CHAPTER 28: His sacrifices

11.3K 329 1
                                    


XANDRA'S POV

Bigla akong nagising dahil sa tunog ng alarm clock . Dali dali akong bumangon at agad na naligo. Hindi ako nakatulog ng maayos at hindi ko alam kung bakit

Kakain na sana ako nang maalala ko si ash . Lumabas ako nang condo ko at bigla akong nalungkot ng hindi ko makita si ash. Sinungaling talaga siya, akala ko ba hindi siya aalis dito hangga't hindi ko siya napapatawad? 

Hindi ko alam pero parang nasaktan ako nang makitang wala na si ash sa labas ng condo ko. What do you expect, xandra? Hindi magagawa ni ash yun, pinaglaruan ka lang niya, remember?

"Manloloko ka talaga ash"sabi ko sa sarili ko 

Ang bilis naman niyang sumuko. Siguro ay hindi talaga siya seryoso sa paghingi ng tawad sa akin. I'm sure he's just playing around kasi baka bored lang ito


ASH POV

"Anong nangyari sayo tol?" tanong saakin ni tyro 

"Ano ba ang dapat kong gawin para mapatawad ako ni xandra? Siguro kong hindi ko siya niloloko baka kami pa hanggang ngayon" sabi ko at pilit na ngumiti

Miss na miss ko na talaga siya at handa akong gawin ang lahat para mapatawad niya lang ako 

"Sana mapatawad niya na ako at sana bumalik na kami sa dati" bulong ko at humiga sa kama 

Mukhang magkaka lagnat pa yata ako ngayon. 6:00 am nang umalis ako sa condo niya, alam kong magagalit na naman siya sa akin kapag nakita ako kaya umalis nalang ako

"Alam mo tol , wag mong ipilit ang sarili mo sa sa kanya sa kanya. Kung ayaw ka niyang patawarin, siguro dapat tumigil ka na"  

"Siguro naman sapat na ang ginawa mo para tigilan mo na siya kasi baka sa huli ikaw lang ang masaktan" sabi niya at umalis na

Napabuntong hininga ako. Mukhang nasaktan ko ng sobra si xandra. Panahon na ba para tumigil ako?

Hindi ko namalayan na naglalakad na ako palapit sa kotse ko. Pupunta ako sa bahay ni dad para sabihin sa kanya na itigil ang engagement namin ni nicole. Siya ang pumili ng mapapangasawa ko. Nakipag break saakin si xandra dahil nalaman niyang pinaglalaruan ko lang siya pero hindi talaga totoo yun

Matagal ko nang tinigil ang dare na yun at hindi ko sinabi sa kanya dahil alam kong masasaktan lang siya at hindi nga ako nagkamali, nasaktan ko nga siya. Sana mapatawad pa nya pa ako sana hindi pa huli ang lahat  

Nakita ko si daddy na nasa study table niya at nagbabasa ng mga documents. Lumapit ako sa kanya at nilakasan ang loob ko

"Dad, itigil mo na ang engagement namin ni nicole"

"Hindi pwede" matigas na sabi niya habang nakatingin parin sa mga documents niya 

"Hindi ko mahal si nicole at may iba na akong mahal "

"Walang lugar ang pagmamahal dito sa pamilya natin " kalmadong sabi niya at tinignan ako

Kinuha ko ang mga documents at inilayo ito sa kanya " Please dad, itigil mo na ang engagement namin ni nicole"

Tumayo siya at sinampal ako . Naramdaman kong dumugo ang bibig ko dahilan para mamanhid ang pisngi pero kailangan kong tiisin ang sakit

"Kahit anong gawin mo, tuloy parin ang engagement nyo. Magiging asawa mo na si nicole" galit na sabi niya 

Lumuhod ako sa harapan niya . Kahit ano gagawin ko para kay xandra kahit na magmakaawa ako sa ibang tao

"Kahit minsan hindi pa ako nag makaawa sayo. Kaya sana pagbigyan mo ako , itigil mo na ang engagement namin" nagmamakaawang sabi ko

Hinila niya ang damit ko at sinuntok ako "Nakakahiya ka, papakasalan mo si nicole sa ayaw at gusto mo " galit na sabi niya at tinignan ako ng masama 

Pinunasan ko ang dugo na nasa bibig ko at pumunta sa living room. Nakita ko si nicole na lumapit saakin at agad niyang ikinawit ang kamay niya sa braso ko

"Hi babe" naka ngiting sabi niya 

Tinanggal ko ang kamay niya na nasa braso ko at lumuhod sa harapan niya

"Please nicole ihinto muna ang engagement" yumuko ako

"Bakit?" tanong niya

"Mahal ko si xandra"

Nakita kong tumulo ang luha niya pero agad niya itong pinahid at tumingin sa akin 

Ayaw kong masaktan si nicole pero mas importante sa akin na bumalik kami sa dati ni xandra

That sexy nerd - CompletedΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα