Kabanata 54

890 29 0
                                    

Kabanata 54
MVP ng buhay ko


4 pm nang umuwi ako. Ang sabi nya susunduin na lang daw nya ko ng 6:30 pm. Simple black dress ang napili kong isuot. Exactly 6:30 pm nga ay dumating na sya para sunduin ako.

“Good Evening tita, baka gusto nyo pong sumamang mag dinner sa bahay?” Anyaya nya kay mommy ng ihatid ako nito sa gate namin.

“Naku. Hindi na iho, next time na lang. May mga kelangan pa rin kase kong tapusin na trabaho. Just send my regards to your parents.”

“Sige po.”

“Mom, alis na muna kami.” Hinalikan ko ito sa pisngi para mag paalam.

“Okay, mag ingat kayo.”

“Sige po tita. Ako nang bahala kay Ruwesha. Dinala ko na po yung kotse ni papa para hindi na sya mag dala ng kotse. Ako na rin po ang mag hahatid sakanya mamaya pauwi.”

“Okay, salamat iho.” Sabay beso ni mommy sakanya.

Ikinabit ko agad ang seatbelt ng makapasok na kami sa kotse nila. Nagulat ako ng bigla nyang ilagay ang kamay nya sa chin ko at ipaharap ako sakanya. Napapikit pa ko ng bigla nyang ilapit sakin ang mukha nya. Shit! Hahalikan nya ba ulit, ako?

“Nag make up ka?”

Napadilat ako sa tanong nya at napanganga.

"Of course, b-bawal ba?" Nag-aalangan kong tanong.

“Sa bahay lang naman tayo, hindi ka na dapat nag make up pa.” Tunog disappointed sya.

Ngumuso ako at umayos na sa pagkakaupo. WHAT THE FVCK! Kung may dapat ma-disappoint dito, diba dapat ako yon? Walangya! Asang-asa pa naman ako na hahalikan nya ulit ako tapos bokya lang pala! Damn it!

Nag simula ng gumapang ang kaba sa buong sistema ko ng makarating na kami sa bahay nila. Hindi naman ito ang first-time ko na ma-meet ang family nya. Actually, close pa nga ako sa pamilya nya, pero bakit iba talaga yung kaba ko ngayon? Siguro dahil iba na ngayon. Ipapakilala na nya ako ngayon bilang ‘GIRLFRIEND’.

“Let's go?”

Medyo na bawasan ang kaba ko ng hawakan nya ang kamay ko.

“Good Evening po.” Nakipag beso ako kay tita, tito at ate Brena, bilang pag bati. Pati si Bobby ay niyakap ko at hinalikan sa ulo.

“Good Evening, iha. Mabuti naman at nakapunta ka?”

“Syempre naman po tito. Thankyou po sa pag invite sakin.” Kahit hindi ko naman sigurado kung sila nga ba ang nag invite sakin o baka si Brex lang?

“Maupo na tayo at kumain.” Natataranta pa si tita sa pag-aasikaso sakin.

Ngumisi ako at naupo na sa gitna ni Brex at ate Brena. Ang dami nilang putahing niluto. Siguradong masarap lahat ng ‘to, dahil masarap mag luto si tita Nelia at ate Brena. Nanlaki ang mga mata ko dahil panay ang lagay ni Brex ng pagkain sa plato ko.

“Enough.” Bulong ko sakanya.

“Iha, kain ka lang ng madami.”

“Opo, tito salamat. Kakain po ako ng madami.”

“Napaka saya ko talaga nung malaman kong kayo na.” Si tita Nelia.

“Naku! Salamat po tita. Parehas po kayo ng reaksyon ni mommy.”

“At alam mo ba iha, ngayon lang sya pormal na nag pakilala samin ng girlfriend?”

Nagliwanag ng husto ang buong paligid ko.

U-Prince: Total Opposite (Series 1)Where stories live. Discover now