Kabanata 2

1K 42 7
                                    

Kabanata 2
Improvement

“What's wrong with me?” Natanong ko ng wala sa sarili.

“Ha?”

“Anong mali sakin? Bakit ayaw nya sakin?”

“Walang mali sayo. You're pretty and sexy. You're talented at higit sa lahat mayaman ka. You almost perfect. Halos lahat na sayo na, kaya walang mali sayo, yung mata ni Brex ang may mali.” Paliwanag ni Bea sakin.

Tama. Maganda naman talaga ko, sexy, talented at Mayaman pa, pero bakit kahit ilan beses ko nang naririnig sa ibang tao na maganda ako, parang kulang pa rin? Iba pa rin siguro talaga kapag kay Brex na mismo iyon manggagaling. How I wish na, someday sabihin din nya iyon sakin.

“But why does he still not like me?”

“Hindi nga rin namin alam eh. At hindi rin namin alam kung bakit ka pa nagpapaka tanga sakanya.” Ani Joanna na panay pa ang iling.

“Halos kalahati naman sana ng populasyon sa campus natin nag kakandarapa sayo tapos naghahabol ka dyan kay Brex na walang ginawa kundi ipahiya ka? Tss.”

Seriously, gusto ko na talagang pag sasampilingin ang dalawang ito. But in a first place, they got a point. Point na hindi ko makita at hindi ko matanggap. Damn!

“Miss Ruwesha, hindi pa po ba tayo aalis?” Tanong ng driver ko na agad nag painit ng ulo ko.

“Are you that excited? Do you want to go first?”

"S-Sorry po miss."

"Tss!" Asan ka na ba kase, Brex?

I bit my lower lip and try to look for him. Kainis. Antagal naman nya. Hindi pa ba tapos ang meeting ng mga class president? Oo, may meeting ngayon ang mga class president pero ang OA naman yata sa tagal, 2 hours na kase ko nag hihintay dito. Padabog akong lumabas ng sasakyan ng makita ko ang pag dating ni Brex, habang may kasabay itong morenang babae. Para na naman akong baril na isang kalabit lang ay pwede ng sumabog, habang pinag mamasdan ko ang tawanan nilang dalawa. Sheeet! Sino na naman tong babaeng to! May pahampas hampas pa talaga sya sa braso ng Brex ko. Ang kapal ng mukha! Tatamaan talaga to sakin. Bwesit!

“Oh, talaga? Magkalapit lang pala yung bahay natin.” Saad nung babae sakanya.

“So, sabay na lang tayo—"

“No way! Over my beautiful sexy dead body.” Pinulupot ko kaagad ang braso ko sa braso ni Brex.

Halos mapatalon ang babae sa gulat sa biglaang pag singit ko sa usapan nila, habang si Brex naman ay walang ekspresyon na ipinakita. Sanay na.

“Ah... S-Sige Brex, una na p-pala ko.” Bakas agad ang takot sa tono nya.

Ayan! Matuto kang lumugar! Bitch!

Pumihit sya para talikuran si Brex. Napatalon ang puso ko sa tuwa pero agad din yun napalitan ng inis ng biglang bawiin ni Brex ang braso sakin at hilahin ang braso ng babaeng yon.

“Sabay na tayo?” Aniya na gamit ang pinaka malambing nyang tono at hindi ko talaga iyon nagustuhan.

Ang sakit sa mata, ang sakit sa tenga, ang sakit sa ulo, ang sakit sa puso ng eksenang ito. Mariin kong niyukom ang panga ko. Halos hindi ako makahinga dahil sa nasasaksihan ko ngayon sa harapan ko.

Sheeeeet!

“Pero kase, b-baka magalit si Ruwe—"

"Get out." Mariin kong pagtitimpi.

U-Prince: Total Opposite (Series 1)Where stories live. Discover now