CHAPTER 34: Ice cream

11.4K 301 2
                                    


XANDRA'S POV

Pagkatapos naming kumain ay agad kaming naligo ni ash. At katulad kahahon ay siguradong late na naman kami. Nagmamadali akong nagbihis ako ng damit ko habang si ash naman ay nasa sala na

"Let's go" sabi ko at naglakad palabas ng condo pero nagulat ako ng hilahin niya ako

"Ano?" gulat na tanong ko sa kanya

"Pupunta ka ng school ng ganyan ang suot mo?"

Tinignan ko naman ang suot ko. Off shoulder ito na pinarisan ng skirt at  stiletto. Wala namang masama sa suot ko

"Oo?"

Tinignan niya ako ng masama "Ang ikli ng skirt mo, ako lang ang dapat makakita sa legs mo"

Itinirik ko ang mga mata ko "Hindi naman ito masyadong maikli"

Umupo ito sa sofa at tinignan ako "Hindi tayo aalis hangga't hindi ka nagbibihis"

"Sige na nga" sabi ko at padabog na pumunta ulit sa kwarto ko

Hinubad ko ang damit at skirt ko at namili ng susuotin. Pumili ako ng simpleng jeans lang at white tshirt at isinuot ito

"Pwede na ba to?" sarkastikong sabi ko

"Better" Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming lumabas

Sinamaan ko siya ng tingin. Si nicole nga na halos parang palaging may shortage ng tela at  kita na ang kaluluwa ay hindi niya pinagpapalit ng damit

Pagkalipas ng ilang minuto ay narating na namin ang parking lot at sabay na pumasok sa kotse niya. Wala parin kaming imikan hanggang sa makarating na kami sa school

"Hey" tumingin siya sa akin "Galit ka ba?"

"Medyo, hindi mo kasi sinasaway si nicole kapag nagsusuot ng maikli. E kapag ako bawal. Bakit? Kasi hindi bagay? "

Imbes na sumagot ay tumawa lang ito "your so cute, babe"

"Hindi ko sinasaway si nicole kasi shes not my girl. Pero ikaw, ayaw kong magsuot ng maikli kasi dapat para sa akin ka lang. Ayaw kong makita ng ibang lalaki ang dapat akin lang"

Bigla akong nahiya sa sinabi niya. Akala ko kasi ay ayaw niya akong pagsuotin ng maiikling damit kasi hindi bagay sa akin

"Akala ko kasi hindi bagay kaya pinagpalit mo ako ng damit"

"Of course not, bagay yun sayo pero dapat ako lang makakita 'non"

Ngumiti ako "Pasok na tayo?"

"Mauna ka na, may aasikasuhin lang ako"

Tumango ako "Okay"

Lalabas na sana ako ng kotse pero nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at hinioa ako papalapit sa kanya

"Where's my kiss?"

Napanguso ako "Pwede bang mamaya nalang?"

"Gusto ko ngayon na"

Napangiti nalang ako at hinalikan siya. It was just a smack. Lumabas na ako ng kotse at kumaway sa kanya. Napabuntong hininga ako habang papalapit sa room namin, siguradong sa detention room na naman ang bagsak ko. Mukhang masasanay yata ako 'don

——

6:00 nang mapag-desiyonan kong umuwi na. Naglibot ako sa mall para aliwin ang sarili ko. Hinintay ko kasi si ash pero hindi ito dumating. Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung nag message ba saakin si ash pero wala man lang akong natanggap na message kahit isa mula sa kanya

Pumasok na ako sa condo ko at agad na lumiwanag ang mukha ko nang makita si ash na naka upo sa sofa

"Hey"

Agad itong lumapit sa akin at niyakap ako "Sorry ngayon lang ako, may inasikaso kasi ako"

"Ayos lang"

Tumingin siya sa akin at hinalikan ang noo ko "How's your day?"

"Namasyal ako sa mall"

Tumango tango lang ito "Sana tinext mo ako o tinawagan man lang para masundo kita"

"Alam kong busy ka" sagot ko

Ipinalibot nito ang kamay niya sa bewang ko at iginiya ako sa kusina. Pinaupo niya ako at may kinuha sa ref. Agad akong naglaway ng ilapag niya ang pizza at ice cream na cookies and cream sa mesa

"Your the best, ash!" napasigaw ako sa tuwa

"Alam kong paborito mo yan. Hindi kita nasamahan buong araw kaya binilhan kita ng paborito mo"

Kumuha ako ng kutsara at nagsimula nang kumain ng ice cream. Sunod sunod ang pagsubo na ginawa ko. Hindi pa ako nakuntento at nilagyan ang pizza ng ice cream at nilamon ito. Nagiging weird talaga ako kapag nagugutom

"Your so sexy when your eating, babe"

Awtomatikong napatigil ako sa pagkain at naiilang na tumingin sa kanya. Baka na turn-off ito kasi ang lakas niyang kumain

"Sorry, ang lakas kung kamain"

"Ang cute mo kaya sa tuwing kumakain ka. And sexy at the same time. "

Umiwas ako ng tingin nang maramdaman kong uminit ang pisngi ko. Halos lahat na yata ng dugo ay pumunta sa pisngi ko at alam kong pulang-pula na ako ngayon

"Ash!" bigla akong napasigaw ko nang bigla niya akong kargahin at pina-upo sa mesa

Napalunok ako nang magkadikit ang katawan namin. Damn! bakit parang nag iinit ang paligid kapag magkalapit kaming dalawa

"Ibaba mo ako ash" sabi ko at pinanlakihan siya nang mata

Ngumisi ito "May ice cream ka pa sa gilid ng labi mo"

Bigla naman akong nahiya dahil sa sinabi niya. 'Ang takaw mo kasi xandra' saway ko sa sarili ko

"Kukuha lang ako tissue para ipahid sa mukha ko" naiilang na sabi ko

"Wag na, ako nalang ang gagawa"

Nagulat ako nang lumapit siya sa akin at dilaan niya ang gilid ng labi ko. Imbes na mandiri ako sa ginawa niya ay kabaliktaran ang naramdaman ko. Napamura ako sa isip ko. Mas lalo yatang naging hot tignan si ash dahil sa ginawa niya

"Sira ulo ka talaga" sabi ko umirap sa kanya

Nginisihan niya lang ako at hinalikan ulit sa labi "Nakakaadik ang labi mo, babe"

Lalapit pa uliysiya sa akin nang biglang tumunog ang cellphone niya kaya agad niya itong kinuha . May tumawag pala sa kanya

"Pupunta na ako" sabi niya sa kabilang linya at pinatay ang cellphone niya

"Kailangan ko nang umalis. May emergency lang kasi" sabi niya at hinalikan ang noo ko

Tumango ako "Mag ingat ka"

"I love you, babe " sabi niya at nagmamadaling umalis

Napatingin ako sa mesa at dali-dali kong kinuha ang jacket ni ash. Baka maabutan ko pa siya, mukhang nakalimutan niya yata to

"Hi miss" nabigla ako nang may nagsalita sa likod ko

Bigla akong kinabahan "Sino ka?"

"Hihiramin ka lang namin" naka ngising sabi niya at tinakpan ang ilong ko ng panyo

Bigla akong nahilo ng may maamoy ako mula sa panyo. Ilang segundo lang ang lumipas ay bumigat na ang talukap ng mata ko at nawalan ng malay

"Siguradong matutuwa ang boss ko sayo"

That sexy nerd - CompletedWhere stories live. Discover now