CHAPTER 30: Pain

11.1K 295 9
                                    

XANDRA'S POV 

Nandito ako ngayon sa classroom at hinihintay si ash. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya dahil sa nagawa ko, pakiramdam ko kasi ay sumusobra na ako. Siguro ito na ang tamang panahon para patawarin ko na siya 

Mukhang napansin yata ni marco na may hinahanap ako "Sinong hinahanap mo?"

"Nakita mo na si ash?"

"Parang nakita ko siya sa hallway kanina" sagot niya 

"Salamat marco" naka ngiting sabi ko at lumabas ng room

Hindi nga ako nagkamali, nakita ko si ash na hallway. Lalapit na sana ako sa kanya nang makita kong lumapit sa kanya so nicole at niyakap siya. Hinawakan ko ang dibdib ko nang maramdanan kong sumakit na naman ito. Akala ko ba wala na sila ni nicole . Sinungaling talaga si ash kahit kailan 

Umalis na ako at pumunta sa parking lot at sumakay sa kotse ko wala ako sa mood para pumasok ngayon. Akala ko nakalimutan ko na si ash pero bakit masakit parin sa tuwing nakikita ko sila na magkasama ni Nicole. Pinaandar ko na ang sasakyan ko at napagdesisyonan kong pumunta sa bahay ng lola at lola ko 

Kinuha ko ang cellphone ko nang bigla itong tumunog . Si rhea pala ang tumatawag 

"Hi bes" sabi niya 

"Hello bes"

"Nasaan ka ba bes? Kanina pa kita hinahanap " tanong ni rhea 

"Pupunta ako ngayon bahay ng lola ko" sagot ko "Bakit no pala ako hinahanap bes"

"Hinahanap ka kasi ni ash bes"

Tumaas ang isang kilay ko. Siguro ay tapos na siyang makipag landian kay nicole kaya ako naman ang kukulitin niya

"Wag mong sabihin kung nasaan ako" sabi ko at binaba ang phone ko 

Hindi pwedeng malaman ni ash kung nasaan ako dahil ayaw kong makita siya ngayon. Akala ko seryoso si ash sa paghingi ng tawad saakin pero mukhang pinaglaruan niya lang ulit ako 





——

Nandito na ako sa bahay ni lola at naabutan ko ang mga maid namin na naglilinis. Napangiti ako, na miss ko ang lugar na ito. Mukhang kailangan ko 'to para makalimot

"Saan si lola?" tanong ko kay kristina, isa sa mga maid namin 

"Wala po ang lola at lolo nyo , sa susunod na araw pa po sila babalik dito"

Tumango lang ako at pumunta sa kwarto ko at nahiga sa kama

"Sinungaling ka talaga ash" sabi ko sa sarili ko

Sabi niya kasi ay tinigil niya na ang engagement nila ni nicole pero bakit nagkikita parin sila hanggang ngayon. Ewan ko ba kung bakit bumalik si Nicole. Tsk, ngayon pa na handa ko nang patawarin si ash. Siguro mas mabuti pang hindi ko na siya patawarin kasi baka saktan niya lang ulit ako

Yun lang ang huling naisip ko bago ako nakatulog. Si ash na hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan

Minulat ko ang mga mata ko nang marinig ang boses ni kristina "Ma'am, may bisita po kayo"

Tumayo ako at inayos ang damit ko  "Sino? "

"Si ashton stanford po"sagot niya 

Paano naman niya nalamang nandito ako ? Napabuntong hininga nalang ako, baka si rhea ang nagsabi kung nasaan ako. Ang daldal talaga ni rhea kahit kailan 

Lumabas na ako ng kwarto at naabutan ko si ash na naka upo sa sofa

"Anong kailangan mo?" tanong ko

"Baka kasi gusto mong manuod ng sine, may ticket ako" sabi niya

Tinaasan ko siya ng kilay "Yan lang ba ang pinunta mo dito? Nagsasayang ka lang ng oras , mabuti pang umalis ka na"

"Please patawarin mo na ako xandra" sabi niya at lumuhod sa harapan ko 

Ano bang kailangan niya saakin? Diba may nicole na siya? Hindi niya ba alam na ginugulo niya lang ang buhay ko

"Layuan mo na ako ash kahit anong gawin mo hindi kita mapapatawad" sabi ko 

Napansin kong may maliliit ito na pasa sa mukha. Gusto kong tanungin kung napano ito pero wala na siyang karapatan para tanungin si ash. Siguro ito ang dapat kung gawin para hindi na niya ako masaktan ulit 

"Ano bang dapat kong gawin para mapatawad mo lang ako?" tanong niya 

"Wala kang dapat gawin, ang mabuti pa umalis ka na. Diba may nicole ka na? Dun kana lang sa kanya, wag mo na akong guluhin" sabi ko at tinulak siya palabas

Pilit niya akong hinahawakan pero lumalayo ako sa kanya "Anong ibig mong sabihin? Itinigil ko ang engagement namin"

"Sinungaling ka talaga" sabi ko at tinitigan siya ng masama 

"Maniwala ka naman sa akin xandra" sabi niya at lumuhod 

"Umalis ka na" sabi ko at tinalikuran siya 

"Dito lang ako hangga't hindi mo parin ako pinapatawad" narinig kong sigaw niya 

Hindi ko siya pinansin at pumunta sa kusina "maam hindi nyo po ba papapasukin ang boyfriend nyo? Nagsisimula na po kasing umulan sa labas" sabi ni kristina 

"Hindi ko siya boyfriend at wala akong planong papasukin siya" sagot ko 

"Kawawa naman po siya maam , basang basa na po kasi siya sa ulan"

"Wag mo siyang tulungan" sabi ko at lumakad na paounta sa kwarto ko "Ipaghanda mo ako ng sandwich , ihatid mo nalang sa kwarto ko"

Tumingin ako sa bintana at nakita ko si ash na nakatayo sa labas ng bahay habang bumubuhos ang malakas na ulan. Bagay lang yan sa kanya dahil isa siyang malaking manloloko 



——

Nandito parin ako ngayon sa kwarto habang nakikipag usap kay rhea sa cellphone ko 

Natigilan ako sa ginagawa ko nang biglang pumasok si manang marie sa kwarto ko 

"Di po ba nyo papapasukin yung lalaki sa labas?" tanong ni manang marie , isa sa mga maid namin 

"Nandyan parin po ba siya sa labas?" Nakalimutan ko si ash1 

"Oo " sagot ni manang 

Alas onse na ng gabi at nandyan parin siya sa labas? Baliw ba siya? 

Tumingin ako sa labas at nakita ko si ash na nakatayo parin sa labas ng bahay. Shit! Ang lakas ng ulan wala ba siyang planong umalis? 

"Wag nyo po siyang pansinin" sabi ko at nahiga ulit sa kama 

Bagay lang sa kanya yun dahil isa siyang manloloko













____________

Thank you for reading❤️

That sexy nerd - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon