C H A P T E R _ 55

18 5 0
                                    

Note: Recall Chapter 25 before reading this chapter.
Enjoy! ^__^

*     *     *

Zon's Point of View

"Chloe, nandito na si Kuya. May pasalubong ako sa—" natigilan ako pagpasok sa loob ng bahay nang madatnan kong naroroon si Alex.

"Zon..." napatayo siya mula sa kaniyang kinauupuan. "P-pinapasok ako ni Chris. Wala pala sina Tito at Tita ano? A-at saka si Kuya Llenard..."

Hindi ko na siya inimikan at nilagpasan ko siya ngunit pinigilan niya ako mula sa paglalakad. Niyakap niya ako mula sa likuran at naramdam ko ang kaniyang pagluha't paghikbi.

"Zon, please. Kausapin mo naman ako," pagmamakaawa niya.

Pilit kong inialis ang kaniyang mga braso mula sa pagkakayakap niya sa akin. Tuloy-tuloy lang siya sa pagmamakaawa habang hindi pa rin siya iniimikan. I grunted hanggang sa tuluyan ko na siyang mailayo sa akin. Naitulak ko siya at napaupo siya sa sahig.

"Layuan mo na ako Alex," kalmado kong pagkakasabi.

Tumayo siya mula sa kaniyang pagkakabagsak at akmang lalapit na muli sa akin ngunit umatras na kaagad ako.

"Zon naman. Mag-usap tayo. Pag-usapan natin 'to. Mahal mo naman ako 'di ba? Zon sige na naman o."

"Oo, mahal kita. Minahal kita. Pero dahil sa nagawa mo, sa tingin ko hindi ko na magagawa ulit 'yon. Minahal. Nagawa. Lahat nakaraan na. Oras lahat ang ginugol para doon. Oras na kailanma'y pwedeng balikan pero hindi na pwedeng ibalik."

"Zon naman," pagluhod niya sa aking harapan. Niyakap niya ako mula sa aking binti.

"Alexandria, tumayo ka nga diyan."

"Hindi. Hindi ako tatayo rito hangga't hindi ka nakikipagbalikan sa akin," patuloy pa rin siya sa pag-iyak. "Zon, bumalik ka na sa 'kin. Please?"

"Kahit pa anong gawin mong pagdadrama diyan, wala ka nang magagawa. Hinding-hindi na kita babalikan."

"So ano? Panakip-butas lang talaga ako? Ganoon? Ano ako? Isang hostess na sasayawan ka lang kapag wala 'yang girlfriend mo?" galit niyang pagkakasabi sabay bitiw sa pagkakayakap sa akin. Itinulak niya ako pero tinigasan ko ang aking pangangatawan. Tumayo siya at tiningnan ako ng diretso sa mata. "Ginawa mo akong libangan habang wala 'yang Colesha mo!"

"Tiffany."

"Wala akong paki kung ano ang tunay niyang pangalan! Basta ang alam ko isa siyang kriminal!"

"Hindi kriminal si Tiffany, okay? Wala siyang kasalanan. Wala siyang ginagawang masama."

"At kinakaya mo pa talaga siyang ipagtanggol?! Ang galing mo Zon. Inuuto mo lang ang sarili mo."

Tinalikuran ko siya, "Tama. Kagaya nung panahong inuto ko ang aking sarili na mahal pa rin kita." Nagsimula na akong maglakad papalayo sa kaniya at dumiretso sa aking kuwarto kung saan ko nadatnan sina Chloe at Chris na malapit sa pintuan.

Isinara ko na ang pinto mula sa aking likuran. Pinanlakihan ko sila pareho ng paningin. "Pinapakinggan niyo ba kami kanina ng Ate Alex niyo?"

The Unluckiest Love of AllWhere stories live. Discover now