C H A P T E R _ 27

70 12 0
                                    

Nagising ako sa kalagitnaan ng pananakit ng aking batok at aking mga kasu-kasuan. Nanlalabo ang aking paningin kung kaya't 'di ko pa masyadong makita kung saan ako napadpad.

Akmang kukusutin ko na ang aking mga mata nang makaramdam ako paghigpit ng kung anong bagay sa aking mga braso. Pilit ko itong inaalis pero parang may kung anong bagay na nakabuhol sa aking mga kamay. Doon lamang ako nabuhayan ng pag-iisip nang mapagtanto kong nakatali pala ako. Hindi ko rin lubos na maigalaw ang aking mga paa't binti.

Napatingala ako kinurap-kurap ang aking mga mata.

Nasaan ba ako?

Napatingin ako sa paligid nang medyo luminaw na ang aking paningin. Hindi ko maipinta kung saan ako napadpad. Masyadong madilim ang paligid at ang mga bagay na tangi ko lamang na nakikita ay sako-sakong mga kung anong mga bagay na nakakasulasok ang amoy.

Naramdaman ko rin ang paninikip ng aking dibdib. Para akong biik na ungot na ungot sa isang sulok dahil sa busal sa aking bibig.

Sinubukan kong magpumiglas at kumawala sa pagkakatali sa magaspang na poste na gawa sa kahoy. Hindi rin ako kumportable sa aking pagkakaupo, parang binabali ang aking tuhod dahil sa pangangalay. Sa bawat pagkibo ko ay parang mas nahihirapan akong huminga at makawala.

Naramdaman ko ang pag-init ng aking mga pisngi nang maramdaman ko ang pagdaan ng mga pumapatak kong mga luha. Para akong apaw na sigaw na sigaw para humingi ng tulong pero walang nasagot.

I let out muffled moans habang luhang-luha. Nakaramdam na naman ako ng kakaiba, yung tipong pakiramdam kong anumang oras ay magkakanda-gutay-gutay ang aking katawan. Hindi na ako magkandaugaga sa paglinga sa paligid upang maghanap ng posibleng maging paraan para makatakas.

Sino bang walang awa na may galit sa akin ang gagawa nito?

Napalalim ang aking pag-iisip nang bigla akong nakasambit ng mga 'di kaaya-ayang mga pangalan.

"Rhizia... Muriela..."

Naramdaman ko ang pagtaas ng aking dugo sa aking ulo.

Natigilan lamang ako nang may maalala pa akong isang pangalan.

"Khaerel..."

Anyone's a suspect. Napailing na lamang ako sa aking mga pinag-iiisip.

Huminahon ako pansamantala nang sinubukan kong alalahanin ang mga pangyayari. Mistula akong nahilo nang maalala ko si Sy.

"S-si Sy kaya ang kagagawan nito? Hindi... hindi pwede," sunod-sunod na hinagpis ng aking mga iniisip. Hindi ko na makimkim pa ang mga taghoy na nanggagaling sa aking paghihirap.

Napatungo na lamang ako at napapikit muli nang makaramdam ako ng pagba-vibrate ng isang bagay sa sahig. Nagpalinga-linga ako sa paligid at nakita ko ang aking cellphone na nakailaw, mga ilang metrong layo sa akin.

Ginalaw-galaw ko ang mga binti sa pagbabakasakaling maitayo ako nang mga ito pero sa bawat higit ko ay katumbas ng pagkabali ng isang buto na hindi ko maintindihan. Medyo malamig na rin ang pasok ng hangin na dumagdag pa sa problema kong ito.

"Mngghh!" ungol ko habang pilit kong ginagalaw ang aking mga binti. Napatapak ang isa kong paa sa isa ko pang paa dahilan para maipwersa kong maigalaw ang aking sarili paitaas.

Napakagat na lamang ako sa aking busal. Nalalasahan ko na ang aking tumatagaktak na pawis.

"Konti pa, tiisin mo lang ang sakit... Kaya 'ko 'to..."

Ungol ako nang ungol habang pilit kong itinatayo ang aking sarili. Matapos ang ilang attempt nang pagtulak ay napatungkod na ang aking kaliwang binti dahilan upang maiangat ko pa ang kabila kong binti pero nahihirapan pa rin akong makatayo nang maayos dahil sa mga taling nakabuhol sa akin. Pilit ko itong ikiniskis sa magaspang na kahoy na aking sinasandalan. Napapasigaw na ako ng mga mala-bulol na pag-aray dahil sa tumutusok na kahoy sa aking likuran habang pilit ko pa ring itinatayo ang aking sarili.

The Unluckiest Love of AllWhere stories live. Discover now