Chapter 26 |Hunt|

Start from the beginning
                                    

Di naman na siya nakipagtalo pa.
Nang itapak ko naman ang paa ko sa sahig ay siyang dismaya ko ng mapahiyaw ako sa sakit. Natapilok nga pala ako kanina at ngayo'y medyo namamaga ang mga paa ko.
Kaya't wala kong nagawa kung hindi ang magpabuhat sa kaniya.

Wala naman siyang imik hanggang sa magpunta kami ng elevator at sa mismong condo ko.
Ipinipinta ng kaniyang mukha ang seryoso at nakakatakot na aura.

Idiniretso niya ko sa kwarto ko at iniupo roon. Pumasok naman siya sa banyo ko ng walang sabi sabi at narinig ko na lamang ang tunog ng tubig na nanggagaling roon.
Pagkaraan ng ilang minuto'y lumabas siya at bahagyang binuhat ako.

"You need to wash yourself." Saad nito nang hindi ako tinitignan at tsaka muling binuhat.

Nang binuhat niya ko patungong bathroom ay dahan dahan niya kong ibinaba sa bathtub na may laman ng tubig at sabon. May suot pa ako ng inilublob niya ang katawan ko rito.

Magsasalita pa sana ako ng makita kong madilim pa rin ang kaniyang ekspresyon at tila ba galit sa mundo.

"Uhm.. Kaya ko na to Ivani." Saad ko.

Di man lang siya nagsalita at hinaplos ang leeg ko. Binasa niya ito at tinatanggal ang bakas ng nangyari kanina sa malambing at malumanay na hawak.

Napaiyak ako sa kaniyang ginawa. Hindi dahil sa naalala ko ang lalaking gumawa sa akin ng nakakakilabot na panghahalik kundi dahil sa paraan ng paghawak niya sa akin na tila ba babasagin ako at kailangang ingatan kahit na gustong gusto niya ng mabura pa ang dumi.

Napapikit siya ng mariin at bumulong ng mga ilang mura sa kaniyang sarili dahil sa ginawa kong pag iyak.
"I'm really sorry.." Tanging naging usal nito at pinakawalan na ko't tumalikod.

Tumalikod na ito at iniwan akong mag isa rito. Tulala lamang ako at iniisip lahat ng mga nangyari.
Takot na takot ako kanina. Lalo na nung malaman kong mas malakas yung lalaki sa akin at alam kong wala akong kalaban laban.

Muli na namang umagos ang luha sa aking mga mata.
Hindi dahil sa mga nangyari kanina kundi dahil sa sakit na nararamdaman ko dahil umasa ako. Umasa ako na darating siya at ililigtas ako.

Gamit gamit ang aking lakas ay hinarap ko ang sarili kong repleksyon. Pinunasan ko nang marahas ang aking luha. Matagal na yun, Zaphira.
Madami nang nagbago. Change is inevitable. At ang natatangi ko na lang gawin sa pagbabagong iyon ay ang maging matatag. Mas maging matapang. And mold myself as a stronger one.

Inayos ko na lamang ang sarili ko't lumabas na pagkatapos.

Pagkalabas ko ay isang pares ng mga mata ang mariing nakatingin sa akin na tila sinusuri ako. Ang kalagayan ko.

"You done?" Tanong nito.
Nakaupo lamang siya sa kama at hinihintay na matapos ako.

Tumango lamang ako at pumunta sa tapat niya.
Nagtataka akong tinignan nito nang nginitian ko ito.

Ewan ko ba pero sa dinami dami ng nangyari sa akin ngayon, kung wala ang mga kaibigan ko na nasa tabi ko, malamang ay nonsense na ang buhay ko dito sa mundo.
Dahil sa kanila ay ipinagpatuloy ko ang buhay ko. Even though it is hard.

Nagsimulang pumorma ang mga luha sa aking mga mata. "Thankyou.." Tanging usal ko.

Tumayo naman ito at hinawakan ang kamay ko.
"Okay na. Kailangan mo ng magpahinga." Sabay halik nito aking ulo.

"A-Aalis ka?" Tanong ko, dahil bigla na lamang itong tumalikod.

Tinignan lamang ako nito at tsaka nagsalita, "You want me to stay?"

Kinagat ko ang labi ko dahil sa tanong kong iyon. Damn it Zaphira. Hindi lang naman ikaw ang kailangang magpahinga.

"Uhh. No--I mean, ingat ka." Pabulong ang pagkakasabi ko sa dulo. Napapikit ako ng mariin sa naging reaksyon ko sa kaniyang pag alis.

Tumawa ito ng bahagya at lumapit sa akin. "Gusto mong nandito ako. So I'll stay."

Nagulat ako dahil paano niya nalaman iyon? Masyado bang naging halata yung reaksyon ko?

Ngumiti na lamang ako dahil alam kong hindi lang dahil sa reaksyon kung bakit niya nalamang gusto kong nandito siya kundi dahil sa matagal na niya kong kilala.

Naupo na siya sa malapit na couch sa kama ko. Agad naman na ginapangan ako ng konsensya dahil magtitiis siya sa mumunting space na nanggaling doon.
Magsasalita na sana ako ng pinutol niya ito.

"Kaya ko na to. Matutulog na ko kapag nakatulog ka na."

Tumango na lamang ako sa kaniyang sinabi.

Hinayaan ko na lamang ang sariling pagod ko ang humatak sa akin sa pagtulog.

Madilim.. Mga nagmamadaling mga paa.. Sigaw ng tulong.. Isang nakakabinging halakhak...
"Pinakita mo lang sakin yan. Di mo naman ipapatikim. Alam mo bang masama yun?"
WAG!

Unti unting kumaklaro ang lahat.
Isang nakangising lalaki. I saw lust in his eyes. He want me. NO!

Ang diin ng mga halik niya sa aking leeg. Fuck! NO!!!

Napamulat ako ng may brasong yumakap sakin sa kabila ng aking naging bangungot.
Di ko na naman mapigilan ang aking luha ng malamang wala pa rin pala akong pinagbago. Akala ko ay mas pipiliin ko ng maging matapang ngunit heto, hina-hunting pa din ako ng kahapon.

"Ssh..Ssh. It's okay. It gonna be alright." Tuloy tuloy lamang ang pagpapatahan sa akin ni Ivani.

Tanging maliliit na takas lamang ng hikbi ang aking napakawalan, habang siya patuloy ang paghagod sa akin likuran upang mapatahan ako.

"I'm sorry. I'm sorry.. You've been traumatized because I didn't save you that early, and I also attempt and did this to you before... I'm sorry. It's all started in me." Pahayag nito.
Naalala ko bigla. Oo nga. Muntik na rin akong gawan ng masama ni Ivani dati. Pero, hindi ko naman ginawang bigdeal iyon.. Kaya nga napatawad ko siya.

Pero yung nangyari ngayon..
Napakahina ko. Ang hina at ang tanga tanga ko.

I feel vulnerable. I am slowly losing myself too. How can I survive?

Ma, Pa.. Block all the nightmare please..

Gusto kong kontrahin ang mga sinabi ni Ivani. Hindi niya kasalanan iyon ngunit sa sistema ng aking katawan ngayon at ang aking nararamdaman. Pagod ako physically and emotionally. Kung kaya't di ko na namalayan na nakatulog na ko sa kaniyang bisig.
___________________________

Any comment about this chapter?
Please vote, peeps! Thankyou ;>

In the Shell of EmptinessWhere stories live. Discover now