C H A P T E R _ 21

78 23 0
                                    

Nandito ako ngayon sa dining area nila. Simpleng dining room lang. Napakasimple lang naman kasi ng bahay nila. Napakalawak pero walang masyadong accessories. Iisang palapag lang ito na may tatlong kwarto. Kulay green ang pintura ng mga dingding na may yellow borders. Sa sala nila, puno iyon ng wooden chair at sofa at may glass table sa gitna tapos may ilang painting na nakasabit na gawa ng kaniyang kapatid na si Chris. Oo, may kapatid pa siya maliban kay Chloe.

Nakakailang lang kasi hindi pa ako nakakapaligo o kung ano man. Naghilamos lang ako. Ni hindi pa nga ako nakakapag-sepilyo e. Yes I know, yuck.

Nakain kami ngayon ng breakfast. Ang awkward nga. Eating with the Castillos. Unang perception ko talaga sa kanila ay mayaman or something like that pero normal people lang naman pala sila, like me. Stuck in the middle. May kaya lang. Masikap lang talaga sila.

Katabi ko ang dalawang nakababatang kapatid ni Zon, sina Chris at Chloe. Katapat ko naman ang kuya niyang si Llenard habang katabi niya naman si Zon. Nasa magkabilang dulo naman ang nanay at tatay nila.

Ang awkward talaga ng atmosphere dito. Paano ba naman, dapat kasi kagabi ko pa sila nakilala kaso ayun, pinaglihi ako sa mantika kung matulog.

Ang sabi ni Chloe ay buhat buhat daw ako ni Zon pagkababa namin sa tricycle. Tulog na ng mga oras na iyon ang kaniyang kuya na si Llenard galing sa kaniyang trabaho. Si Chris naman, busy sa paglalaro ng cellphone niya. Tapos ay idineretso na raw ako Zon sa kaniyang kwarto at inihiga.

O hindi ba? Napaka-detailed magkuwento ni Chloe. Tapos ay naikwento na rin daw ako Zon sa nanay at tatay nila pero hindi na niya iyon naikwento sa akin ng buo.

"So hija," pagpapanimula ng usapan ng nanay ni Zon. "Nililigawan ka na ba nitong anak namin?"

Napatungo naman bigla si Zon nang dahil sa sinabi ng kaniyang nanay. Napaismid ako bigla.

Haha! Chance ko na 'tong gumanti sa kaniya.

"Uhm... Opo, kaso hindi niya pa rin niya makuha ang taste ko," ani ko sa isang magalang pero nakakaasar na tono. Nakatungo pa rin si Zon at halata ang pamumula ng kaniyang pisngi.

"Talaga? Sus, napaka-weak mo naman pala bro," pang-aasar ng kaniyang Kuya Llenard habang humahagikhik at sinusuntok siya ng pabiro. Na siya namang ikinairita ni Zon.

"Naku, kaunti na lang talaga ay paghihinalaan ko talagang bakla 'tong si Miles," singit naman ng tatay niya.

"Pa!" pagtutol ni Zon na siyang ikinahagikhik ko.

"Tama si papa! Ang tanda na ni Kuya tapos wala pang girlfriend tapos kulay pink pa yung jacket," pang-aasar naman ng kapatid niyang si Chris.

"Chris!" Zon remarked through gritted teeth. Pulang pula na ang mukha niya at nakikita kong nangangatal na siya. Nagsimula nang magkimkim ng kaniyang halakhak si Llenard.

"Bakit kuya? Totoo naman 'di ba? Meron ka pa ngang lip gloss at saka long sleeves na black na may My Melody na character. Hilig mo kuya sa black and pink," pambubulgar pa ni Chloe.

"A'a! Tama na nga!" galit na sigaw ni Zon. Natawa na lamang kaming lahat. Ang sarap naman niyang asarin. Isama pa yung boses niya na parang pambabae, maghihinala na rin ako.

"Hay nako, hija. Ang saya mo naman palang kasama. Aba, sana naman ay makuha nitong binababaeng anak ko ang kiliti mo. Ang gwapo na sana, e. Nababakla naman pala," imik ng nanay Zon sa pagitan ng hikbi ng kaniyang pagtawa.

"Mama! Hindi po ako bakla!" pagtutol naman ni Zon.

Naalala ko tuloy yung kinwento sa akin noon ni Gione. Napanood na raw niya dati 'tong si Zon sa cheerdance noong intramurals at napanood niya raw itong mag-bending. Ang flexible niya raw pati.

The Unluckiest Love of AllWhere stories live. Discover now