CHAPTER 43: The proposal

11.4K 336 10
                                    

XANDRA'S POV

"Ash" bulong ko habang lumalapit siya sa akin

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Parang gusto nitong kumawala aa dibdib ko at pakiramdam ko ay mawawalan ako ng malay ano mang oras. Nanghihina ang tuhod ko at nanginginig ang kamay ko. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko

"Buhay ka" sabi ko at pinilit na ngumiti 

Hindi parin pumapasok sa utak ko na ko ang nangyayari ngayon at hindi parin ako makapaniwalang buhay si ash. Tama ako, buhay siya

Lumapit siya sa akin at hinamas ang pisngi ko "I miss you angel"

Biglang tumulo ang luha ko "Walang hiya ka" sabi ko at sinuntok ang dibdib niya "Bakit hindi ka nagpakita sa loob ng isang buwan sa akin? May ibang babae ka na siguro"

"Aray! " sabi niya at pilit na lumalayo sa akin pero patuloy ko lang siyang sinusuntok 

Bakit ba siya nagsinungaling sa akin? Hindi niya ba alam na namiss ko siya. Halos mabaliw na ako sa kakaisip sa kanya. Pumangit ako pero bakit gwapo parin siya? Ang unfair talaga. Mukhang ako lang yata ang masyading nag-iisip sa kanya

"Ang sama mo" sigaw ko habang patuloy parin na umiiyak 

"Sabihin mo, sino ba ang babaeng kasama mo at nagawa mo akong lokohin" walang tigil ang pagsuntok ko sa kanya

Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin dahilan para mapatigil ako sa pag suntok ko sa kanya. Sa hindi malamang dahilan ay gumanti rin ako ng yakap sa kanya

"Tapos ka na ba sa pananakit mo sa akin?" tanong niya

"Bakit ka nagsinungaling sa akin?" tanong ko habang patuloy parin sa pag-iyak

"Sorry" sabi niya at hinimas ang pisngi ko pero agad akong lumayo sa kanya 

Kahit na namiss ko siya galit parin ako sa kanya dahil nagsinungaling siya saakin at hindi sapat ang paghingi ng tawad niya saakin dahil mahigit isang linggo niya akong niloko 

"I hate you. Nasaktan mo ako ng sobra. Pakiramdam ko mababaliw ako sa tuwing maiisip ko na patay ka na. Tapos hito ka ngayon at  magpapakita sa akin na parang walang nangyari. Handa na akong kalimutan ka ash pero ginugulo mo ulit ang sistema ko"

Napatwa ako ng mapakla nang maalala ko na naman ang mga hirap na dinaanan ko dahil sa pagsisinungaling ni ash saakin 

"Bakit pinaabot mo pa ng isang linggo  ang pagsisinungaling mo saakin? Bakit hindi ka man lang nagparamdam sa akin?"  

"Sorry" naka yukong sabi niya 

"Sorry lang ba ang masasabi mo saakin matapos mo akong saktan?" tanong ko 

Lumayo siya sa akin at ngumiti. Parang may gusto itong sabihin pero hindi niya ito masabi

"Alam ko namang hindi mo ako mapapatawad dahil sinaktan kita kaya aalis nalang ako dahil baka mas lalo ka lang magalit sa akin" 

"Sorry, aalis na ako" sabi niya at nagsimula nag maglakad 

Bigla akong kinabahan nang nagsimula na siyang maglakad. Akala ko ba gagawin niya ang lahat para saakin pero bakit aalis siya ngayon? Ang bilis naman yata niyang sumuko 

Agad akong tumakbo at niyakap siya mula sa likod "Ang dali mo namang sumuko, Galit ako sayo pero mas mahal kita. Hindi na ulit kita papakawalan" sabi ko 

Humarap siya saakin at mahigpit akong niyakap "Akala ko hindi mo na ako patatawarin" sabi niya at hinalikan ang leeg ko 

"Sorry" sabi niya habang hinahalikan ang leeg ko. Damn I really miss him! 

