Kabanata 40

906 26 2
                                    

Kabanata 40
Stay here


Ang laki ng eyebags ko kinabukasan. Hindi kase ako halos nakatulog dahil sa nanyare samin kagabi. Kinakabahan nga ako ngayon, hindi ko alam kung paano ba ako haharap sakanya ngayon. Dumating na ang teacher namin sa first subject, pero wala pa rin sya. Panay ang paglinga ko sa labas ng classroom namin, baka sakaling late lang sya. Napuyat din ba sya? Bakit wala pa sya hanggang ngayon? Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukan syang itext.

Ako:

Good Morning, Brex! Andito na si Mrs. Cabrera. Asan ka na ba? Anong oras ka papasok?

Maya’t-maya ko chine-check ang phone ko para tignan kung may reply na ba sya, pero wala akong natanggap ni isang reply galing sakanya. Natapos ang klase ng buong araw pero walang Brex na dumating o nag reply man lang sa mga text ko. May problema kaya? Gusto ko syang puntahan kaso baka magalit lang sya.

Ruwesha? Bakit hindi pumasok ngayon si Brex?” Usisa ni Aline, habang nag memeryenda kami sa cafeteria.

Nag kibit balikat lang ako sakanya, dahil hindi ko rin talaga alam kung bakit.

“Bakit hindi mo alam? Hindi na ba kayo nag kakausap?”

“Hindi sa ganon, mag kasama nga lang kami kahapon, eh!”

Hindi ko pa nai-kwento sakanila ang mga nanyare kahapon, dahil wala ako sa mood kanina.

“Talaga? Gumawa kayo ng project?”

“Hindi, nag date kami.” Muling sumariwa sa alaala ko ang pinaka masayang araw na nanyare sa buong buhay ko.

“Seryoso?” Halatang hindi talaga sila makapaniwala at hindi ko naman sila masisi. Matapos ba naman ng lahat ng mga nanyare samin ni Brex? Sino ba mag-aakala na sakin din pala ang bagsak nya?

Ikinuwento ko sakanila ang lahat, except syempre yung about sa kiss. Nung una ay ayaw pa nila maniwala sakin. Baka daw panaginip lang iyon pero naniwala rin sila nung ipinakita ko na yung pictures namin ni Brex.

“So, kayo na?” Tanong ni Ademel.

Umiling ako. “H-Hindi pa.”

Nanliligaw na sya?”

Umiling ulit ako. “H-Hindi rin.”

“So, ano na kayo?”

Bigla akong napaisip. Ano nga ba kami? Hinalikan nya ko pero wala naman syang sinabing kahit ano, hindi rin naman sya nag ‘I love you’ sakin kahit sa text. AS IN WALA! Kaya hindi ko talaga alam.

“Bakit hindi mo sya tanungin kung ano na talaga kayo?”

Pano ko naman iyon gagawin?”

“Bakit mo yan tinatanong samin? Diba, ikaw tong prangka pagdating sakanya? Dati nagagawa mo pa syang yayain makipag date sayo. Ngayon hindi mo na alam kung paano?”

Tama si Ademel. Dati kaya ko syang tanungin ng harapan pero ngayon natatakot na ako, natatakot ako na baka pag nag tanong ako sakanya ay isipin nya na pini-pressure ko sya. Mag damag wala akong ibang ginawa kundi titigan ang cellphone ko at hintayin ang reply nya sa mga text ko. Huminga ako ng malalim at sinubukan tawagan si ate Brena.

U-Prince: Total Opposite (Series 1)Where stories live. Discover now