Kabanata 24

928 35 3
                                    

Kabanata 24
Student's night

"Kaya naman pala hindi ka samin nag pakita kase mag kasama kayong dalawa." Makahulugang pahayag ni Ademel.

Pinandilatan ko sila ng mata at paulit-ulit akong umiling sakanila. Ang mga bwesit talaga! Gusto ko silang pag sasapakin isa-isa, pero naagaw agad ni Brex ang atensyon ko, nang walang sabi-sabi ay mag simula syang mag lakad paalis. Wala akong nagawa kundi pag masdan syang nag mamartsa palayo samin.

"Ayiieee! Anong nanyare, ha?" Usisa ni Aline.

I looked away. "W-Wala." Mga tsismosa talaga 'to!

"Naku. Wag nga kami, hano?"

"Ang sarap ng cupcake, no?" Pag iiba ko sa usapan.

Napatingin sila sa isa't-isa.

"Ha? Anong cupcake?" Nag tatakang tanong ni Jhazel.

"Yung cupcake na kasama sa lunch natin kanina."

"Parang wala naman kasamang cupcake yung sakin." Si Aline.

"Oo nga, wala rin akong nakaing cupcake." Si Ademel naman.

Ha? Eh, ano yung kinain ko kanina? Naligaw lang ba yon sa lunch ko?

"Wala kayong cupcake na-"

"Wag mo ngang ibahin ang usapan, so ano ngang nanyare?"

Wala talagang patawad ang pagiging tsismosa nitong si Jhazel! Iniwan ko na sila at nag martsa na pero sumunod parin sila.

"Ano ngang nanyare?"

"Nag kasabay lang kami palabas." I lied.

"Weh? Nakita kaya namin kayo kanina."

Namutla ako. Nakitang ano?

"Diba kanina mag katabi pa kayong nakaupo sa dulo?"

So, yun lang pala ang nakita nila? Mainam!

"Ah. Y-Yun ba? Wala yon. Parehas kase kaming late kaya sa dulo kami naupo."

"Eh. Bat namumula nyang pisngi mo?" Pang aasar ni Aline sakin.

"Hindi no. Tumigil nga kayo."

Binilisan ko ang pag lalakad para makaiwas sakanila pero hindi talaga nila ako tinantanan. Mga bunganga talaga nito walang preno.

"Mag kwento ka na kase. Hindi ka namin titigilan-"

"FINE!" Pagsuko ko.

Lumaki ang ngisi nila. Tumunganga sila sakin, halatang excited sa kung anong iku-kwento ko

"So yun nga..."

Ikinuwento ko sakanila lahat, habang nag lalakad kami palabas ng campus.

"Seriously? Ginawa nya lahat yon? My God! May something na yata talaga, ah?" Si Ademel.

"So, ano naman na feel mo?" Si Aline.

"Kinilig ka no?" Dagdag ni Jhazel.

Kinagat ko ang pangibabang labi at tumango sakanila.

"Ayiiiieee!"

"Sshh! Wag kayong maingay!"

"Akala ko ba mag mo-move on ka na sakanya?" Medyo nabasag ako sa tanong na yon ni Aline.

"Yun naman ang ginagawa ko eh. Kaso mahirap pala."

"Bakit kase kelangan mo pang mag move on? Mukhang na develop na din naman sya sayo." Si Jhazel.

U-Prince: Total Opposite (Series 1)Where stories live. Discover now