Kabanata 41

877 30 3
                                    

Kabanata 41
Wala pa o wala na?

“A-Anong ibigsabihin nito?” Hindi ko nagawang pigilan ang panginginig ng boses ko. Natatakot sa maaari kong matuklasan ngayon.

Deretso ang tingin ko sa kamay nilang mag ka-hawak parin. Kitang-kita ko ang paghigpit ng hawak nya sa kamay ni Kazel.

“Girlfriend ko na si Kazel.” Tugon nya na hindi kaagad nag proseso sa utak ko.

Sinabi ba nyang girlfriend? GIRLFRIEND NYA SI KAZEL? Pero panong nanyare iyon? Si Kazel at Liam, hindi ba?

“Are you kidding me?” Mapait akong ngumisi sakanya.

“Mukha ba akong nag bibiro?”

Mariin kong kinagat ang pang ibabang labi ko, dahil sobra na ang panginginig nito.

“Pero narinig ko sila ni Liam non sa bar, alam kong may something sila-”

“Mali ka lang ng inaakala mo.”

Mabilis nag init ang gilid ng mga mata ko. Maraming tanong ang mabilis nabuo sa isip ko.

“So, pano ko? Pano yung satin? Ibig mo bang sabihin, nagkamali lang din ako nung isipin kong meron’g tayo?”

Natakot ako sa sarili kong tanong. Bigla ay parang gusto ko iyon bawiin, dahil hindi pala ako handang marinig ang sagot nya. Nakita ko ang mariin nyang pag yukom sa kanyang kamao.

“Oo, isa lang iyon pag kakamali. Tugon nya na tuluyang dumurog sa puso ko.

Awtomatikong bumagsak ang luhang kanina ko pa pinipigilang kumawala. Ang sakit! Ang sakit-sakit na pagkakamali lang pala ang lahat para sakanya.

“N-Nag kamali lang ako? S-So, para saan yung-” halik mo na yon?

Hindi ko na magawang ituloy pa ang gusto kong sabihin, dahil literal na akong hindi makahinga ngayon dahil sa sobrang sikip ng dibdib ko. Pinag titinginan na rin kami, kaya mabilis kong pinunasan ang pisngi kong basang-basa na sa luha.

"S-So, you're saying t-that you can come and go as you please?" Pag papatuloy ko.

“Oo, kaya kalimutan mo na lahat nang nanyare nung sunday. Tinupad ko lang ang wish mo na 'sana kahit sa isang buong araw lang mag kasama tayo at maramdaman mong masaya ako na ikaw ang kasama ko, hindi ba?' Kaya sana ang wish ko naman ang tuparin mo..." Mariin nyang iniyukom ang kanyang bibig bago nag patuloy."Kalimutan mo na ang nararamdaman mo para sakin."

U-Prince: Total Opposite (Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon