19 ~ Ring (SPG)

450K 11.9K 875
                                    

Chapter Nineteen

"WE'RE HERE!" Carter voice suddenly boomed around the house. But it didn't stop Colton from hugging her from behind.

"They're here..." Sabi niya saka hinawakan ito sa braso upang alisin ang pagkakayapos sa kanya pero hindi pa din ito natinag.

"I don't mind. I like hugging you."

Hanggang sa harapin niya ang mga kapatid na kakapasok lang. Ang daming dalang paper bag ng mga ito na galing sa mga sikat na restaurant at fast food chain. Sabi na nga ba! Ang mga kapatid niya nga naman talaga.

"Ate! Nilibre kami ni Kuya Carter!" Si Ryzza na may dalang french fries. Naupo ito sa bakanteng upuan. "Hello Kuya Colton." Ryzza smile sweetly at Colton and waved.

"Hi there my little sister."

That endearment put a smile on her lips. He's really fond on having a sister, maybe because they doesn't have one.

Ipinatong ng binata ang baba sa kanang balikat niya. Nakayapos ang mga braso sa bewang niya. Hindi man lang tablahan ng hiya sa nakakakita sa kanila. Really?

"Nilalanggam ako!" Halos patiling sabi ni Rachel nang madatnan ang ayos nila ni Colton. Kumibot lang ang labi niya.

Inalis ng dalawa niyang kapatid sa lamesa ang groceries na ipinamili nila ni Colton at inilipat ang lahat ng 'yon sa island counter, bago inilapag ang mga pagkain naman na pinamili ng mga ito.

"Why don't we start our dinner? Nagugutom na ang bisita niyo." Carter said sarcastically

Tinapik niya ang braso ni Colton para lumayo na sa kanya at makapaghain na siya, para makakain na din sila.

"Suite yourself, man." He said dryly to his brother. She glared at him for being rude again. Colton pursed her lips then slowly loosened his hug on her. "Yea, let's start our dinner."

Tinulungan siya ni Rachel at Raquel sa paghahain ng niluto niyang beef steak. Ang pinamili ng mga ito ay inihain din nila sa lamesa. Si Colton, Carter and Ryzza ay parang mga senorito at senorita na naghihintay na hainan. Well, the Altaraza brothers were born with a gold spoon on their mouth, so being senorito for them is normal.

"Ate, ano ba ang mayro'n?" Usisa ni Raquel, na siyang tiyak na nakakatunog na ng ginagawa nila ni Colton.

"Oo nga ate Karen. Bakit nandito din si Kuya Carter? Bumisita lang ba talaga? O baka may iba pang rason?" Mahina lang din ang boses ni Rachel.

Pasimple niyang sinulyapan sa lamesa sa likod lang nila ang magkapatid tapos ay mahinang bumuntong hininga.

"Sasabihin ko sa inyo ang p-plano namin ni Colton, pero pwede bang huwag muna ngayon?"

"Kailan naman?"

"Bukas. Pagtapos natin magsimba lahat."

"Sige ate." Pasimpleng sumulyap din si Raquel sa magkapatid na Altaraza tapos ay ibinalik ang tingin sa kanya. "Saan matutulog si Kuya Carter?"

Pinanlakihan niya kaagad ng mata ang kapatid nang makita ang pilyang ngiti sa labi.

"Sa hotel siya matutulog."

"Eh ikaw ate? Saan ka matutulog?" Now that Rachel asked her that, maybe this is the right time to tell them a little bit about her and Colton.

"Dito—" Napangiwi siya nang biglang impit na tumili ang dalawa. As in pigil na pigil!

Pinag-gitnaan siya ng dalawa at halos siksikin na.

"Magtatabi kayong matulog ni Kuya Colton?" Raquel asked, giggling.

Territorial Men 1: Colton Altaraza (Published under LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon