Kabanata 48

1K 27 1
                                    

Kabanata 48
It's my turn

Panay parin ang pag higab ko, habang palabas ng infirmary. Gusto ko pa sana'ng mahiga at matulog pero kontra naman iyong nurse!

"Okay kana?"

"Oh my-" gosh!

Gulat akong napatitig sakanya. Shit! Andito pa rin sya? Hindi sya umalis? Hinintay nya ko?

"B-Bakit andito ka pa?"

"Hinihintay kita."

Biglang tumalon ang traydor kong puso. Hindi mapigilan matuwa. Shit! Umayos ka puso.

"B-Bakit pa? Diba s-sinabi ko na sayo na bumalik ka na sa-"

"Gusto ko lang malaman kung okay ka na at mukhang okay ka na nga."

WHAT THE HECK! Gusto ko yatang ma-touch sa mga sinabi nya.

"Yeah! I'm okay."

Isang nakaka-binging katahimikan ang bumalot samin'g dalawa. Hindi ko alam kung ano pa ang dapat kong sabihin o kung paano ako aalis. Shit! Ang awkward nito!

"Ahmm... Pwede bang-"

"Oh, andito lang pala kayo."

Naputol ang sasabihin nya dapat ng biglang dumating ang hinihingal na si Ranel. Shit! Napaka wrong timing naman, oh!

"Bakit andito ka?" Natanong ko ng wala sa sarili.

"Galing ako sa classroom nyo, sinabi ng mga kaibigan mo na dinala ka ni Brex dito. So ano? Okay ka lang ba? Anong nanyare?"

"I'm okay, don't worry."

"Buti naman." Nag baling sya kay Brex sa tabi ko. "Salamat brad sa pag dala sakanya rito-"

"Hindi mo ko kelangan pang pasalamat. Kahit sino gagawin yon, lalo na ako." Giit nya na para bang nainsulto sya sa sinabi ni Ranel at walang sabi-sabi na tinalikuran kami.

Anong problema nya?

Masama ang gising ko ng sumunod na araw. Pano ba naman napaginipan ko pa yung mga naganap nung birthday ni ate Brena. Nagising ako na may luha pa sa mga mata. Wala ako sa mood pumasok ngayon sa literature namin. Tutal reporting lang naman ngayon doon at hindi naman ako kasama sa mga mag re-report kaya okay lang na hindi na ako umattend ng klase. Pumasok naman ako, hindi nga lang sa classroom namin. Sa rooftop ako tumambay at nag palipas ng oras. Presko kase rito. Naupo ako sa upuang narito. Itinungkod ko ang dalawang siko ko sa aking legs. Yumuko ako at tinakpan ng dalawang palad ang aking mukha. Nakakainis! Kahit takpan ko itong mga mata ko nakikita ko parin yung mga nanyare nung birthday ni ate Brena. Wala na akong masyadong maalala sa nanyareng pang aambushed noon sa sinasakyan namin ni lolo, basta ang alam ko lang ay may nag ligtas sakin iyon ay ang lolo nila Brex, kaya sya namatay at tatlong buwan naman comma si lolo noon bago rin sya bawian ng buhay. Sumisikip na naman ang dibdib ko sa tuwing maaalala ko iyon. Ganito rin siguro ang nararamdaman ni Brex sa tuwing nakikita nya ko?

Ilan saglit pa ay tumayo na rin ako at bumaba na ng hagdanan. Kakain muna ako at papasok na sa susunod na klase namin.

"Bakit hindi ka pumasok?"

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na iyon. Nambilog ang mga mata ko ng makita kung sino ang lalaking yon na nakatayo malapit sakin. Bigla akong nataranta at mabilis pumihit para iwasan sya, pero kamalas-malasan at natapilok naman ako.

"Ouch!"

BADTRIP!

"Okay ka lang?"

Ganoon na lang sya kabilis na nakalapit sakin. Kumalabog kaagad ang dibdib ko ng hawakan nya ang mag kabila kong siko para alalayan.

U-Prince: Total Opposite (Series 1)Where stories live. Discover now