CHAPTER 31: Truth

11.2K 333 3
                                    


XANDRA'S POV

Bigla akong nagising nang maalala ko si ash. Agad akong bumaba at pumunta sa living room 

"Manang nandyan parin po ba yung lalaki sa labas?" tanong ko kay manang marie 

"Kakaalis lang niya" sagot ni manang 

Pumunta ako sa labas at bigla akong nalungkot nang hindi ko makita si ash sa labas ng bahay 

'Bakit mo ba siya hinahanap?eh kasalanan mo naman kung bakit umalis siya diba? Masyado mo kasi siyang pinapahirapan'

Kinuha ko ang cellphone ko nang bigla itong tumunog . Si rhea pala tumatawag 

"Hindi ka ba papasok ngayon bes?" tanong ni rhea 

"Bakit naman bes?" tanong ko kay rhea 

"Hinahanap ka kasi ni nicole" sagot niya 

Bigla naman akong naguluhan dahil sa sinabi ni rhea .Bakit naman ako hahanapin ni nicole? 

"Sige, papasok ako bes" sabi ko at pinatay na ang tawag 

Pumasok na ako sa bahay at ginawa ang morning rituals ko at pagkatapos ay sumakay na ng sasakyan ko 



___

"Hi bes" bati sa akin ni rhea

"Saan na si nicole bes?"

"Nasa cafeteria" sagot niya "Magkita nalang tayo mamaya bes, pupuntahan ko pa kasi si ivan"

Pumunta na ako sa cafeteria at nakita ko si nicole na naka upo sa pinaka dulong upuan. Lumapit ako sa kanya at umupo sa kaharap na upuan niya

"Anong kailangan mo?" tanong ko 

"Wala ka bang paki alam kay ash?" tanong niya sa akin 

"Wala" Ano bang pakialam niya?

Tumingin ito sa akin at nakita kong umiiyak ito "Hindi ka ba naaawa sa kanya?"

"Hindi"

"Walang hiya ka talaga" sabi niya at sinampal ako 

Napahawak ako sa pisngi ko "Ano bang problema mo?"

"Alam mo bang Ikaw ang laging iniisip niya pero wala kang ibang ginawa kundi ang pahirapan siya" galit na sabi niya 

"Ano bang paki alam mo? Ikaw naman ang fiancee diba? Ikaw ang may mas karapatan sa kanya"

"Bakit ayaw mong maniwala sa kanya na hindi na kami engage? Alam mo bang ginawa niya ang lahat para lang matigil ang engagement namin. Lumuhod pa siya sa harapan ng daddy niya para lang paki usapan na itigil ang engagement namin? Lumuhod din siya sa harapan ko para lang maki usap sa akin? Na-ospital siya alam mo yun? Pero imbes na magpagaling ay pumunta parin siya sayo" sabi nito at mapaklang tumawa

Nagsimula nang tumulo ang luha ko "Hindi ko alam" bulong ko

"Wala ka kasing ibang ginawa kundi ang pahirapan siya at hindi ka man lang nakinig sa mga paliwanag niya  sabi niya. Pinag bigyan ko si ash na itigil ang engagement namin dahil akala ko magiging masaya siya sayo pero sinaktan mo lang siya" sabi niya at sinampal ulit ako 

Tumulo na naman ang luha ko kasabay 'non ang pagkirot ng puso ko. Hindi ko alam na marami nang ginawa si ash para sa akin pero hindi ko man lang ito napansin. Pero ang mas masakit pa don ay hindi ko siya pinatawad at hindi man lang ako naniwala sa mga paliwanag niya 

"Ilang beses na naming sinabihan si ash na tigilan ka na niya pero hindi siya nakinig sa amin "  

"Sorry hindi ko alam" sabi ko habang umiiyak parin 

"Hindi mo alam kasi hindi mo inalam, hindi ka kasi nakinig sa kanya. Ang taas nang lagnat niya ngayon dahil sayo . Alam mo ba yun?" tanong niya na halatang galit na galit na

"Syempre hindi mo alam , wala ka kasing paki alam sa kanya diba?"

Gusto kong kurutin ang sarili ko dahil sa katangahan ko . Bakit pa kasi hindi ko siya pinatawad ng maaga. Mahal ko si ash at kahit na isang saglit ay hindi ko siya nakalimutan

Pinunasan ko ang luha ko. I need to see him "Saan na si ash ngayon?"

"Bakit ko naman sasabihin sayo? Para pahirapan ulit siya?"

Tumulo na naman ang luha ko gusto kong humingi ng tawad kay ash at gusto kong bumalik na ulit kami sa dati 

Lumuhod ako sa harapan niya "Please sabihin mo na saakin kung nasaan si ash" pagmamakaawa ko sa kanya 

"Nasa condo niya" sagot niya "Wag mo na siya saktan ulit kung ayaw mong mamula ang pisngi mo"

"Salamat" sabi ko at tumayo na "Pangako ko na aalagaan ko siya"

Lumakad na ako at lumabas ng cafeteria. Gusto kong bumawi kay ash at sana mapatawad niya ako. Sana hindi pa huli ang lahat

"Kung itataboy mo lang si ash ulit mas mabuti pang layuan mo nalang siya" sigaw ni nicole 

"Hindi ko na siya itataboy ulit" sigaw ko at agad na pumunta sa parking lot

Agad kong pinaandar ang kotse ko at pumunta sa condo ni ash. Buti nalang at malapit lang ang condo ni ash sa campus kaya madali lang akong nakarating doon. May condo rin kasi si ash maliban sa bahay niya

Pagkarating ko sa harap ng condo niya ay agad akong kumatok sa pinto. Hinawakan ko ang door knob at pinihit ito . Nagulat ako nang bumukas ang pinto. Hindi pala naka lock ang pinto 

Pumasok ako sa condo niya at hinanap siya pero hindi ko siya nakita. Pumasok ako sa kwarto niya at napakagat ako ng labi nang makita ko siya na naka upo sa kama

"Ash" tawag ko sa kanya 

Shit!shit!shit Ang lakas ng tibok ng puso ko 

"Bakit ka nandito?" sabi ni ash at umiwas ng tingin 

Damn! Na miss ko talaga siya 

Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya " Sorry ash" bulong ko at hinalikan ang labi niya








——————

Sa wakas natapos narin ang pag-aaway niyo. Sumakit ang ulo ko sa inyong dalawa

That sexy nerd - CompletedWhere stories live. Discover now