CHAPTER 17: Meeting her Grandparents

13.5K 356 5
                                    

XANDRA'S POV

"Sasama ka ba talaga, pwede ka pang umatras" sabi ko ulit kay ash

"Oo naman, I also want to meet the people who plays important rules in your life"

Nandito kami sa sala at nag-iimpaki. Pupunta kasi kami ngayon sa bahay nang lolo at lola ko at pinipilit talaga ni ash na sumama sa akin. At ang loko, mas nauna nang makapag-impaki at mas excited pa sa kanya

"Pero strict kasi sila. Baka makauwi ka nang wala sa oras. Baka magwala yung mga yun kapag nalaman nilang may boyfriend ako"

"Then susuyuin ko sila. I'm not that persistent, pero I'll try my best to get their permission to be your boyfriend"

Yumakap siya sa akin at hinalikan ang buhok ko. Kahit anong pilit nya kay ash ay hindi parin nagbabago ang desisyon na sumama sa kanya. Alam kong gera ang mangyayari kapag nakita nila na may boyfriend na ako, na gwapo

"Pero pwede namang hindi ipaalam sa kanila diba?"

"Mas importanting legal tayo sa kanila" saad nito "O baka naman mas gusto mong itago ako at ang relasyon natin sa ibang tao?"

"Halika na nga" sabi ko at hinila siya palabas ng condo dala ang gamit namin

Ang tigas talaga ng ulo niya!

Sumakay na kami ng kotse na pinadala ni lola para daw maging safe kami "Matulog ka kaya muna?" tanong ko sa kanya

Malayo pa kasi ang bahay ng lola ko. Hindi siya sumagot pero yumakap siya saakin at sumiksik sa leeg ko 

Naramdaman kong hinalikan niya ang leeg ko "Ang bango naman ng babe ko" sabi niya

"Tumigil ka nga ash" saway ko sa kanya dahil may naramdaman akong kakaibang sensasyon nang halikan niya ang leeg ko

"Sige na nga" parang batang sagot niya at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa akin

"I love you" bulong niya ulit

Hindi ako sumagot at hinimas ang buhok niya. Ang lalaking akala ko masungit noon ay sobrang clingy pala at ayaw nang humiwalay sa kanya. Sana lang ay hindi ito magbago


__

"Nandito na tayo, miss xandra"  sabi ng driver

Ngumiti ako sa kanya "Thank you manong, susunod na kami"

Napatingin ako kay ash na ngayon ay mahimbing na natutulog. Hinimas ko ang pisngi nito kaya agad itong napamulat. Ngmuti ito sa akin at pinagmasdan ang paligid

"Napatagal yata ang tulog ko"

"Hindi naman, halika ka na. Hinihintay na tayo ni lola" sabi ko at hinila si ash

Nang matanaw ko na si lola ay agad na kumalabog ang puso ko. Kinakabahan talaga ako. Mabilis akong naglakad at nauna kay ash. Sigurado akong papagalitan ako ni lola

"Xandra, apo na miss kita" sabi ni lola at niyakap ako 

Gumanti ako ng yakap "Na miss din kita, lola"  

"Apo, sino ba yang gwapong lalaki na kasama mo?" seryosong tanong ni lola , ang tinutukoy nya pala ay si ash na ngayon ay nasa tabi ko na 

Mas Lalo akong kinabahan  "Uhm, siya po ang ano ko... ang ano—" 

"Ako po ang boyfriend niya" sabi ni ash at nag mano sa lola ko

Napalunok ako ng laway sa sinabi ni ash. Naghintay ako na bulyawan ako ni lola pero nagulat ako ngumiti ito

"Ang gwapo naman pala ng boyfriend mo apo"

"Akala ko ba lola, ayaw mo akong magka boyfriend ako?" tanong ko

Binigyan ako ni lola nang makahulugang ngiti "Sa gwapo ba naman nang boyfriend mo apo, bakit pa ako magagalit sayo"

Naputol ang pag-uusap namin ng magsalita si Lolo "Pumasok na kayo sa loob" seryosong sabi nito

Pumasok na kami sa loob at umupo sa sofa habang si lolo naman ay seryosong nakatingin saamin 

"May gusto ka ba sa apo ko?" tanong ni lolo at masamang tinignan si ash

"Oo naman po" sagot ni ash na halatang kinakabahan

Napangiti ako, ngayon ko lang nakitang kinabahan ng ganito si ash

"Kung ganun patunayan mo sa akin. Kung talagang mahal mo talaga ang apo ko at para din makuha mo ang permiso ko, kailangan munang maghirap ka"

"Paano po?" tanong ni ash

"Kailangan mong magluto, mag igib, mag sibak ng kahoy at gawin ang iba pang gawaing bahay" sagot ni lolo 

Napaawang ang bibig ko nang marinig ang sinabi ni lolo "lolo naman , wag mo nang pahirapan si ash" sabi ko

Mukhang nanganganib ang lovelife niya! Wala kasing  alam si ash sa mga gawaing bahay, siguradong hindi siya makakapasa

"Ayos lang , gagawin ko" sabi ni ash at hinawakan ang kamay ko 

"Simulan mo nang mag sibak nang kahoy" sabi ni lolo at sinamahan si ash sa labas 

"Lola naman, baka mahirapan lang si ash. Wala siyang alam sa mga ganito at tsaka hindi naman niya kailangan mag sibak ng kahoy, diba ? May mga maids naman tayo. " mahabang lintanya ko kay lola 

"Kilala mo naman ang lolo mo diba?Ang tigas din ng ulo" natatawang sagot ni lola

Napabuntong hininga nalang ako at nahiga sa sofa. Bigla akong nawalan ng enerhiya. Alam niyang pahihirapan talaga ng lolo niya si ash

"Ang hot ng boyfriend ni maam xandra noh?" narinig kong sabi ng isang maid namin

"Oo nga, ang swerte ni maam ni xandra" sagot naman ng isa

Napangiti ako nang marinig ko ang pinag uusapan nila . Siguro nga ang swerte ko dahil naging boyfriend ko si ash 

Hindi ko namalayan na unti-unting bumigat ang talukap ng mata ko at nakatulog

That sexy nerd - CompletedHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin