Kabanata 30

915 33 4
                                    

Kabanata 30
Copy


“LAST SONG FOR TONIGHT!”

Halos mag protesta ang lahat dahil sa sinabi ng emcee. Bumagsak agad ang balikat ko at tuluyan ng nawalan ng pagasa. Hindi ko na sya makakasayaw, hindi sa first and last dance. Shit! Gusto ko nang umuwi-

“Shall we dance?”

Nag sintindigan agad ang mga balahibo ko sa pamilyar na boses na iyon. Waaaah! Eto na ba? Eto na ba yon? Eto na ba ang moment ko?

Dahan-dahan akong nag angat ng tingin sa lalaking naka lahad ngayon ang palad sa harapan ko. Tumalon agad sa tuwa ang baliw kong puso, nang maaninaw ko ang maaliwalas na mukha ng lalaking kanina ko pa hinihintay...

Si BREX LOUIE ORTEGAS!

Deretso ang mata nyang nakatingin sa mga mata ko, habang nakalahad parin sa harapan ko ang kamay nya. OH MY GOSH! Am I dreaming? Pwede ba paki-sapak naman ako? Sheeet! Sapakin nyo ko ngayon na! Walangya! Feeling ko anytime ay nawawala ako sa sariling ulirat. Napatayo akong bigla. Uminit ang pisngi ko ng ma-realize kong hindi ko nga pala suot ang sandals ko.

“W-Wait! Y-Yung sandals ko.” Naiusal ko.

Natataranta akong naupo ulit at kinuha ang sandals ko sa ilalim ng upuan. Dahan-dahan umawang ang mga labi ko ng bigla syang lumuhod sa harapan ko at tulungan akong isuot ang mga ito sa paa ko.

Fvck! I can literally hear my heart!

Hindi ko na nagawang intindihin pa ang mga laglag na panga at tilian ng madla, habang pinapanood kaming dalawa dahil hindi ko magawang alisin ang mga mata ko sakanya. I swear, feeling ko talaga isa akong prinsesa na anytime ay pwedeng mag collapsed dahil sa napaka gwapong prinsepe’ng nasa harapan ko ngayon.

“Let's go?” Aya nya gamit ang pinaka malambing nyang tono.

Wala sa sariling tumango ako at mabilis na tinanggap ang malambot nyang kamay.

Damn!

Fvck!

Shit!

THOUSANDS OF ELECTRICITY. Yan ang naramdaman kong dumaloy sa buong katawan ko ng ilagay na nya ang kamay nya sa baywang ko at nang ipatong ko ang dalawang kamay sa balikat nya. Para akong kinakabag dahil sa mga insektong isa-isang nabubuhay at nag diriwang ngayon dito sa loob ng tiyan ko. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko, basta sobrang saya ko. Para akong lumulutang sa sobrang saya!

All my life...

I've prayed for someone like you..

And I thank God, that I...

That I finally found you...

And all my life...

I've  prayed for someone like you..

And I hope that you fell the same way too...

Yes I pray that you do love me too..

Hooohh...

Bawat lyrics ng kanta at bawat pag titig nya sakin ay hinahaplos ang puso ko. Pakiramdam ko ay bumagal ang oras at kaming dalawa lang ang narito ngayon sa dance floor. Lumunok ako para basain ang na tuyo kong lalamunan. Kelangan kong mag salita at makapag isip ng topic para makapag usap kami. This is it! This is our moment. Kelangan ko itong sulitin!

“N-Nagulat talaga ko, nang y-yayain mo kong mag sayaw. H-Hindi ko in-expect na gagawin mo to.” So, ayon, nauutal pa ko shit!

Sino ba naman hindi kakabahan? Almost 3 years ko ng pinag papantasyahan ang lalaking 'to. Ilan beses ko na syang pinakasalan sa imahinasyon ko at ngayon... Oh my gad! Andito sya sa harapan ko at isinasayaw ako!

U-Prince: Total Opposite (Series 1)Where stories live. Discover now