CHAPTER 42: He's back

10.2K 299 1
                                    

XANDRA'S POV

Sinalubong ako ni richard at raymond at may ibinagay na heart shape na balloon. Classmate ko rin sila

"Para sayo" sabay na sabi nila

"Thank you" sabi ko "May alam ba kayo kung sino ang nagpapabigay nito?"

Tumango lang sila at umalis na. Ano bang talaga ang nangyayari sa mga classmate ko? Naguguluhan na talaga ako sa mga nangyayari. Si rhea pa ang may pakana ng lahat ng ito?  

Nagulat ako nang makita ko si tyro kaya agad ko siyang nilapitan "Kasama karin nila? Siguro nauto ka rin ni rhea"

Hinihintay ko na sumagot siya pero wala akong narinig na salita mula sa kanya at sa halip ay binigay sa akin ang limang white rose at umalis agad. Tatawagin ko sana si tyro pero nakita ko si rhea na nasa labas ng classroom kaya agad akong lumapit sa kanya 

"Ikaw ba ang may pakana nito bes?"

"Para sayo bes" naka ngiting sabi niya at ibinigay sa akin ang isang pink na rose 

"Thank you talaga bes, ang sweet mo talaga at binigyan mo pa ako ng nga rose at balloons. Ginamit mo pa talaga ang mga classmates natin" kinikilig na sabi ko

"Hindi naman ako ang may pakana nito bes eh" sabi niya at ngumiti 

Naguguluhan ako sa sinabi niya. Kung hindi siya. Sino? "Sino naman bes?"

Akala ko si rhea talaga ang gumawa nito dahil siya naman ang nag papunta sa akin dito

"Gusto mo ba talagang malaman bes?" tanong niya 

"Oo?" patanong na sagot ko

Bigla itong sumeryoso "Kung gusto mo talagang malaman bes, pumasok ka sa classroom para malaman mo ang katotohanan"

"Bakit bigla kang sumeryoso bes?" natatawang sabi ko sa kanya 

"I'm so happy for you bes, dahil alam kong nakita mo na ang tamang lalaki para sayo" sabi niya at niyakap ako 

Bigla akong nagtaka sa ikinilos ni rhea "Ano bang nangyayari sayo bes?" natatawang tanong ko sa kanya "Para kang may sapi, alam mo yun? Hindi pa naman ako mamatay. At tsaka, binigyan mo pa talaga ako ng lalaki ah"

Binuksan niya ang classroom "Wag mo na akong pansinin bes, pumasok ka na"

"Sige na nga bes, papasok na ako"

Ngumiti ako sa kanya at unti-unting pumasok sa classroom pero nagulat ako nang biglang isinirado ni rhea ang pinto 

"Buksan mo to" sigaw ko habang pinipihit ang door knob "kakalbohin talaga kita sa sabunot mamaya kapag naabutan kita, rhea"

Medyo nakaramdam ako ng kaba  dahil sobrang dilim ng classroom at wala talaga akong nakikita na kahit anong bagay na nasa loob ng classroom 

"Para to sayo bes kaya wag ka nang magalit" sigaw ni rhea sa labas ng classroom 

Bumuntong hininga nalang ako at nagsimula nang maglakad para hanapin ang switch ng ilaw ng classroom namin. Mukhang wala talagang plano si rhea na buksan ang pinto at kilala ko siya. Matigas pa ang ulo 'non sa bato

"Patay talaga sa akin ang rhea na yun" bulong ko 

Simula nang mawala si ash ay sinanay ko na ang sarili ko na wag matakot sa dilim dahil alam kong wala nang taong yayakap at magpapatahan sa akin kapag natatakot ako. Nagpatuloy ako sa pagkapa ng pader para mahanap ko na yung switch ng ilaw "Saan na ba yun?"

Napangiti ako nang makita ko na ang switch kaya agad ko na itong pinindot dahilan para umilaw ang buong classroom 

Nagulat ako nang makita ko ang paligid na puno ng mga rose na may ibat-ibang kulay "Wow, ang ganda" bulong ko at inilibot ang tingin ko sa loob ng classroom 

Punong puno kasi ng rose ang classroom namin at sobrang gaganda ng mga ito. Favorite ko ang bulaklak na rose kaya ayos lang na tignan ko sila buong araw

Nagmistulang garden na puno ng rose ang classroom namin dahil pati sahig ay punong puno ng mga rose petals na may ibat-ibang kulay at pati narin ang pader namin ay napuno ng rose 

"Sino kaya ang gumawa nito?"

Hindi naman ako naniniwalang para sa akin lahat ng ito kasi wala namang may gusto sa akin. Maliban nalang siguro sa nanliligaw sa akin, pero alam ko namang hindi nila to magagawa. Magaling lang  kasi sila sa salita

"Ang ganda naman dito"

Napabuntong hininga ako. Bakit kaya ako pinapasok ni rhea dito? Para siguro to sa kanya at siguro kaya niya ako pinapasok dito dahil gusto niyang inggitin ako sa surprise na ginawa ni ivan para sa kanya

"Okay na rhea, naiinggit na ako sayo. Buksan mo na ang pinto" sigaw ko pero walang nagsalita

Bigla akong nagtaka "Bakit kaya hindi pumasok si rhea sa loob ng classroom? Surprise niya to diba? Pero balit ako ang pinapasok niya? " tanong ko sa sarili ko habang tinitignan parin ang loob ng classroom

Napahinto ang tingin ko sa lalaking nakatalikod sa akin. Hindi ko alam pero bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko ang lalaki, para kasing pamilyar ang bulto ng lalaki at para bang matagal ko na siyang kilala 

"Si-sino ka"

Parang huminto ang tibok ng puso ko nang humarap ang lalaki saakin na may mga dalang isang bouquet ng rose 

Biglang tumulo ang luha ko nang lumapit ito sa akin "Ash"

That sexy nerd - CompletedWhere stories live. Discover now