C H A P T E R _ 38

37 6 0
                                    

Zon's Point of View

"Kuya, tumawag po si Kuya Sy," tawag sa 'kin ni Chloe mula sa labas ng aking kuwarto. Natigil ako sa aking ginagawang pagpatas ng aking bagong tiklop na mga damit para tumayo at lumapit sa pinto.

Inip ko itong binuksan at hinarap ang aking kapatid na nakabungisngis. "Ano na naman?"

"Maghapon bang nakapatay ang cellphone mo kuya? Bakit ba sa 'kin natawag si Kuya Sy?" medyo naiiritang pagkakasabi ni Chloe.

"None of your business, kid. Ano na? Anong sabi ni Sy?" ani ko dahil wala talaga ako sa mood ngayon.

Sino ba naman ang mapupunta sa mood kung gigising ka sa umaga tapos mababalitaan mong naubusan ka ng pagkain? Wala 'di ba? Wala.

Napilitan tuloy akong magluto. Nakakaasar.

"Tinanong nila ako kung puwede ka ba raw nilang sunduin," malumanay na pagkakasabi ni Chloe.

Napasinghal ako, "Tell them I'm busy. May pupuntahan kami ni Alex mamaya."

She pouted, "Alex, Alex. Puro ka na lang si Ate Alex. Kuya, pa'no na si Ate Tiffany?"

Kumunot bigla ang noo ko at tile bumigat kaagad ang aking dibdib. Tinalikuran ko na ang aking kapatid.

"Kuya?" muling tawag sa 'kin ni Chloe.

"Ayaw ko na siyang pag-usapan," malamig kong pagkakasabi.

"Aren't you even excited about her ret—"

"—I said, I don't want to talk about her," madiin kong pagkakasabi. I sighed. "Sige na Chloe, sabihin mo kay Kuya Sy mo na huwag nang pumunta rito," sa pagkakataong ito ay nilingon ko siya sabay ngumiti. I mustered a humorous passage hangga't sa maaari to lessen the mood. Baka mamaya kasi uniyak pa 'tong kapatid kong 'to. "Also, tell Chris na sa susunod huwag maging matakaw. Kainis e, inubusan ako ng corned beef," I tried to change the mood.

Nakatingin lang sa 'kin si Chloe, walang ekspresyong mababakas sa kaniyang mukha.

"Sige na," pasimple ko na lamang na sabi. "Magpapatas pa ako ng mga gamit ko. Promise ko sa 'yo, papasalubungan ka na lang mamaya ni kuya at ni Ate Alex mo ha?" dugtong ko pa sabay tapik sa kaniyang balikat ngunit nagulat ako nang pinagpag ito ni Chloe paalis.

Masama siyang nakatingin sa 'kin, "I hate you, kuya! Lagi ka namang ganiyan sa 'kin." At mabilis siyang umalis sa aking harapan.

"Chloe," tawag ko sa kaniya ngunit hindi na niya ako pinansin.

Napabuga ako ng hangin bago napailing. Napakamot ako sa batok na pumasok pabalik sa loob ng aking kuwarto. Naupo ako sa aking kama at napasabunot sa aking buhok.

"Leche naman Tiffany, oo! Bakit ba hanggang ngayon minumulto mo ako?! Bakit ko ba pilit pinagsisiksikan ang sarili ko sa maliit mong mundo? Kahit ilang beses kong pilit paniwalain ang sarili kong wala akong pag-asa sa 'yo, 'di ko magawa," bulong ko sa aking sarili. Gulong-gulo ang aking isipan. Wala akong masabing matino.

"Tiffany, bakit ba ako nagkakaganito sa 'yo? Maling palihim kitang mahalin, may Vibe ka na," paulit-ulit kong sabi sa aking sarili. "Ang sakit, sakit Tiffany. Pinilit kitang hintayin. Ang tagal kong inasam na yakapin kita. Pero wala, nagpakatanga lang ako."

The Unluckiest Love of AllWhere stories live. Discover now