24 ~ Love

330K 10.3K 896
                                    

Chapter Twenty Four

"GIVE MY PHONE back to me." He dangerously eyed Gail. He's controlling her temper, but he's already pissed. One more annoying thing, he will surely explode in no time.

"Wala nga sa akin." Inosenteng wika nito na naglahad pa ng dalawang kamay. They're outside of his mother's room. The bodyguard were silently watching them.

Nakatulog siya sa couch kaninang tanghali at pag-gising niya wala na ang cellphone niya. Sino ba ang dapat niyang pagbintangan? Si Gail? Ang mommy niya? Ang mga magulang ni Gail na bumisita kanina? O ang mga nurse na pumapasok sa kwarto? His instinct told him that Gail was the one who stole his phone.

"I fucking need to call my wife to inform her that I won't be home tonight." Mahina ang boses niya, totoong nagtitimpi na huwag sakmalin ang babaeng kaharap.

"She's not your wife."

"Asawa ko siya."

"Hindi pa kayo kasal."

"Fucking give my phone!" Marahas na hinila niya ang mamahaling bag ni Gail at kinalkal kaya lang ay wala do'n ang hinahanap niya. Padaskol niyang binalik dito ang bag at pumasok sa silid.

"Son..." His  mother called him weakly. She's laying on bed.

"I'll be back here tomorrow. I need to leave."

"No, no." Pilit itong bumabangon pero nakita niya itong nahihirapan kaya nilapitan niya ito pinahiga ulit. "Bukas ka na umalis anak. I want you here tonight, please? Kahit ngayong gabi lang. Pagbigyan mo ako."

Malalim siyang napabuntong hininga. Kung sana ay nasa kanya ang cellphone niya ay hindi siya nahihirapan. He badly need to talk to his wife. Alam niyang naghihintay si Karen sa kanya.

"Tita, aalis po muna ako." Si Gail na kapapasok lang sa silid. "May pupuntahan lang ako saglit."

"Go ahead hija. Come back here, okey?"

"Yes po."

Colton leered at Gail when she looks at him. Duda pa din siya na ito talaga ang kumuha ng cellphone niya. Kung may masama itong binabalak, sisiguraduhin niyang hindi ito magtatagumpay. He's aware that Gail wants him back, but it will never happen. Never.

"Mom, you better sleep." He checked the time on his wrist watch. "It's late now. Eleven in the evening."

"Later son. I will wait for Gail. Baka pagtulog ko ay umalis ka at hindi ka na bumalik." May bahid na pagtatampo ang boses ng ina. "Ang tagal mong nawala. Hinayaan kita sa desisyon mo kahit labag sa loob namin 'yon ng daddy mo. Kahit pa nasaktan ang magulang ni Gail dahil sa ginawa niyo ng private nurse. I hope this time, ako naman muna ang pagbigyan mo. I want you to stay here for tonight."

Tango na lang ang naging tugon niya. Alam niyang may mga nasaktan dahil sa pagtatanan nila ni Karen pero hindi siya nagsisisi dahil masaya siya na kasama ang asawa niya.

Colton heaved a sighed and close his eyes tightly. Karen's beautiful face flashed his mind and it made him smile.

NAALIMPUNGATAN si Karen nang may mabibigat na braso ang dumagan sa tiyan niya. Ang lampshade sa gilid na lamesa ang tanging liwanag na tumatama sa kanila. Inaaninag niya kung si Colton ba talaga ang yumakap sa kanya o baka nananaginip lang siya?

"I'm sorry..." His raspy voice made it clear to her that she's not dreaming. This for real.

"Umuwi ka pa." Kung saan galing ang sarkasmo sa boses niya ay wala na siyang pakialam.

Inabot niya ang cellphone sa katabi niyang lamesa at tinignan ang oras. Ala sais na ng umaga. At dahil makapal ang kurtina sa bintana ay hindi mahahalata sa kwarto nila na maliwanag na. She remove his hands on her waist coldly. It made him groaned sleepily.

Territorial Men 1: Colton Altaraza (Published under LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon