Kabanata 31

897 33 3
                                    

Kabanata 31
Kay Ortegas na'to

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong nya ng sumunod na araw.

Hala! Ang gwapo.

May klase na ulit kami. Maaga akong nagising kaya naisipan kong daanan sya rito sa bahay nila.

"Sinusundo ka." Nakangisi kong sabi. Ang sweet ko talaga!

Sa gilid ko ay si ate Brena na ngingisi-ngisi lang.

"Wag mo na ulit ako susunduin."

Luhh! Ang high blood na naman ng mahal ko. Ang gwapo-gwapo pa naman.

"A-Akala ko ba okay na tayo? Bakit ang sungit mo na naman?" Ngumuso ako.

Binitbit nya sa kanang balikat ang kanyang back pack.

"Kase lalaki dapat ang sumusundo sa babae." Nag martsa na sya palabas ng bahay nila.

Yiiiieeee! Pakikiligin lang pala ako hindi agad sinabi. Sabay kaming napatili ni ate Brena. Mabilis akong nag beso at nag paalam sakanya. Baka iwanan ako ni Brex. Mahirap na!

"So, bukas ikaw nang susundo sakin?" Umaasa kong tanong.

Napa-atras ako ng pumihit sya at hinarap ako.

"HINDI."

Ouch! Paasa. Tss! Ngumisi sya. Ngumuso naman ako.

"Aw! Eh, bakit? Akala ko ba mga lalaki dapat yung sumusundo sa mga babae?"

"Bakit may sasakyan ba ko?" Natatawa nyang sabi.

Feeling ko talaga close na kami ngayon. Nag jo-joke na sya. Eh' My God!

Mabilis akong sumakay sa kotse ko, akala ko ay sasakay din sya pero, napapahiya ko syang pinanood na nag derederetso lang sa pag martsa. Mabilis kong ini-start ang kotse at sinabayan ang paglalakad nya.

"Brex, sabay ka na-"

"Wag na."

"Sige na, please! Sumabay ka na sakin."

"Ayoko. Mag je-jeep na lang ako."

Eh? Pa hard to get na naman!

"Edi mag je-jeep na lang din ako-"

"No!"

Ay. Ang sungit talaga. Namiss siguro nya kong sungitan?

"Brex! Come 'on! Sumakay ka na rito."

"No!" Hindi pa rin nya ko nilingon.

"PLEASE!"

"I said no." Walang emosyon nyang sabi.

"Please! Brex, kahit ngayon lang? Promise, bukas hindi na kita pipilitin. Please-"

Tumigil sya at nilingon ako. Papayag na yan. Hindi ako matitiis nyan.

"Ang kulit mo talaga!" Buntong hininga nya.

"So, papayag ka na nga?" With my puppy eyes.

"FINE!"

Yes! I knew it! Ganyan ako kamahal nyan ih' hindi ako kayang tiisin. Hihihi! Inihinto ko ang kotse sa tapat nya.

"Really?"

"Ayaw mo?"

"Gusto! Pero pwede ikaw nang mag drive? Masakit kase yung kamay mo eh." I lied.

Sorry na kung medyo pabebe ako. Chance ko na ito ih' para mas sweet lang? Hahaha! Umiling-uling sya pero walang bakas na pag kainis o pag kairita sa ekspresyon nya.

U-Prince: Total Opposite (Series 1)Where stories live. Discover now