Kabanata 3

967 36 4
                                    

Kabanata 3
Waste my time

“What? Are you out of your mind?” Galit na sigaw ni daddy sakin nang malaman nyang nag enroll ako sa state university dito sa syudad namin.

Kinain kaagad ng kaba ang dibdib ko, hindi ako madalas kagalitan ni daddy kaya ngayon, alam kong galit talaga sya, pero ganon pa man, buo na ang desisyon ko at walang sino man ang makakapag pabago pa rito.

“I'm sorry dad.” Matapang kong sabi.

“Didn't we have an agreement before that when you went to college you would study in the US with your kuya Gavin? I gave you the request to let you study here until senior high, so why did you enroll in a state university, without my permission?”

In-expect ko na talaga to. Alam kong sobrang magagalit si daddy. Pumayag ako noon na sa USA mag college. Ang akala ko kase after ng senior high magiging madali na lang para sakin ang umalis, pero hindi pala. Maisip ko pa lang na hindi ko na makikita si Brex sumisikip na agad itong baliw kong puso. Kaya paano ako makakaalis, kung ikakamatay ko naman yon? Ang OA diba? Pero walangya, feeling ko talaga iyon ang manyayare.

I want to stay. I want to study here. I want to be with... With Brex, of course. Kaya kahit alam kong magagalit si daddy, nag enroll parin ako sa ‘CSU’ kung san mag co-college si Brex at kahit na Education talaga ang course na gusto kong kunin noon. B.S Fine arts ang course na kinuha ko ngayon tulad ng course na in-enroll ni Brex. Sounds crazy, I know. But for now, my biggest dream is to be with him, only him, only with Brex Louie Ortegas.

“I really want to study here dad!” Pag mamatigas ko.

“Seriously? Here in the province? Ipagpapalit mo ang magandang edukasyon sa America para lang mag-aral dito sa probinsya? Unbelievable!

Hindi na ko umimik, deretso lang ang tingin ko kay daddy na ngayon ay pinipilit ng kumalma. Isang malalim na buntong hininga muna ang pinakawalan nya bago sya mag patuloy sa pag sasalita.

“Listen  can go to college in any country you want or in Manila if you really don't want to leave the country, but don't—"

“I want here. Please, dad.” Pag mamakaawa ko.

Mariin ipinikit ni daddy ang kanyang mga mata at bahagya pa nyang hinilot ang kanyang noo. Pinapakalma ang kanyang sarili.

“I'll think about it first.”

Napangiti ako. Hindi pa sigurado na papayagan ako ni Daddy pero alam ko naman na hindi talaga nya ko matitiis.

“Okay, dad. Thankyou.”

Naalimpungatan ako ng sumunod na araw dahil sa malakas na katok sa pintuan ng kwarto ko.

“Miss Ruwesha?”

Kinusot ko ang mga mata ko at nag mamadali kong binuksan ang pintuan.

“Yes, Lucy? Is there's any problem?”

“Nasa baba po ang inyong mamita at mga pinsan

“Really?”

Kuminang ang mga mata ko at kumaripas agad ako ng takbo pababa ng hagdanan. Hindi ko na kase mapigilan ang excitement ko. Kaya kahit hindi pa ko nag to-toothbrush o nag hihilamos man lang ay wala akong pagaalinlangan na hinarap si mamita at mga pinsan ko. One month na rin kase nung huli ko silang makita. I really missed them!

“Mamita!”

“Oh, my Princess.” Sinalubong nya ko ng yakap.

“Mabuti po at dumalaw kayo rito?”

U-Prince: Total Opposite (Series 1)Where stories live. Discover now