C H A P T E R _ 13

110 26 0
                                    

Naririnig ko ang pagpitik ng aking talampakan sa hagdan habang ako'y pababa papunta sa aming sala. Naririnig ko ang usapan nina mama at ng mag-asawang Refqon.

"Maraming salamat sa pag-aalaga kay Colesha," dinig kong sambit ni Mr. Refqon.

"Naku, wala po iyon. Napamahal po sa 'kin si Tiffa--este, si Colesha. Mapagmahal at mabait po siyang bata at tinuri ko na rin po siyang aking tunay na anak," dinig ko namang sagot ni mama.

"Basta, kapag handa na si Colesha at kapag nagkaroon ka na ng lakas ng loob na sabihin sa kaniya ang totoo, tawagan mo lang kami ha?" ani naman ni Mrs. Refqon.

Ibig sabihin ay tama nga ang iba sa aking mga hinala. At hindi rin nagsisinungaling si Khaerel. Ang hindi ko lang mawari ay kung napaiyak siya sa kalagitnaan ng pagkikwento niya at kung sino rin sina Colee at Wilson. Magkaiba pa ba sila nina Trinity at Pol?

Naagaw ko ang kanilang atensyon nang ako'y magsalita na lamang ng wala sa tamang pag-iisip.

"Ano... po ang dapat kong malaman?"

Nagkatinginan silang tatlo na tila naguguluhan sa aking sinabi. Maya-maya pa'y lumukot na ang mukha ni Mr. Refqon. Napatingin ako kay mama na napakagat sa kaniyang labi na tila nagpipigil na mapaiyak.

"Ano? Ano po ba ang dapat kong malaman ha?" medyo napataas na ang tono ng boses ko. Hindi ko lang kasi matanggap ang lahat, eh. I was bullied, my past was ruined, then this. All of those secrets, those histories, those revelations, those... lies.

It's funny sometimes how people are too eager to reach out for number one when there are many other numbers. Pilit nating ginagapang ang ating sarili patungo sa spotlight nating tinatawag and because of that aspiration ay nagagawa natin ang iba't ibang mga bagay na ikasisira lamang naman natin sa huli. A pathetic dejá vu pa kung minsan.

Nakatayo lang ako sa harap sila habang sila'y malungkot lamang na nakatitig sa 'kin. I wore my poker face dahil hindi ko talaga alam kung anong klaseng ekspresyon ba dapat ang iasta ko nang dahil sa mga nalaman ko. Huminga ako ng malalim dahil sa tingin ko'y walang mangyayari dito kung hindi ang magpalitan ng tingin.

Nagsalita na akong muli, "I called my cousin," I remarked casually, not showing any other expressions at all at mukha namang gulat na gulat ang mag-asawa.

"Y-you have already read the letters?"

"What are those for? Who wrote them? Who sent them?" sunud-sunod kong tanong sa kanila at hindi naman maipinta ang kanilang mga mukha.

"Tiffany," murmured mother, or is she?

"Don't. H-hindi ako si Tiffany," I blurted, at ramdam kong nangingilid na naman ang aking mga luha. "Dahil ako si Colesha Connie Tarynn Refqon--Unison..."

"Hindi ba?"

*    *    *

"Guess you've already met them, huh?" Khaerel's voice reverberated inside my ears.

Iyon at iyon lamang ang tanging natakbo sa aking isipan. Mukha tuloy akong tanga dito sa aking kinauupuan. Hindi ko maalis ang mga revelations na naganap.

"Alam naming hindi ka pa handa para rito. Matagal-tagal ka rin naming hinanap dahil iyan ang huling bilin sa amin ng mga magulang mo," sambit ni Mrs. Trinity Refqon habang ako ay pilit pang kinakalma ang aking sarili. "Masyado nang mahaba ang nakalipas na panahon at heto ka ngayon. Mapa-Tiffany man o Colesha ang iyong pangalan, ikaw at ikaw pa rin iyan. Hayaan mo, hindi namin pababayaan ang kumpanyang nararapat na para sa iyo basta't huwag kang matatakot na lapitan kami kung saka-sakaling dumating ang panahon na maging handa ka na para harapin ang itinadhana sa iyo, sa atin. Sa ngayon, ihahabilin ka muna namin sa kamay ng iyong Nanay Gomez habang ikaw ay nasa ikasampung baitang pa lamang. Pagbutihin mo ang iyong pag-aaral, ha? Nandito lang kaming lahat, susuporta kami sa mga bagay na ikaliligaya mo," dagdag pa niya habang ako ay hindi pa rin maisunod ang aking damdamin sa pagpintig ng aking puso. Humalik sa akin si Tita Trinity at ramdam na ramdam ko ang concern at ang pag-aalala niya. Hinawakan naman ni Tito Pol ang aking kamay nang mahigpit at tinitigan ako ng tila nag-aapoy niyang mga mata na siya namang ikanatatag ko.

The Unluckiest Love of AllWhere stories live. Discover now