5 ~ Ego

383K 12.9K 2.9K
                                    

Chapter Five

DAHAN-DAHAN na binuksan ni Karen ang pinto ng silid ni Colton, magpapaalam siyang aalis na. Nakahanda na ang lahat ng gamit niya na iniwan niya muna sa sariling silid. Isang paalam na lang ang kulang para makaalis na siya ng tuluyan.

Naabutan niya ito sa balcony na mukhang malalim ang iniisip. Tanaw ang buong Villa Altaraza kasama ang resort. Pababa na ang araw.

"Ahm, aalis na ako." Aniya.

Napansin niya kanina sa swimming pool area na kausap nito ang kapatid, sa wari niya ay Carter ang pangalan niyon at nakita niya na din ang lalaki nang gabing una niyang nakita si Colton.

Mukhang masinsinan ang pag-uusap ng magkapatid kaya hindi na muna siya nanghimasok para magpaalam.

"Call me once you arrive in Samar." Bilin nito nang hindi siya tinitignan.

Karen nodded her head. "Sige."

Mabigat ang loob niya hanggang sa makasakay siya ng taxi papunta sa airport. Kung bakit? Siguro ay dahil naramdaman niya ang biglaang paglamig ng pakikitungo sa kanya ni Colton. But the deal is a deal, right?

May babalikan pa siyang trabaho sa Villa Altaraza. Iyon ang isniksik ni Karen sa isip niya habang nasa byahe siya para naman kahit papano ay mapanatag ang loob niya.

MALAKAS at galit na boses ng Auntie Anizza niya ang narinig niya habang papalapit sa bahay nito. Hindi iyon magandang salubong para sa kanya lalo at ilang buwan na siyang hindi nakakauwi, tapos ganito?

"Ang tagal ko ng nagtitiis sa inyong magkakapatid! Kung palayasin ko na lang kaya kayo?!"

"Auntie, huwag naman po." Nagmamakaawa ang boses na iyon ni Raquel. "Magpapadala na naman si ate sa katapusan, makakabayad na po kami ng upa sa inyo. Kailangan lang po namin ngayon ng pera para sa gamot ni Raissa. Bukas pa kasi magpapadala si ate. Hindi siya makalabas sa Villa."

"Wala akong ipapautang sa inyo!"

Nasa bungad na siya ng pinto. Tanaw niya na ang itsura ni Raquel na halos maiyak na pero ang tiyahin nila ay nanatiling bato. Para itong dragon na binubugahan ng apoy ang kapatid niyang unti-unti ng natutupok.

"Sige na Auntie..." Akmang hahawakan ni Raquel ang kamay ng matanda ngunit iwinaksi lang nito 'yon pero nagpumilit ang kapatid. "Kahit magkano po—"

"Sinabi ng wala!" Tapos ay itinulak ang kapatid niya na muntik ng masubsob.

Pigil ang luha niya nang pumasok ng bahay at marahan na itinayo si Raquel na halatang nagulat sa pagdating niya.

"A-ate? Ate!" Tapos ay niyakap siya ng mahigpit.

Kahit gusto niya ng umiyak ay hindi niya ginawa. Wala sa isipan niya ang pagpapakita ng kahinaan lalo at kaharap ang kapatid niya.

"Oh! Nandito ka pala. Mabuti naman." Nameywang sa kanila ang Auntie Anizza.

"Hindi niyo naman ho kailangan saktan ang kapatid ko, Auntie." Kalmado lang ang boses niya pero sa totoo lang ay masama ang loob niya sa naabutang eksena.

At siguradong mas sasama lalo ang loob niya kung malaman niya na pinagmamalupitan ng tiyahin ang mga kapatid niya tapos ay wala siyang kaalam-alam.

"Makulit 'yang si Raquel! Sinabi ko ng wala akong ipapautang pero sadyang mapilit!"

"Kahit na ho. Hindi niyo pa din sana itinulak. Paano kung sumama ang bagsak niya sa sahig? Panibagong problema na naman."

Tumaas lang lalo ang pagkakaarko ng kilay ng tiyahin. Hindi siya nakakaramdam ng takot, kundi masama talaga ang loob niya sa nasaksihan.

Territorial Men 1: Colton Altaraza (Published under LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon