C H A P T E R _ 62

41 5 0
                                    

"Mama?" katok ko sa pinto bago ako pumasok sa kuwarto niya. Hinintay ko muna ang kaniyang sagot bago ko tuluyang binuksan ang pinto at pumasok sa loob.

Nakita ko siyang nakaupo sa kama at mayroong nakapatong na isang kahon sa kaniyang mga hita.

Nakauwi na kami sa bahay. Magdadalawang araw na rin simula nang ma-discharge si Mama sa hospital. Si Tita Jeanette na rin ang sumagot sa mga gastusin namin sa hospital kung kaya't laking pasasalamat din namin sa kaniya.

Titig na titig lamang si Mama sa kung ano mang laman ng kahon. Naupo ako sa kaniyang tabi at tiningnan na rin ang laman ng kahon.

Mga lumang picture.

Bumubuntong-hininga si Mama, "Namimiss ko na siya, 'nak. Namimiss ko na ang tatay mo."

Ngumiti ako at niyakap si Mama mula sa aking tabi. Inihilig ko ang aking ulo sa kaniyang balikat habang pinagmamasdan ang mga larawang nasa kahon.

Isa-isang kinuha ni Mama ang mga litrato at kaniya itong pinagmasdan habang inaalala ang kaniyang nakaraan.

"'Nak, malaki ka na naman. Siguro ito na rin ang panahon para sabihin ko sa 'yo ang mga totoong nangyari sa buhay ko hanggang sa dumating ka sa akin dahil hindi ko na kakayanin pang may mangyari ulit na masama sa atin nang dahil lamang sa lahat ng kasinungalingang pinaniniwalaan natin," malungkot na sabi ni Mama. Tahimik na lang akong nakinig sa mga susunod niyang sasabihin.

Handa na akong malaman ang katotohanan. Pinagdaanan ko na 'yan e. Hindi pa ba ako nagsawa?

"Sige lang, Ma. Makikinig po ako," malambing kong tugon.

Hinalikan niya ako sa ulo at ngumiti tsaka siya muling bumaling sa mga litrato at doon na siya nagsimulang magkuwento.

*     *     *

Nag-aaral ako ng kolehiyo noong una kong makilala ko si Alfred. Isa siyang mabait na lalaki. Magalang. May respeto. Gentleman. At sabihin na nating, guwapo. Guwapo para sa paningin ko.

Ang hilig niyang magpapansin sa akin. E mainitin pa naman ang ulo ko noon. Siyempre, sino ba namang hindi maiinis e pressured ka sa pag-aaral tapos may aali-aligid sa 'yong ganoong lalaki 'di ba? Pero kahit na ganoon, kahit madalas natatarayan ko siya at hindi ko siya pinapansin, napaka-persistent niya pa rin para lapitan niya ako.

Hanggang sa isang araw, naglalakad akong mag-isa pauwi tapos may nang-hold up sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko noon pero laking gulat ko nang bitawan ako nung lalaki at napabagsak siya sa lupa. Nandoon si Alfred. Siya ang nagligtas sa akin noon.

Tumakbo papalayo yung holdaper at tinulungan naman ako ni Alfred na makatayo at ayusin ang mga naglaglagan kong gamit. Siyempre hiyang-hiya ako sa kaniya noon. Sa dinami-rami ba naman kasi ng nagawa kong pagtataray sa kaniya, nagawa pa rin niya akong tulungan.

Doon na tuluyang nahulog ang loob ko sa kaniya dahil nakita kong totoo siya sa kaniyang pag-ibig sa akin. Tanggap siya ng aking mga magulang kaya laking tuwa niya noon.

Noong araw na maka-graduate na kami ay nagkayayaan ang mga kaibigan niya na magsaya sa isang hotel dahil sa isa naming ka-batch na anak ng may-ari ng hotel. Siya ang sumagot sa mga gastusin. Sa pagkain, sa reception, sa lahat. Kaya sumama ako noon.

The Unluckiest Love of AllWhere stories live. Discover now