Kabanata 28

873 33 1
                                    

Kabanata 28
The dance floor



Hindi ako ganong nakatulog ka-gabi, hindi dahil student's night na namin mamaya, kundi dahil mag damag nag pabalik-balik sa isip ko ang malambing nyang boses na nag sabi ng ‘sorry’ sa akin. Para saan kaya talaga yung sorry nya na yon?



Wala kaming pasok ngayon. Sabi kase ni Mrs. Reyes hindi na kami ka-klasehin ng mga professor namin para naman daw makapag pa-beauty rest kami at mapag handaan ng maayos ang student's night. Kelangan ko pa ba yon? Eh' ang ganda ko na? Char!


“So, pano, sweetie? Hintayin mo na lang dito mamaya yung make up artists na mag ho-home service sayo?”

“Okay, mom

“Sige aalis na ko” hinalikan nya ko sa noo


Kelangan ni mommy mag punta sa Manila dun sa business namin para sumama sa meeting nila daddy. Wala lang. Share ko lang. Sinubukan ko ulit matulog nang mag 8 am na para naman makabawi ako ng tulog.



*Tok! Tok!*

Naalimpungan ako sa malakas na katok sa pintuan ko. Bumangon agad ako at binuksan ang pintuan.


“Mabuti naman miss Ruwesha at gising ka na”


Kumatok ka kase ih' matutulog pa nga sana ako.


“What do you want? Any problem?”

“Kanina pa po kase kita kinakatok dito, 2 pm na pero hindi ka pa nag be-breakfast-”

Namilog ang mga mata ko “What? 2 pm na?”


Gosh!

Bigla kong naramdaman ang gutom. Bumaba ako at kumain na ng breakfast at lunch nang biglang mag ring ang cellphone ko.


Ashton’s calling...


“Hello? Ashton?”

“Ako susundo sayo mamaya, ha?”

“Ha? Bakit?”

“Bakit may iba bang susundo sayo” bakas ang pag tataka sa tono nya


Sana nga kung meron at sana nga kung si Brex.


“W-wala, ikaw ba walang ka-date?”


Rinig ko ang pag buntong hininga nya mula sa kabilang linya.


“Wala nga eh. Nararamdaman ko kase na parating pa lang ang babaeng mamahalin ko ng totoo at-”

“Shut the fuck up, Ashton. Wala akong oras sa drama mo” Umirap ako kahit hindi naman nya makikita

“Ang sama mo naman sakin”

“Ang haba kase ng sagot mo, meron o wala lang naman dapat ang sagot”

“Okay, fine. You won” pag suko nya “So, mamaya na lang? mga 6:30. I will fetch you”

“Okay, bye” wala naman akong choice.



Siguro naisip nya na ang panget tignan kong mag da-drive ako ng naka-dress at naka-heels. Ang bait din naman talaga ng pinsan ko. 3:30 pm ng maligo ako, halos isang oras at kalahati ako nag laan sa banyo, dahil nag babad pa ako sa bathtub. Excited ako na parang hindi, para sa student's night namin. May maganda naman kayang mangyayare mamaya?


U-Prince: Total Opposite (Series 1)Where stories live. Discover now