Kabanata 1

1.4K 50 8
                                    

Kabanata 1
I won't give up

"Hi Ruwesha? Nag paitim ka ng buhok?" Bati ni Joaquin sakin, habang naka sandal sya sa pader sa gilid ng pintuan ng classroom namin.

Tss! Obvious ba? Irap lang ang naging tugon ko sakanya.

"Grabe, Ruwesha. Iba rin talaga ang pag kahumaling sayo ni Joaquin no?" Komento ni Bea. Hindi ako sumagot.

"Hindi lang naman si Joaquin ang nag kakandarapa r'yan kay Ruwesha ha? Kaso ayaw lang nya dahil patay na patay sya kay Brex—"

"Hinihingi ko ba ang mga opinyon nyo ha?!"

"Oppss! Sorry." Anila sabay takip sa madaldal nilang bibig.

Oo, gwapo at sikat ito sa buong campus, dahil madalas itong lumaban sa mga pageant, pero ayoko pa rin sakanya, bakit? Ewan ko. Siguro dahil hindi sya si Brex? Si Brex Louie Ortegas lang naman kase ang kilala nitong baliw kong puso.

Natigilan kami sa pag lalakad ng sumulpot bigla sa harapan namin ang hinihingal pa na si Camille at Rachelle.

"R-Ruwesha!" Hinihingal si Rachelle na ka-klase namin.

"What?" Tamad kong responde rito.

"Si... Si... Brex—"

Pag karinig ko pa lang sa pangalan nya ay nag simula na kaagad kumalabog ng malakas ang dibdib ko. "What about Brex? What happened?"

I hate this. Masyado na naman akong na pa-praning dahil sakanya.

"W-Wala naman nanyare sakanya... Pero—"

"What?! Say it! Kung ayaw mong hilahin ko palabas yang dila mo!" Sigaw ko rito na ikinaputla ng mukha nya.

"Nakita namin sya ngayon sa cafeteria, kasama si Carlo at Raizer at may mga babae rin silang kasama—” Si Camile ang sumagot.

"SHIT!"

Halos sampung hakbang lang yata ang nagawa ko papunta ng cafeteria. Mabilis pa rin ang kabog ng dibdib ko. Kainis! Eto na naman sya! Na fu-frustrate na naman tuloy ako. Nangatog ang mga tuhod ko ng makarating ako sa cafeteria. Tama nga si Camile. Andito nga sila at napapaligiran pa sila ng apat na mahaharot na babae. Mabilis gumapang ang galit sa buong sistema ko. At saan naman humugot ng lakas nang loob ang mga babaeng ito para lumapit sa Brex ko?!

"Oh my gosh! Si Ruwesha."

Narinig kong bulong nung isa sa mga babaeng yon, habang natataranta pa sa pag kuha sa bag nya. Ayan! Dapat lang talagang matakot ka! Nakita ko rin ang pag baling ng tingin sakin ni Brex, habang nakakunot ang noo, si Raizer na naka ngisi at nag kakamot ng kanyang ulo at si Carlo na biglang napainom ng tubig.

"Oh, where are you going?" Sarkastiko ang naging ngisi ko sa mga babaeng kasama nila.

"A-Alis na. May k-klase pa kase kami." Sagot ng chinitang babae na nakaupo sa tabi ni Brex. Bakas ang takot sa mga mukha nila.

“You still have classes, but you still manage to flirt with the man I already own? Aren't you afraid of what I can do to you?”

“S-Sorry Ruwesha. Aalis na kami.”

"Make it fast! And I don't want to see you all clinging to my Brex!"

"O-Oo.. Hindi na mauulit... Tara na.." Aya nito sa mga kasama nya at tuluyan ng umalis.

"Tss! Bitch!" Usal ko sabay irap sa kawalan

Pinasadahan ko agad ng tingin ang tatlo. Si Carlo na nakayuko lang, habang nakakagat sa labi nya. Si Raizer na malaki pa rin ang ngisi sakin. At si Brex na tulala lang sa coke in can na hawak-hawak nya. Naupo ako sa tabi ni Raizer. Sa tapat ng unuupuan ni Brex.

U-Prince: Total Opposite (Series 1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant