Kabanata 43

917 28 1
                                    


Kabanata 43
Thanks for today

Mabuti na lang at halfday lang kami ngayon, kaya makakauwi ako ng maaga at makakapag handa pa para sa pag punta ko sa bar.

"Kita-kits na lang mamaya." Paalam ko sa lahat.

Kumaway ako sakanila at nag martsa na papunta sa car park. Uuwi muna ako para kumain, mag papahinga at maliligo.

Nag pahinga muna ako ng halos 30 minutes bago natulog. 3:30 pm ng magising ako. Nag tungo agad ako sa banyo at naligo. Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin nang matapos na ko makapag-ayos. Ito yung Ruwesha noon bago nya makilala ang isang Brex Ortegas. Pinilit kong baguhin ang buong pagkatao ko para sakanya, pero baliwala lang din ang lahat ng iyon.

"Hi I'm here."

Isa-isang nalaglag ang panga nila, habang pinapasadahan nila ng tingin ang kabuuan ko.

"Grabe! Ang sexy mo, Ruwesha!"

Uminit ang pisngi ko dahil sa papuring yon ni Heduey sakin.

"Wow. The old Ruwesha is back. Ngayon ko lang ulit na realize na babae ka ngang talaga." Binatukan ko agad si Ysaiah!

Medyo nakakainip dahil iilan pa lang ang mga customers namin, kaya tumulong muna ako sa pag se-serve ng mga order.

"Iba rin ang pormahan mo ngayon, ah?" Sabi ni Aline.

Kararating lang nila pero ito talagang outfit ko ang una nilang napansin or should I say itong pusod ko?

"Bagay sayo, ang sexy mo. Sobra!" Si Ademel.

"Tama na nga yang kapapansin nyo sa suot ko, ano nang order nyo?"

Shit naman! Masyado na tuloy akong na co-conscious ngayon sa suot ko. Hindi ko maiwasan isipin kung ano ba ang magiging reaksyon ni Brex pag nakita ko.

"Hanep! Andito na naman pala si Axel."

Pinag pawisan ako ng malamig dahil sa bulong na yon ng katabi kong si Heduey. Leche! Andito na sila? Kasama kaya ni Axel si Brex?

Leche! Ruwesha, wag kang lilingon!

"Ruwesha?"

Narinig kong tinawag ni Raizer ang pangalan ko. Himinga muna ako ng malalim bago ko sya nilingon. Isa-isang bumakas ang gulat sa mga mukha nila. Nanginginig ang mga labing ngumiti ako sakanila.

"Mabuti andito na kayo."

Hindi nakatakas sa paningin ko ang pag tigas ng panga ni Brex na nakatayo sa likuran. Lumapit ako at bineso si Kazel.

"You looked so great." Bati nya sakin.

"Ohh! Thankyou. Have a seat."

Nakalaan na ang VIP table para sakanilang mga U-Prince at doon ko sila pinaupo.

"Kevin, padala ng-"

"Tayo na lang mag dala."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Heduey. "Kahit andun yung kuya mo?"

"Dahil andun yung ex mo."

Napangiwi ako sa sinabi nya. "He's not my ex." Giit ko.

"Okay! So wala kang pake kahit may kasama syang babae-"

Nakalingon na agad ako kahit hindi pa sya tapos mag salita. Piniga ang puso ko ng makita kong nakikipag tawanan sya sa isang sexy'ng babae.

SHEEET! Malulutong na mura na lang talaga ang nasabi ko sa utak ko. Kinagat ko ang labi ko at pumilig kay Heduey.

U-Prince: Total Opposite (Series 1)Where stories live. Discover now