Kabanata 27

853 33 1
                                    

Kabanata 27
Sorry... Ingat ka

Inaya ako ni Ranel mag dinner pero tinanggihan ko sya. Sinabi kong may family dinner kami kahit wala naman talaga. Oo alam ko, ang sama ko sa part na yon, pero wag nyo ko husgahan. May karapatan naman siguro akong mag maganda, diba? Lalo na't maganda naman talaga ko. Mabuti na lang at hindi na rin nya ako pinilit pang ihatid. May dala rin naman kase akong sariling sasakyan. Inilagay ko sa passenger seat yung mga bulaklak na natanggap ko, kasama na yung bouquet ng rose na galing kay Ranel at yung teddy bear na bigay ni Jack. Sa front seat ko naman inilagay yung red ribbon na cake, na hanggang ngayon hindi ko alam kung kanino ba galing. Makikipag kita ako kay ate Brena at is-share ko sakanya ang cake na'to, kaso, hindi naman nya sinasagot yung mga tawag ko kaya pupuntahan ko na lang sya at susunduin sakanila. Sinapo ng palad ko ang aking noo nang makitang naka-lock ang gate nila. Ang alam ko walang pasok si ate Brena ngayon. Asan kaya sya? Kinuha ko ang cellphone ko at sinibukan idial ang numero nya.

"Sagutin mo. Please!" Wika ko sa sarili ko, habang panay na ang kagat ko sa kuko ko.

Pang anim na dial na pero wala pa din sumasagot. Hindi kaya nakipag date lang yon kay Ysaiah? Sheeet! Hindi malabo. Kainis naman! Uuwi na lang ako.

"Ate Wesha!"

Nagulat ako ng patakbong lumapit sakin si Bobby at niyakap ako. Kasama nya si Brex na seryosong nakatingin sakin, mukhang kakasundo lang nya sa bunso nila.

"H-Hi Bobby." Bati ko pero deretso ang tingin ko sa kuya nya na nakatayo lang sa tapat namin at nakapamulsa.

Ang gwapo talaga nya. Bwesit!

"Bakit ka andito?" Mahinahon na tanong ni Brex, pero kinabahan pa rin ako.

"P-Pupuntahan ko sana s-si ate Brena, kaso wala naman pala sya."

"Baka may pinuntahan lang."

"S-Siguro nga. S-Sige aalis na rin ako- Bobby uuwi na si ate Wesha-"

"Maya na ate, g-gutom na Bobby, kain muna."

"Kasama mo naman si kuya Brex-"

"Gusto ko kasama ka ate Wesha."

Eh?

"Pero hindi pwede Bob-"

"Sige na. Sumama ka na samin."

"Ha?" Medyo na gulat ako eh' bat ba?

"Hindi ka rin naman paaalisin nyang si Bobby, hanggang hindi mo sya pinag bibigyan."

Teka, nananaginip ba ko?! Lihim akong napa ngiti at pinag masdan syang nag simula ng mag martsa. OH MY GOD! Seryoso ba to? Sheeet! Pagkakataon nga naman.

"Bilisan nyo."

Lalong lumaki ang ngiti ko. "Oo eto na- tara na Bobby?"

Hinawakan ko ang kamay ni Bobby at sinabayan na sya sa paglalakad. Gusto ko sanan'g sabihin sakanya na sumakay na lang kami sa kotse kaso baka magalit lang sya at isipin na naman nya na pinag yayabang ko yung kotse ko. Baka mapalayas pa ko ng 'di oras

"Kumakain ka ba sa mga topsiloga? Paborito kase ni Bobby don."

Tumango ako. "O-Oo naman." I lied. First time ko.

Hindi ko pa na try kumain sa ganon, pero dahil kumakain naman ako sa mga street foods, siguradong mas makakain ko naman ang pagkain doon. Nag punta kami sa pinaka malapit na topsilogan. Medyo madaming tao rito mukhang sikat din ang topsilogan na'to. Sa bandang dulo kami naupo. Napansin ko agad ang grupo ng mga kababaihan na wagas kung makatingin kay Brex. Hindi man lang sila natatakot na mahuli ko sila. Halos mangisay pa ang mga ito sa kilig, at panay ang bulungan.

U-Prince: Total Opposite (Series 1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن