CHAPTER 26: Changes

11.5K 367 4
                                    

XANDRA'S POV

1 month later


"Bes bilisan mo na dyan"narinig kong sigaw ni rhea sa labas ng pinto

"Okay bes" sagot ko at sinuot ko na ang high heels ko

Nakasuot ako ng fitted na dress na above the knee at hapit na hapit sa katawan ko. Tinanggal ko ang salamin ko at pinalitan ko ng contact lense. Naglagay na rin ako ng light makeup sa mukha ko para hindi masyadong haggard ang mukha ko

"Iba na talaga ang dating mo ngayon bes mas lalo kang gumanda" sabi ni rhea at pabiro akong hinampas 

I just rolled my eyes "Halika na nga bes"

Sumakay na kami ng sasakyan niya at pinaandar ito "Bakit pala hindi mo kasama si ivan bes?"tanong ko kay rhea 

"Death anniversary kasi ng lolo niya bes kaya absent siya ngayon" sagot niya 

"We're here" sabi ni rhea at inihinto na ang sasakyan "Mauna ka bes may pupuntahan lang ako"

"Ingat ka bes" sabi ko at lumabas na ng sasakyan 

Napatigil ako sa paglalakad ng big lang sumulpot si Marco, kaklase ko "Hi xandra"

"Pwede bang sabay na tayong pumunta sa classroom?" tanong niya 

Siya si marco alferez kilalang playboy dito sa campus namin , matinik sa chix pati narin sa mga bakla. Maliban kasi sa taglay niyang kagwapohan ang pamilya niya din ang nagmamay ari ng pinakasikat na clothing company dito sa pilipinas kaya ang mga babae mismo ang naghahabol sa kanya

"Oo naman" naka ngising sabi ko

"Thank you, akala ko hindi ka papayag" sabi niya at hinawakan ang bewang ko

Ngumisi  lang  ako at lumayo  sa kanya "Ang bilis mo naman yata"

Nauna akong maglakad kay marco ngunit hinabol siya ako. I can't believe na interasado si marco sa akin, gwapo nga ito at maraming nagkakagusto sa kanya, malayo sa type niya

"Ang ganda pala talaga ni xandra"

"Ang swerte naman ni marco"

"Oo nga, sana makausap ko rin siya"

Yan ang naririnig ko habang papasok kami sa classroom "Pwede bang mag date tayo bukas?" tanong ni marco

Lumapit ako sa kanya at isinandal siya sa pader . Nakita kong nanlaki ang mata niya dahil sa ginawa ko

"Sorry pero may gagawin kasi ako bukas" naka ngising sabi ko at umupo sa upuan ko

Marami nang nagbago saakin at hindi na ako katulad ng dati. Binago ko ang sarili ko . Natuto na akong magpaganda at magsusot nang maiikling damit. Mahigit isang buwan narin simula ng baguhin ko ang sarili ko. Marami nang nanliligaw saakin pero kahit ganun ay wala akong balak na seryosohin sila

"Hoy xandra gawin mo nga tong assignment ko" sabi ni roxan at tinapon sa akin ang notebook niya 

Tinaasan ko siya ng kilay "May utak ka naman diba? Bakit hindi mo gamitin? O baka naman sa liit ng utak mo hindi na yan gumagana"

"Walang hiya ka" galit na sagot niya 

Sasampalin niya na sana ako pero hinawakan ko ang kamay "Wag kang magkakamaling idapo ang maduming kamay mo sa mukha ko kung ayaw mong mapunta ang ilong mo sa noo mo" sabi ko at binitiwan ang kamay niya

Ngumisi lang ako nang makitang pulang pula na siya sa galit "Nadumihan tuloy ang kamay ko, nakahawak kasi ako ng basura"

Umalis naman si roxan nang makitang papalapit si marco "Pwede bang sabay tayong mag lunch mamaya xandra?"  

Ang kulit talaga niya. Mahigit kalahating buwang narin siyang nanliligaw sa akin at masasabi kong ang tiyaga niyang sa akin, pero I'm just going to dump him

"Sige na nga"

"Sa wakas pumayag ka rin" naka ngiting sabi niya 

May naramdaman akong nakatitig sa akin kaya tumingin ako sa paligid at napalunok ako ng makita ko si ash na nakatingin sa akin. Agad akong umiwas ng tingin . Mahigit isang buwan na rin siyang nagtatakang makipag usap sa akin pero hindi ko siya pinapansin iwan ko ba pero hindi parin nawawala ang galit ko sa kanya 

Tumahimik ang buong klase ng dumating si Mrs. Cruz "I need representative from your class para sa gaganaping search para sa face of the campus, sino ang representative ng section nyo?"

"Si xandra po maam" sigaw ng isa naming classmate 

"Si xandra nalang po maam, ang ganda niya po kasi"

"Si xandra nalang po, sure po kaming mananalo si xandra"

"Hindi pwede" sigaw ni roxan at tumayo "Ang pangit niya kaya dati, siguro may ipinaretoke siya kaya siya gumanda"

"Insecure? For your information, hindi ko na kailangan magpa-retoke kasi maganda na ako. Hindi katulad ng iba dyan, trying hard"

"Bakit naman ako maiinsecure sayo?" sabi nito na halatang galit na naman

"Mas maganda lang kasi ako sayo" 

Naghiyawan ang mga kaklase ko. I know my classmate very well, kung gusto nila nang gera papakitaan ko sila ng isa. At may isa pa palang nagbago saakin . Lumalaban na ako ng harapan 

"Hindi yan totoo" sagot niya 

Ngumiti ako "Wag mo ngang ipahalata na naiinsecure ka sa akin, nagmumukha ka lang kasing kawawa"  

"Girls tama na yan , si xandra ang kukunin kong representative ng section na to" sabi ni mrs. Cruz

"Sorry maam, pero as you can see. Mas gusto yun ni roxan kaya ibigay niyo nalang po sa kanya" 

"Okay si miss roxan na ang representative ng section nyo and I need representative for the male" sabi ni mrs. Cruz

"Ako nalang po" sabi ni ace 

"So it's final si roxan na at ace na ang representative ng section nyo , you can have your break now" sabi ni mrs. Cruz at umalis na 

"How dare you para ipahiya ako kay Mrs. Cruz, walang hiya ka talaga" galit na sabi ni roxan 

Tumawa lang ako "Kung wala akong hiya ano nalang ang tawag sayo"

"Xandra umalis na tayo, wag mo nalang siyang pansinin" sabi ni marco at hinawakan ang kamay ko

"Magbabayad ka talaga xandra" sigaw ni roxan

"Go on, hindi ako natatakot"naka ngiting sabi ko at kinindatan siya 

Lumabas na kami ng classroom at pumunta na sa cafeteria. Habang naglalakad ay ramdam ko ang mga matang nakatingin sa amin. Sanay na ako sa mga atensyong nakukuha ko

"Anong gusto mong orderen?" tanong ni marco

"Ikaw na ang bahala" sagot ko at nginitian siya 

"Pupunta muna ako ng comfort room" pagpapaalam ko kay marco at umalis na 

Papasok na ako sana ako sa  comfort room pero bigla akong nagulat nang may humila sa akin sa isa sa mga cubicle at isinandal ako sa pader

"A-ash"







_______________

Nag enjoy akong I-sulat ang chapter na ito, sana kayo rin. Thank you for reading❤️

That sexy nerd - CompletedWhere stories live. Discover now