2 ~Warning

449K 14.8K 14.2K
                                    

Chapter Two

NAG-ISANG linya ang labi ni Karen sa biglaang pagkaramdam ng panggigigil sa lalaking kaharap. Sino bang mag-aakalakala na magkukrus pang muli ang landas nila ng lalaking lumapastangan sa labi niya? Totoo nga yatang maliit ang mundo sa mga taong nakatadhanang mag-tagpo.

What does it mean then? They are meant to see each other again? That's it?

"Really? Did I lick your lips?" Colton asked, his lips were slightly moving from side to side as if trying to suppress a smile.

This man is starting to annoy the hell out of her! Well, halata naman sa itsura nito na hindi marunong magpahalaga sa mga simpleng halik sa isang estranghero. Pero para sa kanya, it's important. That was her first kiss for Pete's sake!

"Y-yes! I can still remember that night! You stole my first kiss!" She almost shout at him.

Pagkatapos ng mga katagang iyon ay ang pag-init ng buong mukha niya dahil sa pag-ilanglang ng malutong na tawa mula dito.

Kinuyom niya ang kamao ng sumilay ang multong ngiti sa mapupula nitong labi. Kahit madilim ang oras na 'yon ay hindi niya malilimutan ang mukha ng gwapong lalaking ito! The man who stole his first kiss!

Ang isang makapal na kilay nito ay bahagyang umangat tila pinipigilan ang pagka-amuse sa kanya at sa pinag-uusapan nila.

"How does it feel then?"

Pinaningkitan niya ang lalaki.

"You have no right to do that on me!"

Kulang na lang ay tumaob ito sa kinauupuan sa sobrang inis niya habang nakatitig dito.

"Ganyan ka ba tumingin sa boss mo? Parang gusto mo na akong itulak sa swimming pool."

Paulit-ulit siyang lumanghap ng sariwang hangin para pakalmahin ang sarili. Naiinis siya oo, pero ang muling makita ang lalaki ay nagbigay ng ngiti sa puso niya. Bakit ba ganito ang nararamdamn niya?

"P-pasensya na."

He's still her boss. Itong lalaking ito ang magpapasweldo sa kanya. Kaya dapat ay itrato niya ito ng tama. Iwawaksi niya muna ang personal na bagay, trabaho muna.

"Now, take me to my room."

Sa utos nito ay napakurap pa siya pero kalaunan ay naglakad siya papunta sa likod ni Colton at marahan na itinulak ang wheelchair.

Pagkapasok nila sa mansion ay kaagad naman silang sinalubong ng dalawang kasambahay. May dalang tray ng pagkain.

"Boss, oras na po ng pagkain niyo." Ani ng isang katulong.

"Ayokong kumain!"

"Anong ayaw mo?" Magkasalubong ang kilay niya ng ibaba ang tingin kay Colton. Matalim ang mata nito ng salubungin din ang tingin niya nang itaas ang mukha. Hindi siya nagpatinag. "Kakain ka." Pinal na sabi niya at bumaling sa dalawang kasambahay na halata ang pag-iwas sa amo na masungit. "Sa kwarto niya po siya kakain. Pakidala na lang po ang pagkain niya do'n."

Bigla siyang nagkaro'n ng lakas ng loob sa isipin na may kasalanan sa kanya ang lalaking ito.

"Hindi nga ako kakain!"

"Where's your room?" Instead, she asked him, ignoring his cute tantrums.

"Turn to the right!" She did turn right as he ordered like a mad man. Pinto ng elevator ang nasa dulo ng pasilyo. Tila pinasadya iyon. "Second floor."

Pumasok sila sa loob at pinindot niya ang second floor. Nang bumukas ang pinto ay kaagad naman silang lumabas. Tatlong pinto lang ang nakita niya sa malawak na palapag na iyon. Bawat pinto ay may mga pangalan.

Territorial Men 1: Colton Altaraza (Published under LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon