumakbo na.

Konti na lang yung tao. Nag bye na sakin yung team mates ni Tyler at tumakbo na din. Maliligo na siguro sila. Sobrang pawis na nila no. Yung iba naman, di pa ata makamove on. Nakita ko naman si Ariza na paalis na pero hindi naman ako pinansin. Ngitian ko nga eh pero oh well, that's life. 

At yung dalawang katabi ko ngayon, pusang gala! Tinitingnan ako ng nakakaloko...

"What was that all about?" Sabay sila Aisha at Lynne. Halata sa boses nila na iniinis nila ko. Ngitian ko lang sila pero halatang fake.

"Hindi ko din alam eh. Hindi ko ineexpect na lalabas sa bibig ko yung mga yun." Yumuko ako dahil sobrang nahihiya na ko. Umalis na kaya ako ngayon? Baka mamaya ibalik pa ni Tyler yung topic na  yun since narinig daw niya clearly, loudly, and sweetly eh. Nakakahiya! Ako babae, ako nag confess! Err.

"Ano ka ba! Wag ka nga! Ang sweet kaya ng ginawa mo! Proud na ko sayo!" Siniko ako ni Aisha tapos tumawa silang dalawa.

"Yes, ako din Rylie. Sobrang proud ko na sayo. Di ko nga kayong gawin ginawa mo e. Tama ba kasing sumigaw ng ganun? Rinig na rinig kaya! Kayo nga center of attraction kanina e." Sabi ni Lynne na kinikilig kilig pa.

"Oo nga, Ry! Sobra talaga! Tuwing magkakausap kayo ni Tyler o sisigaw ko, sa inyo tumitingin ang mga tao. Sigurado akong deads na ang mga college girls and cheerleaders na humahabol kay Justin. Muahaha!" Evil talaga ni Aisha kahit kailan. Pero kahit evil yan, mahal na mahal ko yan and without her evil thoughts and plans, hindi siya si Aisha na super bestfriend ko.

"Lynne..." Lumingon kaming dalawa ni Aisha. Hindi lumingon si Lynne.

"Uy ikaw pala Brylle. Kunin mo na si Lynne oh. Broken-hearted eh." Sabi ni Aish. Ngumiti naman si Brylle but it didn't reach his eyes. Mukhang wala nga siyang tulog. Kawawa naman. Sobrang puffy ng eyes niya eh. Mukhang umiyak...

He hugged Lynne from her back.

"Sorry and I love you, Lynne. Hindi na ako magagalit kung hindi mo talaga nafifeel na mahal na mahal na mahal kita at hindi kita lolokohin. I won't get mad at you. Instead, lalo ko lang ipapafeel na mahal na mahal kita. Wag ka ng magalit sakin, please? Hindi ko kaya. 2 or 3 days pa lang pero hindi ko na kaya. Hindi ko na ata kayang gumising ng hindi ka nakakasama." Nakita kong pumatak yung luha ni Lynne. Shocks! Ang ganda ng scene.

Humarap siya kay Brylle...

"No. Wag kang mag sorry. Ang tanga-" Tinakpan niya yung bibig niya. Naalala niya siguro na bawal siyang magsalita ng ganun dahil utos yun ni Brylle. "Joke lang yun. Uhmm. Ayun nga, wag ka na mag sorry. Kasalanan ko. Kasalanan ko kasi pinipilit ko sarili kong hindi maniwala sayo kahit nararamdaman ko naman talaga. Thank you, Brylle. Thank you and sorry." Brylle smiled then they hugged each other. Sila na talaga! 

Hopeless Romantic (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon