Kabanata 49

967 33 1
                                    

Kabanata 49
Seryoso ako sakanya

“It's my turn.”

Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. “Ha?”

“Almost 3 years mo ng pinapakita sakin kung gaano mo ako kamahal. Almost 3 years na rin kitang mahal pero hindi ko iyon naipakita sayo.” May bakas ng lungkot sa tono nya. “Kaya ngayon, ako naman ang gagawa ng paraan para hindi mo pagsisihan na minahal mo ko, ako naman ngayon ang mag papakita sayo ng pagmamahal ko.”

Gusto ko ulit umiyak, pero ngayon ay dahil na sa saya. Never in my life ko naisip na aamin sya sakin ng ganito. 3 years ko na syang gusto, pero never kong naisip na 3 years na rin pala nya ko gusto. Hindi ko nagawang umimik. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

“Gusto kitang ligawan Ruwesha, papayag ka ba?”

So ayon, feeling ko naman nag proposed na sya sakin kaya tumulo na naman itong luha ko. Tumango lang ako sakanya. Ngumisi sya at pinunasan ang luha sa mga mata at pisngi ko. Nanlaki ang mga mata ko ng bigla nyang halikan ang aking noo. Hindi ko mabitawan sa utak ko ang mga katagang iyon. I've been waiting for so long for this moment.

At tinutoo nga nya ang panliligaw, dahil kinabukasan pag kagising ko ay nadatnan ko sya rito sa bahay nag be-break fast kasabay ni mommy at daddy.

“Oh, she's here.” Anunsyo ni daddy sa pagdating ko.

Nabuhayan kaagad ang katawang lupa ko ng biglang tumayo si Brex, bitbit ang Isang bouquet ng white rose.

“For you.” Aniya na nag pangiti talaga sakin ng bongga.

For the first time ay nakatanggap din ako ng roses galing sakanya.

“Thanks.” Gusto ko syang yakapin, kung wala lang talaga ang parents ko rito.

“Sweetie, maupo ka na at sumabay samin.”

Tumango ako kay daddy at naupo na sa tabi ni Brex. Gusto kong tanungin kung bakit sya andito pero hindi ako nagkaroon ng chance para mag tanong.

“Brex, kain ka ng madami.” Todo asikaso si mommy sakanya.

“Okay, salamat po tita.”

“Hindi talaga ako makapaniwala na hindi lang pala kayo basta close na dalawa.”

Halatang tuwang-tuwa sakanya si mommy. Naalala ko tuloy nung sinabi nito na kung mag bo-boyfriend ako ay dapat katulad ni Brex. Mukhang aprove na aprove talaga si Brex para sakanya. At mukhang close na sila agad? Ano kayang pinag sasasabi ni mommy sakanya? Ano kayang sinabi ni Brex sakanila? Bakit ba kase late akong nagising?!

“Ma-swerte sayo itong si Ruwesha, gwapo ka at mukha ka pang matalino-” Dagdag ni mommy.

“Saka bihira na lang ang mga ganitong lalaki, ha? Kaya ingatan nyo ang isa’t-isa.”

Literal na nalaglag ang panga ko sa sinabi ni daddy. Seryoso? Pati si daddy nakuha na nya ang loob? Gaano na ba sila katagal na nag ku-kwentuhan dito?

“Sige po tito, tita. Papasok na po kami.”

“Sige mag iingat kayo.”

“Bye mom, bye dad!” At beneso ko na sila.

Kumaway pa ako sakanila bago kami tuluyang lumabas ng pintuan.

“Wala akong dalang sasakyan. Okay lang ba na mag tricycle na lang tayo?”

“Mas gusto ko kung ipag da-drive mo ko.”

Ang akala ko ay na-offend ko sya dahil hindi agad sya sumagot.

“B-Brex?”

“Okay sure.” Ngumisi sya sakin.

U-Prince: Total Opposite (Series 1)On viuen les histories. Descobreix ara