CHAPTER 21: The transferee

11.2K 355 7
                                    

XANDRA'S POV

"Balita ko may magandang nag transfer daw dito"sabi sa akin ni rhea

"Sino naman yun?"

"Siya si nicole alcantara isang sikat na model sa states at sobrang ganda niya talaga bes" tili ni rhea

Hindi namin kasama si ash ngayon dahil darating daw ang kababata niya pero sabi niya ay susunduin niya ako mamaya sa classroom 

"Hali ka na nga bes, umuwi na tayo"

Hapon na rin kasi at gusto kong maagang makauwi ngayon. Napagod kasi ako sa byahi namin ni ash kahapon at baka ganun din si ash

"Mauna ka na bes pupunta lang ako sa comfort room" sabi ko kay rhea 

"Okay bes " sagot ni rhea at nauna nang umalis 

Pupunta na sana ako nang comfort room nang makita ko si ash at isang babae na magkayakap 

Para namang may kumurot sa puso at biglang tumulo ang luha ko 'hindi naman ako dapat mag selos eh' 

"Wag ka ngang umiyak xandra baka may problema lang yung babae kaya niyakap ni ash" sabi ko sa sarili ko 

Umuwi na ako sa condo ko at hindi ko namalayan na umiiyak parin ako. Pumunta na ako sa kwarto ko at nahiga sa kama 'baka bestfriend nya lang yun' sabi ko sa utak ko. Bakit ba nasasaktan agad ako sa isang maliit  lang na bagay?

Naghintay ako ng text ni ash pero kahit isa ay wala akong natanggap. Naghintay rin ako ng may mag doorbell kasi baka darating siya ngayon pero wala rin

Baka kasama niya parin 'bestfriend'

——

Pumasok ako sa school nang malaki ang eye bags. Naghintay kasi ako kay ash kahapon pero hindi siya dumating. Papasok na sana ako nang classroom nang may narinig akong nag uusap na mga babae 

"Bagay talaga si ash at si nicole noh" narinig kong sabi ng isang babae

"Oo nga, pareho silang mayayaman at higit sa lahat maganda at gwapo"

"Fan na agad ako nila"

Nagulat ako sa narinig ko. Bakit kaya yan ang pinag-uusapan nila? Diba si nicole yung bagong transferee?

"Baka ibang ash ang pinag-uusapan nila"

Ipinilig ko ang ulo ko para mawala ang lahat ng iniisip ko. Miss na miss ko lang siguro si ash kaya siya palagi ang iniisip ko. Pumasok na ako ng classroom at umupo sa upuan ko. Nakita ko si rhea at ivan na magkasama kanina kaya baka malate siya ngayon. At wala na naman akong kasama 

"Kyaaaaaaa, their here!" May narinig akong sigawan na nagmumula sa labas ng classroom namin 

"Their so bagay talaga" tili ng isa naming kaklase 

Nagulat ako nang pumasok si ash at isang magandang babae. Mukhang ito na siguro ang tinawag nila na si nicole. At totoo ngang maganda ito. Napangiti ako ng mapait nang makitang nakahawak si nicole sa braso ni ash

"Hi everyone I'm nicole alcantara and I'm your new classmate" naka ngiting sabi ni nicole 

"Sana mgakatuluyan kayo" sigaw ng isa kong kaklase

"Bagay talaga kayong dalawa"

"Ang ganda mo nicole"

"Sayang wala na tayong pag-asa kay ash"

Napa iwas ako ng tingin nang magtama ang paningin namin ni ash

"Narinig mo yun ash? bagay daw tayo" sabi ni nicole at hinalikan si ash sa pisngi 

Biglang tumulo ang luha ko sa nakita ko. Tinignan ko si ash pero wala akong makitang emosyon sa mga mata niya

"Oh my! My heart" tili ng mga kaklase ko 

Lumabas na ako nang classroom at pumunta sa roof top habang umiiyak parin. Umupo ako sa isang upuan duon at patuloy na umiyak

"Hindi ko maintindihan. Kahapon lang ay ang sweet ni ash pero bakit ngayon ay may iba na itong kasama"

"Wag mo nga siyang iyakan" nagulat ako ng makita si mico

"Masakit, I need explanation from him Mico. Ang bilis kasi ng mga pangyayari " sabi ko habang patuloy parin sa pag iyak

"Napag alaman ko na fiancee pala siya ni ash" sabi ni mico 

Parang sinasaksak nang maraming beses ang puso ko dahil sa sinabi niya. Sana nagsisinungaling lang ito. Niyakap ako ni mico at pinatahan ako pero kahit anong sabihin niya ay hindi parin nawawala ang hapdi sa puso ko


ASH POV

Nakita kong umalis si xandra sa classroom kaya agad ko siyang sinundan. Narinig ko pang tinawag ako ni nicole pero hindi ko siya pinansin. Kailangan kong magpaliwanag sa kanya

Bigla akong nanlumo nang makita ko silang magkayakap ni mico habang si xandra naman ay umiiyak. Gusto kong ilayo si xandra kay mico at yakapin siya nang mahigpit. Ayaw kong umiyak siya dahil sa akin 

'Sorry xandra dahil nasaktan kita, sana mapatawad mo ako. Masakit kasi wala man lang akong magawa para patahanin kaʼ




___________________

Isang magulong chapter for everyone. Thank you for reading, babies❤️

That sexy nerd - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon