CHAPTER 38: Missing him

9.5K 268 1
                                    


XANDRA'S POV

It's been a week ng malaman kong patay na si ashton at hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa nangyari. Gusto kong sabihin kay ash kung gaano ko siya kamahal pero hindi ko alam na huli na pala ang lahat. Wala na akong babalikan


Flashback

"Patay na si ash xandra" sabi ni tyron 

Mas lalo akong napaiyak. Hindi ako naniniwala sa sinasabi niya. Ayaw kong maniwala sa kanya 

"Nasaan si ash?"

"Nasa room 365" sabi ni tyron 

Agad akong nagmadaling pumunta sa room ni ash para makita si siya habang wala paring tigil ang pag agos ng luha ko. Sumasakit ang ulo ko pero wala akong pakialam at mas binilisan pa ang pagtakbo ko. Kailangan kong makita si ash ngayon

Pinagtitinginan na ako ng ng mga tao pero nagpatuloy lang ako sa pagtakbo at hindi sila pinapansin. Ang mas importante saakin ay makita si ash at wala akong pakialam kahit na tinitignan ako ng mga tao dito. Hinihingal akong pumasok sa room 365 at tumulo na naman ang luha ko nang makita ko si ash na nakahiga sa kama 

Lumapit ako sa kanya at hinimas ang pisngi niya hanggang ngayon ay namamaga parin ang mga sugat sa mukha niya 

"Ash gumising ka na" sabi ko at mahina siyang niyugyog para magising siya pero nanatili paring siyang nakapikit 

"Ash naman gumising ka na pangako kong hindi na ako magsusungit sayo at susundin ko na lahat nang gusto mo" sabi ko 

"Diba sabi mo mahal mo ako?" nanginginig ang boses ko "Kung mahal mo ako, bakit mo ako iiwan?"

Nanghihina ako. Nanginginig ang tuhod ko. Gusto kong magwala pero nanatili lang akong tahimik at tahimik na umiiyak. Hanggang ngayon ay hindi parin matanggap ng utak ko ang mga nangyayari, lalo na ang puso ko

"Ash gumising ka na kasi , sasabihin ko pa sayo kung gaano kita kamahal" sabi ko habang hindi parin tumitigil ang pag-agos ng luha ko 

"Ang daya mo naman, sabi mo hindi mo ako iiwan"

Alam ko namang ginawa lang niya yun para iligtas ako at dahil sa ginawa niya mas nalaman ko pa kung gaano niya talaga ako kamahal

Nakita kong pumasok si tyro sa kwarto at lumapit saakin. Tumingun siya sa akin na para bang may gusto siyang sabihin

"Tama na yan xandra" sabi ni tyro at inilayo ako kay ash

"Hindi, dito lang ako" sigaw ko at pilit na kumakawala kay tyro 

"Tumigil ka na xandra"  

Hindi ako nakinig sa kanya at  niyakap si ash habang tumutulo ang luha ko "I love you ash" sabi ko bago ako mawalan ng malay 

End of flashback—

Napahiga ako sa sofa habang nakatitig sa kisame. Gusto kong pigilan ang luha ko pero tinatraydor ako ng mga ito. Tuwing maaalala ko si ash ay hindi ko mapigilan na umiyak

"Ang daya mo talaga, ash. Iniwan mo ako ng hindi man lang nagpapaplalam"

Agad kong pinahid ang luha ko nang marinig kong may nag door bell. Agad akong nagtungo sa pinto at binuksan ito

"Hi bes, surprise!"

Napngiti ako nang makita si rhea at tyro na may dala ng pagkain. Nakalikutan ko na hindi pa pala ako kumakain mula kanina

"Pasok kayo"

Pumasok naman sila at inilapag ang mga pagkain sa mesa. Napangiti ako nang makita kong mga paborito kong pagkain ang dinala niya

"Nag take out lang kami sa Jollibee bes tapos bumili rin kami sa 24/7 ng ice cream. Alam naming hindi ka pa kumakain"

Napangiti ako at niyakap silang dalawa "Thank you, the best talaga kayo"

"Thank you, tyro. Alam kong busy ka pero nag-abala ka pa talagang bisitahin ako" Simula nang makalabas ako sa hospital ay hindi na ako iniwan ni tyro

Ngumiti siya sa akin "Don't mention it"

"Umiiyak ka na naman ba, bes?"

Agad kong pinahid ang mga mata ko "Napuwing lang ako kanina, masyadong  kasing maalikabok ang condo kay naisipan kong maglinis"

Mukhang naniwala naman si rhea sa sinabi ko. Pero si tyro ay nakatitig lang sa akin na para bang nagdadalawang isip kung maniniwala ba siya sa sinasabi ko

"Wag mo nang iyakan si, ash. Sigurado akong ayaw ka niyang makitang umiiyak" sabi ni tyro at inabot sa akin ang ice cream

"Paano mo naman nalaman?" tumawa ako ng mapakla "As if naman nakikita niya ako ngayon"

Agad namang umiwas ng tingin si tyro "Basta, wag mo siyang iyakan. Nagsasayang ka lang ng luha mo"

Magsasalita pa sana ako pero sumungit si rhea. Bakit parang may alam si tyro na hindi niya sinasabi sa akin?

"Tama na yan, magsaya nalang tayo"

Pinilit kong ngumiti "Tama!"

Kumuha si rhea ng tatlong beer at ibinigay sa akin "Sabay sabay tayong uminom. Kalimutan natin ang mga problema natin"

"Cheers" sabay sabay na sabi namin at ininom ang beer

Napabuntong hininga ako. Sana nga lahat ng problema ay nakakalimutan agad. Sana lang maging masaya na ako kapag ininom lahat ng beer dito

That sexy nerd - CompletedWhere stories live. Discover now