C H A P T E R _ 20

74 24 1
                                    

"Bwisit na ulan 'yan. Hindi, mali pala. Bwisit na Baklitang Pagong na 'yan! Tss!" protesta ako nang protesta ng kung anu-ano habang naglalakad papasok sa main gate ng school namin. Pa'no ba naman, papuntahin ba naman daw ako dito nang alas siyete ng gabi tapos sakto pa 'tong pag-eksena ng mala-acanondang ulan. Ano ba kasi ang pumasok sa isip nun at may ganito pa siyang pakulo?

Bitbit-bitbit ko ang aking sapatos at nagtsinelas na lang dahil alam kong magtatampisaw ako sa putik kapag tinahak ko ang daang 'to papunta sa school namin habang naulan ng ganito kalakas.

Matapos ang ilang pagmumura at pagrereklamo sa daan ay nakarating na rin ako sa gym ng aming school. Nag-ayos muna ako ng sarili bago tuluyang pumasok sa loob. Pagpasok ko ay nakita ko na ang mukhang pinakaayaw ko nang makita sa buong buhay ko.

Nakaupo siya sa isa sa mga benches sa loob at bigla siyang napatingala nang mapansin niyang papalapit na ako. Bago pa man ako makapagreklamo sa kaniya ay tinadtad na niya kaagad ako ng kung ano-anong mga salita.

"You're twelve minutes late, Miss-Not-Interested-In-Knowing-You. Or should I start calling you Tiffany? At saka bakit ganiyan ang hitsura mo? Parang kakatapos mo lang maglaba?"

"Hep! Ang dami mo na agad sinabi! Pwede ba. May buhay din ako, marami akong gustong gawin at makamit sa buhay. May sarili akong pag-iisip at higit sa lahat, ako ang masusunod sa sarili kong desisyon. At saka ano namang pake ng twelve minutes na iyan sa oras na seven o' clock? At least nakarating ako 'di ba? Pero kung tutuusin dapat nga hindi na ako sumipot, e dahil hindi naman kita boss o kung ano pero dahil feeling ko may atraso ako sa 'yo at dahil feeling ko sa 'yo nakasalalay ang pagsali ko sa lecheng fair na 'yan ay gora ako. Pero kung 'yang sermon mo lang naman ang ipinunta ko ay no thanks, but I have better things to do. I could contact Ma'am Domingo myself so ta-ta," sunod-sunod kong pamamaril ng salita sa kaniya bago ko siya tuluyang tinalikuran. "Kainis. Nagpaka Mud Princess pa ako sa daan para lang sa wala," bulong ko pa sa aking sarili.

Tuluyan na akong lumabas ng gym. Ang lakas ng hangin, parang may bagyo. Habang binubuksan ko ang aking payong ay biglaan na lamang itong nilipad at tinangay ng hangin. Tinangay ito hanggang sa makatawid ito ng main gate at nilipad sa kalsada.

Ugh! Anong klaseng kamalasan na naman ba ang bumubuntot sa akin?

Kinuha ko ang aking cellphone mula sa aking bulsa. Naisipan ko na lang kasing kontakin si mama para magpasundo. Oo na, sakitin kasi akong tao 'no.

Kaso nang ilabas ko ang aking cellphone ay walang signal. And worse? Three percent na lang ang itatagal ng battery ko. Even worse? Wala akong dalang charger! Letsugas!

I'm stuck in here. Papasok na sana ulit ako ng gym nang may biglang tumawag sa pangalan ko.

Napalingon ako sa direksyon ng tumawag sa akin. It was Khaerel.

This past few days, nagiging mas close na kami sa isa't isa ni Khaerel matapos ang lahat ng mga naganap na rebelasyon. 'Di ko alam kung anong nangyari pero natuto na rin akong patawarin siya at dahil doon, natutunan kong i-adapt ang pagkamaldita niya pero siya, mas naging mahinhin na siya 'di tulad ng dati. Ironic 'di ba?

Lumapit siya sa akin nang may dalang payong, "Anong ginagawa mo dito? Alas siyete na ah," panunumbat niya. "Tsaka bakit diyan ka pa sa gym tumuloy? Ulang ulan, oh. Tara, sumama ka sa 'kin sa main campus," aniya sabay hablot sa kamay ko. Akmang hihilahin na niya ako nang may pumigil sa amin. May naramdaman akong yumakap sa akin mula sa likuran kung kaya't hindi ako tuluyang nahatak ni Khaerel.

Bumaling ulit siya ng tingin sa akin samantalang ako ay nakatayo lang doon na parang natimang na tuod. Ramdam ko ang higpit ng pagkakayakap niya sa akin na ikinainit ng katawan ko. Ang ginaw din kasi tapos 'di pa ako nagsuot ng jacket. Naka-shorts lang din ako.

The Unluckiest Love of AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon