32nd: Cupcakes and Cookies

Magsimula sa umpisa
                                    

"Thanks Ma" I forced a smile

Nag hahanda na si Mama sa pag alis dahil pupunta ito sa Academy ngayong araw.

Maraming aasikasuhin at aayusin pa ang kung anong nangyari kagabi.

Wala na rin akong magagawa kundi hayaan si Mama na gumalaw tungkol sa pagbabanta sa buhay ko, pero oras na maging maayos ako, ako na ang bahala sa lahat.

"Good morning Ma'am" ilang boses ang nag mula sa entrance ng bahay ang bumalot sa tahimik na sala

Sabay kaming napalingon ni mom sa mga babaeng nag salita galing sa pintuan

"Mga ateeee!" Salubong naman ni Casteen dito na nagulat rin sa pag pasok ng apat.

"Anong ginagawa niyo dito?" Taka ngunit nakangiting tanong ko sa apat na naglakad papasok

"We heard what happened last night, bakit hindi ka man lang nag sabi? Sana sabay sabay tayong umalis ng socials." Unang lumapit sakin si Hailey

Sasagot na dapat ako sakaniya ngunit inunahan ako ni Mama sa pagsasalita

"Oops, wait girls. Hindi ba kayo papasok ngayon?" Lahat kami ay napatingin sa gawi nito at nagpalipat lipat naman ang tingin ko sa apat na mukhang nag aalangan pa sa pag sagot.

"Hindi na po ma'am, isang umaga lang naman po. Sasamahan nalang namin si Ariia dito" sagot naman ni Brynn kasabay rin ng pag yuko nito

Tumingin sa akin si Mama at binigyan ako ng 'plano mo ba to?' look. Mabilis naman akong umiling rito at ngumiti

How awkward this is.

Magpaalam ka ba naman na liliban kayong magkakaibigan sa Principal ng school niyo.

"Okay, pero hindi ko kayo pwedeng i-excuse. Walang valid reason, baka masabihan pa akong nangungunsinti ng students na nag meeting tungkol sa pag absent nila" Mahinang pag tawa nito na ikinangiti naman naming lima.

Ilang minuto pa ang lumipas ay umalis na si Mama at dumating na rin ang yaya ni Casteen. Bago lang ito at hindi siya stay in dito sa bahay, dahil may mga maliliit rin itong anak.

"What happened to you last night?" Agad na tanong ni Kierra nang umakyat si Casteen at ang bago nitong yaya sa kwarto ng kapatid ko.

"Okay ka lang ba? Kilala niyo na ba kung sinong may gawa ng threat sa cr?" Sunod namang tanong ni Angel

"I'm okay. Last night was just a normal bad night. Hindi pa namin kilala kung sinong may gawa non." I sighed and hid all the pain and fear that keeps on coming back.

"What happened to Melissa?" Tanong naman ni Brynn na agad nagpaalerto sakin.

Seryosong nakatingin ang apat sakin na tila may ginawa akong masama.

I know how evil I was last night... it scared me too.

"What? I don't know, na una kaya akong umuwi kagabi" iniwas ko ang tingin sa kanila

Judgement without hearing my explanation yet.

"She was rushed to the hospital because of difficulty in breathing and she fainted on their way. She almost drowned, I heard from Criexxen" pag bibigay impormasyon ni Hailey habang sa akin lang nakatingin tulad ng tatlo

Ravage | SKYA book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon