Kabanata 13

885 33 2
                                    

Kabanata 13
Cut

Walang kasing ganda ang mood ko kinabukasan.

"Good-"

Natigilan ako ng ma-realize kong wala pa pala si Brex. Napanguso ako. Late yata sya ngayon?

"Ruwesha? Tara dito!" Sigaw ni Jhazel sakin.

Ngumiti ako at lumapit sa kanilang tatlo. "Good morning!" Bati ko at naupo na sa tabi nila.

"Aba! Good mood ka yata, ha?" Si Aline ang nag tanong.

"Lagi naman ah!" Mas lumaki ang ngisi ko.

"Parang di naman." Bulong naman ni Ademel pero pinag kibit balikat ko lang yon.

"Oh nga pala, tignan mo to oh?"

Ipinakita ni Aline sakin ang isang maliit na box na mayroon pang gift wrapper.

"What's that?" Inosente kong tanong.

"Regalo malamang." Pamimilosopo nya. Na para bang ang laki kong tanga dahil hindi ko alam na isa iyong regalo, pero dahil nga sa good mood ako ngayon ay hindi ko na muna sya babatukan.

"San galing?"

"Ewan namin. Nadatnan lang namin yan sa table mo, saka wala naman pangalan na nakalagay." Sagot ni Ademel.

"Kung ganoon para sakin yan?"

"Parang ganon na nga. Baka birthday gift para sayo."

Biglang gumuhit ang ngiti sa mga labi ko nang may maisip akong ideya. "Hindi kaya galing kay Brex?"

"Naku. Imposible yon, saka wala pa si Brex dito oh. Pano naman nya madadala yan?"

Napawi agad ang ngiti ko dahil sa kontrabidang si Jhazel! Bwesit!

"Baka naman galing kay Jerimie?" Sabi ni Aline.

"...O baka sa isang secret admire?" Si Ademel naman.

Tse! Ewan ko sainyo! Kung hindi lang din naman si Brex ang secret admire na yan, wala na kong pakialam!

"Buksan mo na, Ruwesha." Mas excited pa sakin si Jhazel.

"Kayo na." Hindi naman pala galing kay Brex eh!

"Ay. Sige na buksan mo na! Malay mo singsing yan."

Tamad kong binuksan ang regalong iyon. Nalaglag ang panga namin apat ng makita namin'g isang susi ang laman nito.

"Susi?" Sabay-sabay na sambit nila.

"Baka naman susi yan ng kotse?" Namamangha si Aline sa sarili nyang ideya.

"...O baka susi ng bahay?" Humagikgik ng tawa si Ademel.

Tss! Mga timang talaga to! Pero para san nga kaya itong susi? Natigilan ako sa pag iisip dahil sa biglang pag dating ni Brex. Lumaki ang ngisi ko, dahil buo na naman ang araw ko. Napatingin sya sa susi'ng hawak ko at nag iwas din agad. Teka! Hindi kaya? Baka naman? OH MY GOD! Susi kaya ito papunta sa puso nya? Sheeet! Hindi ko mapigilan mapatili dahil sa naisip ko.

"Uy! Ano yan?" Tanong ni Aline.

"Wala!" Kinagat ko ang labi ko at mahigpit na hinawakan ang susi'ng iyon.

Imposible nga siguro para sa kanilang lahat, pero gusto ko pa rin paniwalaan ang sarili ko, na galing talaga ito kay Brex.

"For your finals, hahatian ko kayong lahat sa dalawang grupo, at gagawa kayo ng isang film."

U-Prince: Total Opposite (Series 1)Where stories live. Discover now