C H A P T E R _ 23

45 18 0
                                    

Sinampal ko ng paulit ulit ang aking sarili sa aking isipan. I must be dreaming. I mean, look at this, anong ginagawa nitong apat na ito at pinapalibutan nila ako ngayon? And to think, si Zon? Nanuntok? Ang Baklitang Pagong na 'yon? Sinuntok ang ex-crush kong si Sy?

Napailing-iling ako sa pinag-iiisip ko bago ko naalalang nakatayo pa rin ako sa gitna nilang apat. Doon na nagpanting ang aking paningin at kumulo ang aking dugo.

"Ano bang problema ninyo? Can't you just leave me alone?" sigaw ko sa kanila. Wala akong pakialam sa mga taong nadaan sa tabi tabi basta ang alam ko ay naiirita na ako.

"A-ano kasi," dinig kong bulong ni Jason kaya naman inirapan ko siya giving him a huwag-mo-nang-ituloy-yang-sasabihin-mo look.

Seriously, I appreciate their presence pero nang dahil sa kanila ay parang nagkakanda-leche-leche ang buhay ko. They're like Khaerel's minions na pinag-paubayaan na mas lalong guluhin ang buhay kong nakapatong sa isang nanlalagas na four leaf clover.

Ewan ko ba. I was supposed to change my wheel of fortune pero parang nababaliktad ang lahat, e.

Isa isa ko silang hinarap, "Ikaw Sy, pwede bang layu-layuan mo na ako? Oo, alam kong alam mong may lihim akong pagtingin sa 'yo dati pero hindi na ngayon, okay? Our relationship? It's just a fake trash anyway kaya ayun, pulutin mo kung saan ko man tinapon iyon kaya please, huwag na huwag mo na akong kukulitin," pagmamaldita na mukha namang ikinagulat nilang lahat. Jason was looking at me straight into the eye with weird expressions.

"Ikaw naman Jason, could you quit stalking me?" napatingin silang lahat kay Jason na siya namang tahimik lamang na nakatitig sa akin. "Sa tingin mo hindi ko pansin 'yon? Jason, please, huwag ka na namang dumagdag sa mga intindihin ko. You don't know where my path is taking me so back off!"

Napailing lamang siya bago siya tumakbo papalayo. Naka-recover na rin si Sy mula sa pagkakasuntok sa kaniya ni Zon. Nakalihis ang tingin niya sa akin at tila may rage sa kaniyang mga mata. Umismid na lamang siya bago naglakad papalayo.

Napabuntong-hininga ako bago ko tuluyang hinarap sina Zon at Vibe na nasa likod ko. Nginitian lamang ako ni Zon samantalang naka-pokerface lamang si Vibe.

"Kayong dalawa naman, anong ginagawa niyo dito? Don't tell me it's another coincidence dahil sawa na ako sa mga ganoon," pagmamataray ko. Napalingon si Zon sa kaniyang kasama at tumango lamang si Vibe.

"Arte mo, ano?"

"Was that a remark, an insult, or a compliment?"

"Look, Tiffany. Huwag mo namang ibunton sa 'min 'yang galit mo. We're just passing by nang marinig ko ang pag-uusap niyo nung Llanong iyon kaya naman hinila ko si Zon. Mukha kasing magkakaroon ng SPG scene sa pinaggagagawa niyong dalawa. Agaw mo noon? Tinulungan ka lang namin," ani Vibe na siyang naka-pokerface pa rin. Ano bang problema niya? "And please do remember, we still have a title defense. Ayaw ko namang sirain mo ang opportunity nating makaabot ng nationals. Stupid."

Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi niya, "Anong sinabi mo?"

"See. Stupid."

Akmang sasabunutan ko na siya nang pigilan ako ni Zon, "Tama na nga 'yan, baby girl. Ang wild mo na masyado."

A-ano raw? Baby girl?

"Gosh! Ganiyan pala ang mga iskolar ni Gov ano? Malalandi na nga, iskandalosa pa."

Mas lalong nag-igting ang pagkayamot ko kaya naman ay biglang nabuhayan ang pagkamatang-lawin ko in search of that bitch na makati ang dila.

"I know right."

The Unluckiest Love of AllWhere stories live. Discover now