Humarap siya saakin at hinimas ang pisngi ko "Sorry dahil hindi ako nagpakita sayo. I need to fix my name. Nilinas ko ang pangalan ko. At sinigurado kong mabubulok si ethan sa bilangguan "

"Pero sana nagparamdam ka"

Ngumiti siya at hinalikan ang noo ko "Palagi kitang pinapadalhan ng sulat araw araw pero mukhang hindi mo man lang iyon pinapansin" sabi niya at tumawa 

Nagulat ako sa sinabi niya. Ibig bang sabihin ay siya ang palaging nagpapadala ng sulat sa akin? Siya si mystery guy? 

"Alam mo bang ang hirap na hindi kita makita sa isang linggo na yun?"

Nanatili lang nakatikom ang bibig ko at pinapakinggan siya. Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya. Nagparamdam siya sa akin pero sadyang slow lang talaga ako kaya hindi ko napansin yun

"Palagi kitang sinusundan dahil natatakot ako na baka mapahamak ka, alam mo bang palagi akong nagseselos kapag may kausap kang lalaki? Gusto ko silang ilayo sayo pero hindi ko magawa dahil hindi pwedeng makita mo ako dahil baka masira ang plano ko" sabi niya 

Bigla akong nagtaka sa sinabi niya "Anong ibig mong sabihin?"

Nagulat ako nang bigla siyang lumuhod  sa harapan ko at may kinuha sa bulsa niya na isang maliit na box 

"Will you marry me?" tanong niya at binuksan ang box at nakita ko ang isang singsing, may malaki itong diamond sa harap nito

"Sorry, nagsinungaling ako sayo. Ginawa ko yun para sa sarili ko at para paghandaan ito. Pero promise, wala talaga akong babae dahil sapat ka na sa akin. Sobra pa nga. Kaya wala akong dahilan para humanap ng iba"

Ang bata pa namin. Nag-aaral pa kami. Paano kung hindi pala siya ang lalaking para sa akin? Baka saktan niya ako ulit. Kaya ko ba?

Napangiti ako nang makita ang kaba sa mukha ni ash. Marami ng siyang nagawa sa akin. Marami na siyang napatunayan sa akin. Alam kong sasaya ako kung susugal ako, di baleng masktan basta kasama siya

"Yes, I will marry you Mr. Ashton stanford" naka ngiting sabi ko at lumuhod din para magkaharap kami 

"I will marry you kahit na sinaktan mo ako" sabi ko at niyakap siya

If pain is part of love, magmamahal parin ako. Alam kong masasaktan ako pero anong magagawa ko, marupok ako. At alam kong mas sasaya ako kung kasama ko siya

Humarap ako sa kanya. Mukhang shock parin ito sa naging sagot ko "Isuot mo na ang singsing saakin dahil baka magbago pa ang isip ko" naka ngiting sabi ko at inilahad ang kamay ko 

Bigla akong natawa nang makita kong nagmadali siyang kinuha ang singsing at isinuot ito saakin "Thank you, angel" sabi niya at hinalikan ang kamay ko 

"I miss you angel" sabi niya ay hinalikan ang noo ko

Damn! Hanggang ngayon ay sobrang bilis parin ng tibok ng puso ko

"I love you my soon to be mrs. Stanford" sabi niya at hinalikan ang labi ko 

"Hmmmm" ungol ko nang kagatin niya ang ibabang labi ko at dinilaan ito 

Ikinawit ko ang mga kamay ko sa batok niya at mas pinalapit pa siya sa akin. I miss this man so much!

"A-ash" Hinimas niya ang bewang ko at mas pinalalim pa ang halikan namin

"Anong nangyari"

Agad kaming napalayo sa isat-isa nang biglang bumukas ang pinto ng classroom at pumasok si rhea at mga kaklase ko. Mukhang nakita nila kaming naghahalikan 

"Anong balita bes?" naka ngising tanong saakin ni rhea 

Ngumiti ako at ipinakita ko ang kamay ko na may suot na singsing "Soon to be mrs. Stanford" naka ngiting sabi ko

That sexy nerd - CompletedWhere stories live. Discover now