22 ~ Jealousy (SPG)

435K 10.6K 517
                                    

Hello girls! After holy week na ang susunod na update. Have a blessed week everyone! 💗🌷

Chapter Twenty Two

KAREN fake a cough to get Colton's attention. Seeing him and Gail too close makes her jealous. Sinusubukan niyang initindihin ang nararamdaman ni Gail, pero hindi niya kayang makita na gano'n ito kalapit sa binata. Umiiyak at halos magmakaawa ito, na sa palagay niya ay napapapayag na nito si Colton sa gusto nitong mangyari. Gayun pa man, rerespetuhin niya kung ano man ang maging desisyon ng fiance niya, wala siyang tutol, dahil alam niyang para iyon sa ina nito.

"I'm sorry," Hingi ng paumanhin ni Gail nang kumalas ito ng yakap sa dating kasintahan. She carefully wipe her tears away using the back of her hand. "I'm too affected and worried to what happened to Tita Carreine."

"I understand." That was Colton, he step backward until she reached her. He snaked his one arm on her waist. Ngayon na nasa tabi niya na ulit ito, nawala na ang selos na kumakain sa kanya kanina. "We'll fly tonight to Manila to visit mom—"

"Ikaw lang ang gustong makita ni tita Carreine. Hindi ang babaeng 'yan!" Gail pointed a finger on her.

"Hindi mo ako kailangang duruin! Baka nakakalimutan mo na nasa loob ka ng pamamahay ko!" Mahina pero matalim ang boses niya, dahilan kung bakit unti-unting ibinaba ng babae ang daliri, natauhan. "Isa pa, wala akong balak na sumama kay Colton—"

"K!" Agap ng lalaki. "Sasama ka sa akin."

Hindi niya ito pinansin. Na kay Gail lang ang atensyon niya. "I understand that Mrs. Altaraza doesn't want to see me. Ayoko ng lumaki pa kung anoman ang hindi pagkakaunawaan. Irerespeto ko kung ano ang gusto niya."

"Mabuti naman at hindi ka susunud-sunod na parang aso kay Colton—"

"Because we're different, Gail." She cut her off. "I trust Colton so much na kahit alam kong malayo siya at hindi ko nakikita, alam kong hindi siya gagawa ng bagay na alam niyang makakasakit sa'kin. Hindi ko siya kailangan sundan nang sundan kagaya nang ginagawa mo." Then she smirked at Gail, who's raising her eyebrows.

Kahit pa gustuhin niyang sumama kay Colton ay hindi niya ipipilit ang sarili niya. Kahit pa maisip niya pa lang na magkakasama ito at si Gail ay nasasaktan na siya at kinakain ng selos. Kailangan niyang isaalang-alang ang kagustuhan ni Mrs. Altaraza na ayaw siyang makita. Ayaw niya nang dagdagan pa ang gulo na ginawa nila ni Colton sa pamilya nito at ni Gail. Kaya siguro ayaw siyang makita ng ina ng fiance niya ay dahil siya ang dahilan kaya naudlot ang kasal ng dalawa. Kontrabida ang tingin sa kanya.

"You can leave now Gail. Thanks for the info." Si Colton na muling imwinestra ang pinto.

"See you soon, Colton. We'll wait for you." Isang nanunuyang sulyap ang ibinigay sa kanya ng babae bago tuluyang umalis sa bahay nila.

Nang marinig niya ang tunog ng sasakyan sa labas na wari ay umalis na, saka lang siya naglabas ng hangin sa dibdib. Nagpunta siya sa kusina upang kumuha ng maiinom, si Colton ay sumunod naman sa kanya.

"Sasama ka sa akin..." Anito.

Nagsalin siya ng tubig sa baso. "Hindi ako kailangan do'n. Ayos lang naman ako dito, Colton. Tatawagan at itetext mo naman ako di ba?"

Colton stare at her for a moment, reading her. Pilit niyang pinanatili ang casualidad at kalmadong aura niya upang hindi ito magduda na ayaw niya naman talaga na umalis ito na hindi siya kasama. Kung wala sana si Gail sa eksena ay okey lang, kaya lang ay nando'n ang babaeng 'yon. Tiyak na hindi siya mapapakali kakaisip sa dalawa.

Itinaas ni Colton ang kamay na tila inaanyayahan siyang lumapit dito. Nakasandal ito sa island counter. Ibinaba niya ang baso sa lamesa at lumapit dito. Automatiko na yumapos ang mga braso nito sa bewang niya at hinapit siya palapit pa. Ramdam niya sa kanyang puson ang nakaumbok na bagay sa gitnang bahagi ng katawan nito. Nakakakiliti at masarap sa pakiramdam ngunit kailangan niyang pakalmahin ang sarili.

Territorial Men 1: Colton Altaraza (Published under LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon