CHAPTER 29: His sacrifices

10.9K 319 1
                                    

ASHTON'S POV

"Hindi ko ititigil ang engagement natin" sabi ni nicole

"Please nagmamakaawa ako sayo nicole"

"Paano naman ako ash? Mahal din kita" sabi niya at tumulo na naman ang luha niya 

"Mahal ko si xandra kaya sana hayaan mo na kami "

"Hindi ko ititigil ang engagement" tinignan niya lang ako at sumakay na sa kotse niya

Sumakay ako sa kotse at pinaharurot ito. Susundan ko si nicole para maki-usap sa kanya na itigil na ang engagement 

Mas binilisan ko pa ang takbo ng kotse ko habang hinahanap si nicole. Gusto kong tapusin na lahat ng ito at bumalik kay xandra

*Beep beep 

Hindi ko namalayan na may kotse sa harapan ko. Tinapakan ko ang break pero patuloy parin ang takbo ko. Hanggang sa hindi ko namalayan na bumangga na ako sa isa pang sasakyan. Bumangga ang ulo ko sa manobela at unti unting bumigat ang talukap ng mata ko at nawalan ako ng malay


——

Nagising ako dahil narinig ko ang boses ng dad ko "Salamat doc"

"Gising ka na pala" sabi niya at umupo sa tabi ko 

"Buti nalang at hindi malala ang sugat mo, hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kung may mangyaring masama sayo" nag aalang sabi niya

"Wala namang mawawala saakin kaya ayos lang kung mamatay na ako ngayon" sabi ko at mapaklang tumawa 

Nawalan na ako ng pag asa na bumalik pa kami sa dati ni xandra

"Mahal mo ba talaga siya?" tanong ni daddy 

"Oo naman" sagot ko ".....sobra"

"Pagbibigyan kita ngayon pero baka sa susunod hindi na" naka ngiting sabi niya 

"Anong ibig mong sabihin?"

"Kina usap ko na ang parents ni nicole at tinigil ko na engagement nyo " sagot niya 

Napangiti "Thank you dad, hindi ko sasayangin ang pagkakataong binigay mo saakin " sabi ko ay niyakap siya 





XANDRA'S POV

Hindi pumasok si ash ngayong araw at hindi ko alam pero nag aalala ako sa kanya. Hindi ko alam pero hinahanap ko siya pero hindi ko siya nakita

Papasok na sana ako sa condo ko nang may tumawag sa pangalan ko. Si joy pala. Matalagal ko nang kaibigan si joy dahil nakatira lang siya katabi sa condo ko 

"Xandra" tawag niya 

"Ano yun?" naka ngiting tanong ko 

"Kilala mo ba yung lalaki na naka luhod sa harapan ng condo mo kahapon?" tanong niya 

Mukhang si ash yata ang tinutukoy niya. Pero mukhang umalis naman siguro ng maaga si ash 

"Sino?" tanong ko

"Yung gwapong lalaki, yung mayaman, yung business man yung tatay , kilala ko yun eh di ko lang matandaan ang pangalan" sabi niyo at umaktong nag-iisip

"Siya ba si ashton stanford?" tanong ko sa kanya 

"Oo siya nga"

"Alam mo bang natulog na siya sa labas ng condo mo? Akala ko nga lalabas ka at papapasukin" natatawang sabi niya 

"Pero alam mo nandon parin siya hanggang 6: 00 am mukhang sinundo siya ng mga kaibigan niya yata Yun. Kawawa nga siya eh. " dagdag niya

"Bakit ba siya naka luhod sa labas ng condo mo?" tanong niya

Biglang parang may pumitik sa puso ko. Mukhang sumusobra na yata ako kay ash

"Humihingi lang siya ng tawad"

"Well, patawarin mo na siya. Mukhang seryoso talaga siya. Ngayon lang ako nakakita ng gwapong lalaking katulad niya"

Iniba ko ang usapan "Bakit mo naman alam kung anong oras siya umalis?"  

Akala ko maaga siyang umalis pero hindi pala. Hindi man lang ba siya nag doorbell? Baka magkasakit siya ng dahil sa akin

"Maaga kasi akong umalis at nakita ko siya, mukhang napagod masyado"

"Patawarin mo na siya , baka kasi pagsisihan mo sa huli na hindi mo siya pinatawad agad" naka ngiting sabi niya at umalis na

That sexy nerd - CompletedWhere stories live. Discover now