31 ~ Sorry

337K 9.3K 1.1K
                                    

Chapter Thirty One

"I CAN help." Nakangiting wika ni Karen kay Wenna na siyang naghihiwa ng mga pangrekado para sa pananghalian nila. Sinadya niya talagang magpunta sa kusina para makatulong dahil darating din ang mga kapatid niya ngayong tanghali.

"Kaya ko na ito Miss Karen." Wenna smile at her and look at her stomach. "Alam mo ba na excited kaming lahat dito na lumabas ang baby niyo ni boss Colton?" Wenna's eyes twinkled. "Kanino kaya siya kamukha ano?"

"Sana kamukha siya ng daddy niya." Humagikhik siya. "Pwede rin naman kamukha ko, pero gusto ko talaga makuha niya ang mukha ni Colton."

"Sabagay, makalaglag panty kaya ang kagwapuhan ni boss Colton!"

Napanguso siya sa matinding papuri na iyon ni Wenna at mukhang napansin naman ng babae ang naging reaksyon niya. "Ay! Pasensya ka na Miss Karen." Nahihiya na hingi nito ng paumanhin.

Karen force a smile to avoid the awkwardness. "Ayos lang, Wenna." She walked closer at her. "Ako na ang tatapos ng paghihiwa, sige na?" Tinignan lang siya ng babae, nagdadalawang isip kung pagbibigyan siya o hindi. "Magtatampo ako kapag hindi mo ako pinagbigyan. Bawal pa naman sa akin ang magtampo."

"Ha? Ah, heto, Miss Karen. Ikaw na ang tumapos ng hinihiwa ko." Natatarantang sabi ni Wenna at inayos-ayos pa ang mga hihiwain niya.

Lihim siyang napangiti. Mainam na rin na ganito at may ginagawa siya, kesa naman maghapon siyang maburyo kakaisip kay Colton.

Matatapos na siya sa paghihiwa ng hindi sinasadyang dumulas ang kutsilyong hawak niya at madaplisan ang daliri niya.

"Ouch," Daing niya sa biglang pagkirot ng daliri niya.

"Nagdudugo!" Napaigtad siya sa natatarantang boses ni Wenna na dinaluhan siya.

Nang tignan niya ang daliri ay panay daloy lang ng dugo do'n. At hindi niya alam sa kanyang sarili kung bakit tila kinain ng kaba ang dibdib niya. Para bang may masamang nangyari na hindi niya maipaliwanag.

"Namumutla ka, Miss Karen. Ayos ka lang ba?"

Hindi siya makapagsalita. Naramdaman niya na lang na dinaluyan ng malamig na tubig ang kamay niya. Natutulala siya. Hindi niya maipaliwanag kung bakit kabadong-kabado siya sa mga sandaling iyon.

"Miss Karen, ipinapatawag ka po ni Senyora." Napatingin siya sa isa pang kasambahay ng mansion. Para itong hindi mapakali. "Sa library room po."

"B-bakit daw?"

Napayuko ito. Tila may itinatago sa kanya na mas lalong nagpadagdag ng kaba sa dibdib niya. Ngayon lang siya ipinatawag ng mommy ni Colton, maaring importante ang sasabihin nito.

Marahan na pinunasan ni Wenna ang kamay niya ng puting tuwalya. Sinigurado pa nitong hindi na iyon nagdurugo bago pakawalan ang kamay niya.

"Ayos na ako, Wenna. Salamat." Aniya at tahimik na umalis sa kusina. Nakasunod sa kanya ang isang kasambahay nang umakyat siya sa pangalawang palapag ng mansion.

Nang makatapat siya sa pinto ng library room ay kinakabahan pa din siyang kunatok.

"Come in." It was Mr. Altaraza's voice from inside.

Tahimik na pumasok siya sa library room at naiwan sa labas ang kasambahay. Naabutan niyang nakaupo sa sofa ang mommy ni Colton, nakahilig ito sa bisig ng asawa, humihikbi.

Napukaw ang buong atensyon niya ng magsalita ang reporter sa pinapanood na balita ng mga ito. The news was live. Ang reporter ay kasalukuyang nasa labas ng airport. Sa maliit na bahagi ng screen ay makikita ang mga taong nagkakagulo sa loob mismo ng airport. Ang mga putukan ng baril ay live na live din nilang naririnig.

Territorial Men 1: Colton Altaraza (Published under LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon