C H A P T E R _ 48

24 6 0
                                    

Sobrang higpit ng pagkakayakap sa 'kin ni Chloe. Ramdam na ramdam ko ang pagkaulila niya sa akin. Napahaplos na lang din ako sa kaniya. After all these years, naalala pa rin niya ako.

Nang maalala kong nakaharang kami sa daan ay tinapik ko na siya na senyas para itigil na muna ang pagyakap sa akin. Kumawala kami sa yakap ng bawat isa at nagkatinginan kaming muli.

"Chloe! Saan ka ba nagpun—" natigilan ang isang lalaking papalapit sa amin nang mapansin niya ako. Pinaningkitan niya ako ng paningin. "Ate Tiffany?"

"Chris," tawag ko sa kaniya bago niya ako inasulta ng yakap.

"Ate Tiffany! Na-miss ka po namin!" aniya.

"Na-miss ko rin kayo," tugon ko habang hinahagod ang buhok ni Chris. He broke the hug. I can see their eyes smiling.

"O? Ano nga palang ginagawa niyo dito sa mall? Sinong kasama niyo?" tanong ko sa kanila pero deep inside, I was hoping na kasama nila si Zon... Ang Baklitang Pagong ko.

What? No! Erase! Bakit may 'ko'? Number one sa rule number one, masamang mang-angkin ng hindi sa 'yo!

"Kasama po namin si Mama," ani Chloe. "Nagsa-shopping po kasi kami tapos nagutom po ako kaya nag-aya po akong kumain dito. Grabe po Ate Tiffany, sinurprise mo naman po kami."

"Ahh..." ang tangi ko na lamang naisagot. Napangisi na lang ako.

Nagkatinginan ang magkapatid. "Uyy... si Ate Tiffany inisip na kasama namin si Kuya Miles," pang-aasar ni Chris.

Naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi kasabay ng mabilis na pagtibok ng aking puso. "Uy, hindi ah!"

Pabiro akong kiniliti ni Chloe sa tagiliran. Grabe, ang laki na rin talaga ng batang ito. Ang dami ng pinagbago.

"Sus Ate Tiffany, pakipot ka pa. Alam naman po namin na like na like mo si Kuya. Huwag kang mag-alala, ate. Back-up mo kami," masaya niyang pagkakasabi. Ginulo ko ang kaniyang buhok habang natawa.

"O siya, sige. Like na kung like," sabi ko na sabay naman nilang ikinatili. Medyo nakonsensiya tuloy ako sa mga sinabi nila. Nakonsensiya ako na pinagpanggap ko pa si Dale bilang boyfriend ko sa harap ng kuya nila while they're hoping na kami pala ang magkatuluyan. Nabanggit na kaya iyon ni Zon sa kanila?

"Alam mo Ate Tiffany, na-kuwento sa akin ni Kuya Miles na nagkita raw kayo noong isang araw," ani Chloe. Medyo tumalon ang dibdib ko sa sinabi niya. "Pero hindi ako naniwala nun kasi akala ko namamalikmata na naman si kuya."

"Namamalikmata?" naguguluhan kong tanong sa kaniya.

"Opo. Alam niyo po bang gabi-gabi ka nun iniisip? Tapos tuwing may makikita siyang babaeng medyo kahawig mo sasabihin niya kaagad na ikaw yun. Ganun ka ka-miss ni Kuya Miles, Ate Tiffany. Kahit na sabihin mong nagkabalikan sila ni Ate Alex, ikaw pa rin ang iniisip nun. Mas boto nga po ako sa 'yo kaysa kay Ate Alex e," pag-elaborate pa niya. May naramdaman akong kakaiba sa kaloob-looban ko. Hindi ako nakasagot kaagad sa mga sinabi niya dahil hindi ko pa ito maabsorb.

"Gabi-gabi akong iniisip ni Zon?" halos pabulong kong tanong. Mabilis namang tumango ang dalawa bilang tugon. A smile crept into my lips. Hindi ko talaga maipinta ang dapat kong maramdaman. There is a part of me na nagsasabing dapat hindi akong umasa pero there's this part din na nagsasabing kailangan ko lang kumapit.

"Colesha!" tawag sa akin ni Dale kaya binalingan ko siya.

Napatingin na rin ang dalawa at tila napaisip.

Bahagya akong tumindig at lumapit sa kaniya.

"Bakit ang tagal mo?" usisa niya.

"Uhh," nag-isip muna ako ng sasabihin pero mabilis na lamang akong ngumiti. "Dale, this is Chloe and Chris, kapatid ni Zon. Remember, yung ikinwento ko sa inyo noon?" tugon ko kaagad habang salit-salitan ko sila kung balingan ng tingin.

The Unluckiest Love of AllWhere stories live. Discover now