Kabanata 47

934 29 0
                                    

Kabanata 47
Ako ang U-Prince

Pinuntahan at dinamayan ako ni Ysaiah at Ashton ng gabi ding yon, pero hindi ko magawang mag kwento sakanila. Hindi ko kaya. Kaya nag pahatid na lang ako sa bahay. Nang makauwi ay niyakap ko ang dalawang tuhod ko, habang nakaupo sa aking kama at umiiyak. Hindi ko sya masisisi sa lahat ng naging trato nya sakin. Kulang pa ang lahat nang iyon sa laki ng kasalanang nagawa ko sa lolo nya at sa buong pamilya nila.

At least, ngayon nalaman ko na hindi naman talaga ako mahirap mahalin. Sadyang may napakalaking gap lang talaga ang meron samin dalawa. Na kahit sinabi nyang mahal din nya ko ay mas narealize kong wala talagang pag-asang maging kami, kase masyadong komplekado, masyadong mahirap, masyadong masakit. Pakiramdam ko nga buong universe ang tutol ngayon samin dalawa. So, anong laban ko roon?

Nagulat ako pag dating ng lunes. Ang akala ko ba ngayon pa lang uuwi sila Brex galing Manila, so, bakit andito sya ngayon? Kainis! Hindi ko pa yata sya kayang harapin. Tahimik akong naupo sa upuang nasa harapan nya, habang busy naman sya sa pagtingin ng mga pictures sa camera nya. Naiisip ko tuloy kung hanggang ngayon kaya andun pa rin ang picture namin o ni-delete na nya?

“Mr. Ortegas?”

“Yes ma’am?”

“This is your test paper, ikaw ang highest sa last quiz natin.”

“Woah! Ang galing talaga ni Brex.”

Narinig kong papuri ng mga ka-klase namin. Ako lang yata itong hindi nag react. Naramdaman ko ang pag tayo nya at pag lapit sa table ni Mrs. Tobias.

“Paki distribute narin ‘to sa mga ka-klase mo.”

“Okay ma’am.”

Agad kong kinuha ang test paper sakanya ng hindi man lang sya tinignan.

“Anong score mo?”

Nakita ko ang pag ka-dismaya sa ekspresyon ni Jhazel ng makita nya ang score ko.

“Bakit ang baba yata ng score mo ngayon?”

Nag kibit balikat lang ako sakanya. 28/50 ang score ko. Pati score ko sa mga quiz apektado na. Inayos ko ang mga gamit ko at inilagay ito sa aking bag ng mag class dismissed na.

“Sayo yata ‘to.”

Halos hindi ako makagalaw nang marinig ang napaka pamilyar na boses na yon. Nanunuot sa ilong ko ang mabangong amoy nya, na para bang sobrang lapit nya sakin. I know him very well, kaya hindi ako pwedeng magkamali. Dahan-dahan akong nag angat ng tingin sakanya. Deretso ang tingin nya sakin gamit ang namumungay nyang mga mata.

“Sayong ballpen ‘to, diba?”

Tumango ako at naiilang na kinuha sakanya ang ballpen. Naiiyak na naman ako. Hindi ko talaga maiwasan maguilty.

“Thanks.” Sabi ko at nag iwas na ng tingin sakanya.

Shit! Bakit hindi pa rin sya umaalis? Kami na lang yata na iwan dito.

“Ahmm.. Ruwe-”

“RUWESHA!” Natigilan sya sa malakas na sigaw ni Aline.

Kinagat ni Aline ang labi at nag pabalik-balik ang tingin nya sakin at kay Brex. Mukhang narealize nya na naging malaking istorbo sya samin.

“Ahmm... S-Si Ranel, n-nasa labas.” Mapakla ang ngisi nyang itinuro yung labas.

“Ah okay.”

Isinuot ko ang aking bag at nag madali ng lumabas. Malaki ang ngiti ni Ranel ng madatnan ko syang nakatayo sa tapat ng classroom namin.

“Ang tagal mo naman lumabas?”

U-Prince: Total Opposite (Series 1)Where stories live. Discover now